Kala ninyo siguro nagpunta kami sa kama ano? Nope, hinila niya ako pahiga sa sofa pagkatapos ay 'agad akong niyakap at isiniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg.

Bale ang posisyon namin ako yung nasa loob ng sofa sya naman sa gilid kung saan walang harang.

"B-boss," tanong nasambit ko nalang.

"Shh, let's go back to sleep." At para itong magic word na unting unting naghila sa akin papuntang dream land..

***

Nagising ako dahil sa wala akong makapa na tao sa aking tabi, panaginip lang ba ang lahat?

Doon ko narealize hindi pala panaginip ang lahat dahil nasa aofa pa din ako at may kumot na nakabalot sa akin.

Hindi ko maiwasang hindi kiligin dahil sa nakakakilig na ginawa ni boss.

Kahit sabihin na natin na maliit na bagay lang iyon, para sa akin. that's the sweetest thing he do for me..

Agad akong bumangon at nagbihis na, nakaayos na din ang mga gamit namin dahil aalis na kami mamayang 9:00 A.M

Pagkalabas ko ng kwarto nakita ko siya na nagluluto.

I wish, we could stay like this forever..

"Good morning boss." Nakangiting bati ko sa kanya.

"Good morning," hindi na ako nagulat ng nakangiti din niya akong binati pabalik.

This past few days napapansin ko na madalas na itong ngumingiti.

He's improving..

"Come on, let's eat breakfast then we'll go to airport afterwards." Sabi ni luci at siya na mismo ang nagserve ng pagkain namin.

Nagiging sweet na din siya at caring, wait ito pa nagiging gentleman na din siya.

This is not the boss i know but, i like my new boss.

Masaya kaming nagsalo sa pagkain at hanggang sa paglalakad namin paalis ay naghaharutan pa din kami, hanggang sa may nadaanan kaming isang stall na punong puno ng mga souvenir na pwedeng iuwi. Pero may nakaagaw talaga ng pansin ko.

Isang human size Teddy bear na may nakalagay "I<3C" alam ko i love cebu ang meaning non pero si chanak ang naalala ko kaya dali dali akong lumapit sa stall na iyon.

Naramdaman ko naman na sumunod sa akin si boss sungit.

"Magkano po itong teddy bear?" Agad na tanong ko sa lola nagtitinda.

"1,858 lang iha, binawasan ko na para may bumili agad." Nakangiti namang sambit ni lola

Akmang kukunin ko na ang aking wallet ng biglang inabot ni boss ang 3K kay lola.

"B-boss n-naku ako na po ang magbabayad." Sabi ko dito pero sinamaan lang niya ako ng tingin.

"Iho ito ang isang libo, teka at hahanap ako ng panukli dito sa isa pang libo. Sobra kasi ang naibigay mo." Sabi ulit ni lola at akmang ibabalik nito ang isang libo kay Luci

"No, keep the change." Sabi ni boss at kinuha sa akin ang teddy bear pagkatapos ay nauna ng naglakad.

*pout* kaya ba niya ito binayadan dahil gusto niya itong bilhin? Sayang gusto ko pa naman din.

Ouch! Ang sakit naman mag-assume.

"Tss idiot, this is yours." Biglang sabi sa akin ni boss ng makita niya ang itsura ko.

*0*

"Talaga pooo?!?" Parang batang tanong ko.

"Yeah, and can you walk fast? You're like a turtle." Natatawang sabi nito sa akin kaya napanguso ulit ako.

Asar!!

***

(At manila, 10:50 A.M)

Kabababa lang namin ngayon galing eroplano at kanina ko pa hindi binibitawan ang teddy bear na ibinigay niya sa akin.

Sobrang cute kasi nito at si boss pa ang nagbigay kaya naman sobrang saya ko talaga.

Hawak naman ni boss ang maleta namin kahit na sabihin ko na ako nalang ang magdadala dahil ako naman ang secretary pero sinamaan lang ulit ako ng tingin. Sungit talaga.

Ayun nga hawak ni boss ang maleta namin habang ang isa naman niyang kamay ay hawak ang braso ko.

Ang iba naman na maleta ay iniwan na namin sa cebu kahit na ayaw ko ay wala din akong nagawa.

Habang naglalakad kami ay biglang may humarang sa amin na babae.

"Babe, i miss you!" Parang gumuho ang mundo ko ng marinig ko ang kanyang sinabi at ang kanyang pagyakap kay Luci.

"Fiona why are you here?" Narinig kong tanong ni boss.

Nandito lang ako sa tabi nila nakikinig at nakikiramdam, sino ba itong babaeng ito? Kaano ano niya si boss? Bakit ako kinalabahan ng ganito?

"Why hon? Hindi mo ba ako namiss? And how's our son?" At dahil doon tuluyan ng gumuho ang masayang araw ko.

So siya pala..

Siya pala yung totoong ina ni chanak, ang totoong asawa ni boss.

Napangiti ako ng mapakla dahil doon.

Ang tanga ko para umasa..

"A-ahm excuse me po." Kahit na nahihirapan akong magsalita ay pinilit ko pa din ang aking sarili.

"Yes?" Masungit na tanong ng babaeng nagngangalang fiona.

Tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa, "ako po pala ying Secretary ni boss luci, ah? Mauna na po ako. Baka po kasi makaabala pa ako sa inyo." Sabi ko sabay yuko.

Ayokong tumingin kay boss dahil natatakot ako na baka makita ko sa mga mata niya na okay lang na umalis  ako.

"Yeah you're right, umalis ka na dahil nakakaabala ka talaga." Mataray na sambit nito sabay irap sa akin.

"A-ah boss, una na po ako." Kahit na labag sa loob ko ay tumingin na ako kay boss, nakita ko siya na nakakunot ang noo at parang may gustong sabihin sa akin.

Pero hindi ko na siya pinansin at umalis na. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa aking pangalan pero nagbingi-bingihan nalang ako at tuloy-tuloy parin sa paglalakad hanggang sa makalabas na ako sa lugar na iyon.

Agad akong tumawag ng taxi at pagkapasok na pagkapasok ko doon lang bumuhos ang masaganang luha na nagmumula sa mga mata ko.

Masaki.... Sobrang sakit...

=====

A/N: HAPPY 1.2K READS EVERYONEEEE WOOOAAHHH! 💃💃💃💃💕💖💕👏👏👏👏👏🎉🎉🎉🎆🎊🎇🎆🎆🎊🎉🎂🎂🎂🎂🎁🎁🎁🎁🎶🎶🎶🎵🎵🎤🎺🎷🎸🎹🎻🍸🍺🍻🍷🍹🍶☕🍵🍼🍴🍨🍧🍦🍩🍰🍪🍫🍬🍭🍮🍯🍳🍔🍟🍝🍕🍖🍗🍤🍣🍱🍞🍜🍙🍚🍛🍲🍥🍢🍡🍘🍠🍌🍎🏆💐DAMI NATING HANDA AH HAHAHAHA😂

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now