Chap.36: Si Kidlaon

Magsimula sa umpisa
                                    

THUG... THUG....

''Ren-Ren...'' isang pamilyar na boses ang nag-echo sa aking isipan.

THUG... THUG....

May napakagandang boses ang biglang kumanta. Nakakarelax at nakakagaan ng pakiramdam. Narinig ko ang boses na biglang tumawa. Napangiti ako. Ang mga tawa niya ay syang nagpapangiti sa akin. Napupuno ng kakaibang init ang aking puso. Bumibilis ang pagtibok nito.

THUG... THUG... THUG... THUG... THUG... THUG...

Pero mali ito... Hindi dapat! Hindi pwede.

Biglang may narinig akong mga hikbi, may umiiyak. Nawala na ang gaan ng aking pakiramdam. Bumigat na ito at para bang ang hirap-hirap huminga. Bumagal at humina ang tibok ng aking puso. Unti-unti na itong naging matigas... naging bato! Pusong-bato!

Isang tao lang naman... Simula't sapul siya lang naman talaga ang naging dahilan ng kakaibang tibok ng aking puso. At oo, ako mismo ang pumipigil na tuluyang tumibok ito para sa kanya. Pilit kong kinukumbinsi ang sarili na hindi kami bagay, na hindi kami para sa isa't-isa.

Ang nais ipaalam sa akin ng engkantong ito na kung tuluyan ko nang isasarado ang puso ko at di pinakinggan ang tinitibok nito, tuluyan na itong magiging matigas... Magiging isa na ako sa mga taong masasama na walang inisip kundi ang sarili lamang... 

"ANO ANG NILALAMAN NG IYONG PUSO?!" huling tanong ng engkanto at pinakawalan na ang kanyang pana!

Mamamatay na ako! Napasigaw ako sa takot. Di pa ako handang mamatay! Napakabata ko pa! Kung sana nagpakatotoo na lang ako... Kung sana noong una pa lang ay di ko na pinagkaila...

"SI CLARISSA! HINDI ANO... SINO, SINO ANG NILALAMAN NG AKING PUSO! SI CLARISSA! SI CLARISSA ANG NILALAMAN NG AKING PUSO!" humahagulgol na ako sa iyak at halos mapaos na ako sa kakasigaw. "SI CLARISSA! GUSTONG-GUSTO KO SIYA NOONG UNA PA! MAHAL KO NA ATA SIYA. DI KO KAYANG MAKITA SIYANG MASAKTAN! SI CLARISSA! CLARISSA..." unti-unti ko nang nararamdaman ang pagbaon ng pana sa aking dibdib at papasok sa aking puso. Nanginginig na ako sa sobrang elektrisidad na dumadaloy sa aking buong katawan. Sobrang emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Para bang kay tagal ko nang itinatago ang aking nararamdaman at ngayon ko lang inilabas ng buong lakas ng loob. First time ko na ipinagsigawan ang aking tunay nararamdaman... walang hiya-hiya... walang pagdadalawang isip... hinayaan ko na ang puso ko ang siyang manguna ngayon... ''CLARISSA... CLARISSA..." umiiiyak pa rin ako. "MAHAL... MAHAL NA MAHAL... K-KITA..."

"ISIGAW MO! DI KITA MARINIG!' giit ng engkanto.

Nataranta bigla ako. "CLARISSA MAHAL NA MAHAL KITA!" sigaw ko. Tuluyan na akong nagpadala sa aking totoong nararamdaman. Mamamatay na rin lang naman ako, lubusin ko na! Nakapikit ako at di tinangkang sumilip sa panang bumaon sa akiNG DIBDIB. Nararamdaman ko ang matigas na metal sa aking puso at ang enerhiyang nakakakuryenteng dumadaloy mula dito. "CLARISSA, I LOVE YOU!" 

THUG... THUG... THUG... THUG... THUG... THUG...

Bumilis bigla ang tibok ng aking puso. Napasigaw ako pero hindi dahil sa sakit... Nakakapagtaka pero sa totoo lang, wala naman akong naramdamang sakit noong tamaan ako ng pana ng engkanto. Ang totoo nga ay, gumaan ang aking pakiramdam, na para bang nawala ang mahigpit na pagkakasakal ng aking puso! Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang sobrang kagustuhan na ihayag sa lahat ang tunay na nilalaman ng aking puso! Oo, di ko na ipagkakaila, di ko na itatanggi na gustong-gusto ko si Clarissa! "CLARISSA, IKAW LAMANG ANG NILALAMAN ANG AKING PUSO!"

"Magaling." sambit ng engkanto. "May isa at huli pa akong katanungan para sa'yo."

Napamulat bigla ako. May isa pang tanong?!

Tumawa ng malakas ang engkanto. "Siguraduhin mong tama ang iyong kasagutan..."

Kinabahan ako. Ano naman ang itatanong niya. Pero di na ako takot. Weird pero super excited na ako sa susunod niyang tanong!

Sa wakas, di ko na pinigilan ang sarili na kapain ang palasong tumama sa akin. Alam ko na dapat nanghihina na ako at dapat basang-basa na ng dugo ang damit ko pero hindi... Wala. Nakita ko saglit ang pana pero nang hahawakan ko na sana ay biglang nawala at tuluyan naging kuryenteng dumaloy papasasok sa aking kamay. Napapikit ako saglit. Damang-dama ko ang enerhiya sa aking buong katawan. Ang sarap sa pakiramdam!

"Ang sarap di ba? Ang sarap sa pakiramdam kung hahayaan mo lang ang iyong sarili magpakatotoo. Kayong mga tao ay mayroong napakalakas na puso na kayang dalhin gaano man kabigat ang nararamdaman ninyong sakit gaya ng galit, kalungkutan at inggit. Pero minsan, ang puso ay walang laban kung ang taong nagmamay-ari nito ay mas pinili ang kasakiman o ang pagiging makasarili. At lalong ikamamatay nito ay ang pigilan itong magmahal... Magiging manhid ito at hindi na kailan man titibok ng normal... Ikaw, tao... malapit ka nang maging isang taong di marunong magmahal... "

Tumungo ako. Tama lahat ang sinabi ng engkanto. Sa totoo lang lubos-lubos ang pasasalamat ko dahil iniligtas niya ako sa buhay na mapag-isa at puno ng kalungkutan.

"Ito na ngayon ang aking pangalawang tanong..." sabi ng sentauro. Hindi na ito galit at nakangiti na ito. "Kapag nasagot mo ito ng tama, may gantimpala ka. Tumayo ka..." gamit ang malakas niyang kamay, tinulungan niya akong tumayo. "Ano ang iyong kailangan?"

Ano ang aking kailangan? Hmmm... Di ko alam... May pangangailangan ba ako?

"Isipin mong mabuti. Isa itong matinding pangangailangan na maaaring magpabago ng iyong buhay... Ano ba ang iyong kailangan ngayon? Ano ba iyong ninanais? Pakinggan mo ang iyong puso."

Napapikit ako at dinama ang mabilis na tibok ng aking puso. 

THUG... THUG... THUG... THUG... THUG... THUG...

Huminga ako ng malalim at pinakinggan ang binubulong nito sa akin.

"Ren." ang sabi nito... Ang boses ng pinaka-espesyal na babae ngayon sa akin.

"Ano ang iyong kailangan?'' tanong ng engkanto.

"Si Clarissa ay ang nilalaman ng aking puso. Nasa panganib siya ngayon at gagawin ko ang lahat para iligtas siya. Pero wala akong kakayahan para gawin ito. Ang kailangan ko ay kapangyarihan para maipagtanggol ko ang aking minamahal!" diretsyahan kong sagot.

''Anong pangalan mo?"

''Ren po."

"Ren, tama nga ang hinala ko. Matagal ko nang hinihintay ang ating pagkikita. Ang pangyayaring ito ay tinakda ng kalikasan... Ilahad mo sa akin ang iyong kanang palad."

Tinaas ko ang aking palad.

Sa isang iglap nawala ang engkanto at naging bolang boltahe ng kuryente na animo'y may kumakawalang maliit na kidlat. Lumutang ito papunta sa aking palad. Nakaramdam ako ng mabigat na bagay. Isang kwintas! Ito ay silver-chained na necklace na may lightning na pendant na puno ng maliit na yellow Zircon gems.

I have the urge to wear it kaya sinuot ko agad.

"Ako Kidlaon," isang sentauro. Ako ay isang engkantong puti sa elemento ng kidlat. Ang aking kapangyarihan ay iyong kapangyarihan. Huwag mo sanang gamitin sa kasakiman o kasamaan ang kapangyarihang pinahiram sa atin ng kalikasan. Simula ngayon, may mabigat ka nang responsibilidad na gagampanan upang panatilihin ang kapayapaan sa mundo ng mga tao at espiritu. Ito'y lagi mong tatandaan, Ren."

Abot-langit ang ngiti ko at buong galak na sumagot. ''Oo, maasahan mo ako, Kidlaon."

___________________________11/25/2014

So How's the story so far?

Oi vote na!

And please Comment na rin about this Chapter

Thanks for the support!

NEXT CHAPTER:

ANG KRISTAL NA PALASYO (Clarissa Gutang's Point of View)

ELEMENTOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon