"Shine.. Alam mo naman na isa sa mga dahilan kung bakit ako nag pursue bilang isang modelo dahil gusto kong makatulong sa mga mahihirap. Alam mo naman na hamak na mahirap lang din kami noon." Pag expalain ko kay Shine at narinig kong napabuntong hininga siya.


"Ewan ko talaga sayo! Bahala ka! Masyado ka talagang mabait. Feel ko talaga hindi ka na tanggap sa heaven dahil lagpas ka na doon dahil sa kabaitan mo!" Sabi ni Shine kaya napangiti ako. Minsan talaga napaka over dramatic niya.


"Sa kabilang room daw tayo dahil sa isang room daw puro daw mga may sakit ang nandoon at may free medications daw doon. Sabi nung isang madre doon daw tayo naka asign sa kabila kung saan kakain ang mga bata." Sabi ni Shine saakin matapos niyang makipag usap sa iilang madre.



Pumasok na din kami sa pinakadulo na room at isa pala itong malaking canteen. May mga batang sumalubong saakin kaya tinanggap ko naman sila at niyapos. Ito lang talaga ang stress reliever ko. Hindi ko talaga makakalimutan na isa lang din ako sakanila noon. Isa lang din ako sa mga batang pumupunta ng charity events para maranasan man lang ang kumain ng masasarap na pagkain. Tapos ngayon, masaya ako dahil ako na mismo ang tumutulong sakanila.


"Ate..ate! Ang ganda niyo po. Gusto ko pong maging kasing ganda mo pagkalaki ko." Sabi nung isang batang naka wheelchair at sa pagkakaalam ko ay may cancer siya. May nakatakip narin sa ulo niya na para bang unti-unti nang nawawala ang mga buhok niya.


"Mas maganda ka pa saakin. Kaya dapat magpakalakas ka at parati kang nakikinig sa Doctor mo." Sabi ko sakanya at niyakap niya ako.



"Alam mo ate sobrang gwapo at ang bait po ni Doc! Pareho po kayo na super bait. Tsaka parati po siyang pumupunta dito para lang macheck ako. Tapos wala pang bayad! Tapos nagdadala pa siya ng maraming maraming toys! " masiglang sabi niya kaya napa tawa ako ng konti. She is such an angel.


"Athena! May gusto dawng kumausap saiyo. Yung head ng Charity na ito. Gusto ka dawng pasalamatan sa personal. Sabi nila nasa kabilang room daw. Yung room na may free medications." Sabi ni Shar saakin kaya iniwan ko muna ang mga bata at sana naman hindi sila matakot kay Shar. Alam niyo na..yung itsura niya pang horror. Lol jk lungs!


Tumingin muna ako sa paligid at napangiti ako nang makita ko rin na masaya ang mga bata. Haaay. I miss my family. Tiningnan ko ang oras at nagulat ako dahil 5:32 pm na pala kaya pala ginugutom na ako ng konti kaya nagmadali na akong pumunta sa kabilang room para narin magpaalam sa mga madre at nung head nitong event na ito.


Nung malapit na akong makapasok ay nagulat ako sa nakita kong lalaki na palabas ng room at nagmadaling lumalakad. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko...Its him.. Its Eros wearing the uniform of a Doctor. Though, nagiba ang itsura niya at mas naging masculine bumabagay naman ito sakanya at mas lalo siyng gumwapo. Kahit na nakacoat siya na pang Doctor klarong klaro parin ang hubog ng katawan niya na mas lalong naging lalaki tingnan. But his looks is still the same kaya alam ko na siya iyon.


Naiiyak ako sa nakita ko pero buti nalang at hindi ako napaiyak. Napagisipan ko nalang na wag munang magpakita sakanya kaya tumalikod ako para hindi niya ako makita. Lumingon lang ulit ako nang marinig ko ang mga yapak niya na papalayo saakin.


Hindi ako nagdalawang isip at sinundan ko siya kung saan man siya papunta. Maya't maya lang ay bigla siya tumigil sa isang isolated na lugar. Dahan dahan akong lumapit sa gawi niya at minabuting tumago at hindi na muna magpakita sakanya.


Nakatalikod siya saakin at kitang kita ko ang pagtaas baba ng balikat niya na para bang bumuntong hininga. Napagod siguro siya sa ginagawa nila kanina. I am so happy na narating na niya talaga ang pangarap niya. Naging Doctor na talaga siya.. My Eros..


Aalis na sana ako pero biglang nagring ang phone niya. Kinakabahan pa naman ako na baka saakin iyong nagring pero sakanya pala. Humarap ulit ako sakanya pero nakatalikod parin siya saakin nang sinagot niya ang phone niya.



"Yeah.." mahinang utas niya.


Napangiti ako nang marinig ko ang boses niya. Mas lalong naging masculine. Nami-miss ko tuloy ang makinig sa mga lambing niya saakin. Pero something caught my eyes... May suot siyang singsing! Sheeet. And I am not stupid para hindi ma obvious na isa iyong wedding ring! Damn! He is really married!



"Athena!!!"  Nagulat ako dahil may biglang tumawag ng pangalan ko. Lumingon ako at nakita ko si Shine na papalapit saakin.


"S-Shine! Ahhmm.. Ano.. Kanina pa kita hinahanap! Halika na nagugutom na ako.." palusot ko at hinila na si Shine palayo.


Damn! Sheet! I am very sure na totoo yung nakikita ko na may suot siyang wedding ring!  At alam ko din at nakikita ko sa gilid ng mga mata ko na napalingon siya saakin habang kinaladkad ko paalis si Shine. I think he saw me!! Faack.

--------------
Note: Will you still support my upcoming story HOW TO CONVERT A GAY? I wanna know *pouts*

Ang Crush Ko'ng Beki (Book1&2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon