SL 16: Devilish Act

Zacznij od początku
                                    

May ilang band-aid sa aking mga daliri nang dahil na pag-luluto at hiwa ng katana kaninang umaga.

Yah right, oo na ako na ang t*nga. Hahawak na nga lang ng katana, pat%nga-t=nga pa 'noh?

"What happened in your fingers? Ba't puro band aid? Bakit may paso ka din?" ewan ko ba pero naiirita ako dito sa lalaking ito ha. Makatanong naman kala mo napakalala.

Agad kong hinalbot ang kamay ko dito.

"Pinagluto kasi ako ng ate ko. Napaso ako. Tapos nahiwa ako sa kutsilyo. Di kasi ako marunong magluto." I lied. Hindi talaga iyon ang dahilan kung bakit may hiwa ako sa daliri. Diba, sinabi kona sa inyo? Dahil 'yun sa katana. Hindi sa kutsilyo.

Kailangan ko'ng ibahin ang topic. It's so awkward!

"U-uhm.. so pinsan mo-- este kababata si Tangen--- TAMIYAH?" P*nyetang bibig 'toh, oo.

"Kitang-kita ko na nagpipigil na ng tawa itong mga ulol kong kaibigan. Abnormal talaga sila. Buti nga hindi ako sumasabay sa kaabnormalan nila ngayon. Medyo wala pa'ko sa mood eh.

"H-huh? Yeah. She is." alanganin nito'ng sagot. Hmmm.. kung kababata niya ito.
Naging gf niya kaya ito noon?

"Did you fall inlove---

"Gelay naman! Ano ba namang klaseng tanong yan?" Hindi na ako pinatapos ng mokong, haha sarap pikunin.

"Eh bakit? Masama magtanong? Pero di nga, first love mo sya 'noh? Yieee." pangangantyaw ko dito. Haha, mukha siya'ng tungaw mapikon.

"Of course not! Kababata ko lang sya, okay? Hindi sya ang first love ko, okay?" Iritado niyang pangungumbinsi sakin.

"Oohhhh, so ang Mr. President pala namin may first love na? Tutal, medyo nagiging mag preni preni na tayo lahat. Why not tell us?" pakikisawsaw nitong si MJ.

"Why would I tell you?" Ouch. Hahaha.

"Ang harsh mo Kendrick ha, hmp." Sabay inom nito sa tubig niyang binili.

"Teka kung hindi si Tange-- p*ta Tamiyah kasi yun, Kung hindi si Tamiyah, sinooo?" interesado akong malaman kung sino ito, malay niyo isa pala sa tropa ko HAHAHA. Edi mapapagmatch ko pa!

"Tsk. And why would I tell you, too?" Aba, aba.

"Hoy, kaibigan mo'ko diba? Syempre, kailangan ko din malaman!" explain ko dito. Pero wala namang bisa eh. Aysh.

"Tsk." yun na lamang ang tangi niya'ng naisagot bago sya tumayo at pinagpagan ang polo.

Aha! May naisip akong ideya!

Tumayo din ako at lumapit kay Carlos. Kung ayaw mo'ng sagutin ang tanong ko, edi wag. Duh, may utak ako noh. Pwede'ng pwede tanungin 'tong mga kaibigan mo. Bleh.

"Oh, ano naman ang binabalak mo?" tanong nitong si Carlos nang makalapit ako.

"Tsk. Magtatanong lang! Since matalik ka din namang kaibigan nitong si Kendrick, bakit hindi mo nalang sagutin yung tanong ko sa kanya? Malamang sa malamang, alam mo din naman first love niya diba?" kwestyon ko dito.

"Teka nga, eh bakit ba atat na atat ka'ng malaman kung sino first love?" iritado'ng tanong sakin nitong si Kendrick.

"H-huh? A-aba! Syempre! Kaibigan mo'ko diba? So, may karapatan din ako na malaman first love mo!" Tama naman ako diba?

"Sige sasabihin ko kung sino first love ko, pag sinabi mo ang iyo. Game. Sino nga kaya ang first love ni Lei Angelique T. Gibas?" proud niyang tanong na syang ikinawala ng ngiti ko.

First love? Haha.

Unti-unting napawi ang mga ngiti sa labi ko na sya'ng napansin ng mga kaibigan ko kaya agad tumayo ito'ng si Ellie para ibahin ang topic.

Serendipitous Love [Escuadra Series #1]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz