Yung tipong kakasabi lang ni coach Avey na wag maingay pero ito, nag-iingay sila.

Tumingin ako kay Marceline para sana magkasama kami sa room.

"Sorry, Zap. Kami na nila Blythe, Math at Wyn." sabi nya. Ang bilis naman nila maghanap ng kasama.

"Ayos lang." nakakunot na noong sabi ko. Sino naman yayayain kong makiki-share ng room?

"Ma! Kami nila Lulu, Rigel at Titania ang magkakasama!" sigaw ni Tyrant.

Sunod-sunod ko na rin naririnig kung sino-sino ang magkakasama. Hintayin ko na lang kaya na mag-aya sakin o matira? 

Nakita ko si Kennie na lumapit sa kanila Tita Silva. Kinuha nya ang megaphone. Yun kasi ang ginagamit para i-announce kung sino ang magkakasama.

"Eloi, Blysse at Zap." nanlaki ang mga mata ko at napatayo.

"Teka! Ano?!" gulat na sabi ko. Ngumisi sakin si Kennie. "Teka! hindi ako papayag!" pambihira, tatlo sila makakasama ko sa isang linggo? hindi na 'no!

"Boo!" sigaw ni Samantha. "Wag kang kj, Zap!" natatawang sabi nya. Marami ding natawa dahil sa tatlong makakasama ko.

"Zap! lagi kang magsusuot ng jacket ah?!" sigaw ni Sakura kaya naman maraming natawa. Hindi magandang biro 'yon! ayokong makasama ang tatlong yan! lalo na si Eloi!

"Sorry, Zap." nakangising sabi ni Tita Torey at binigay kay Kennie ang susi ng room.

Luging napaupo ulit ako sa upuan. Hinawakan ko ang sentido ko. Sumakit ang ulo ko dahil makakasama ko yung tatlo sa iisang kwarto.

"Goodluck, Zap." natatawang sabi ni Marceline sakin. Inirapan ko sya.

"Room 312. Kriza, Lesley, Faith and Summer." pag-aannounce ni Tita Silva. Lalong napakunot ang noo ko dahil makakasama ni Kriza ang dalawang taong nagkakagusto sa kanya.

Sabi ko na nga ba. Hindi magandang sumama sa team building na 'to eh!

Nung nasa himpapawid na kami. Tumayo ako at naglakad papunta sa pwesto nila Mama Alicia. Mabuti na lang may bakanteng upuan sa tabi ni Sora.

"Lugi ba?" nakangising tanong ni Sora. Mukhang narinig nya kung sino ang mga kasama ko sa kwarto.

"Kayong dalawa lang sa room hindi ba? doon na lang ako." sabi ko at ipinatong ang ulo sa balikat nya.

"No way." ramdam ko pa rin ang ngisi sa boses nya.

"Pambihira, lagi naman kayong magkatabi ni Mama matulog." sabi ko.

"So?" napairap ako. "Makakaistorbo ka lang samin." sabi nya. Narinig ko syang umaray kaya nilingon ko si Mama Alicia. Masama ang tingin nya kay Sora.

"Anak, pwede kang matulog samin pero hindi buong bakasyon. Pumunta ka lang kapag hindi ka makatulog kasama ang tatlo." may halong pag-aalalang sabi ni Mama Alicia. Napangiti ako.

"Thanks, Ma." ngiting sabi ko. Tinignan ko si Sora. Inirapan nya ako kaya napangisi ako. Sorry sya pero mas pipiliin ako ni Mama kaysa sa kanya.

Ilang oras din bago kami nakarating sa resort. Nakakapagtataka na walang katao tao sa buong resort at wala din sumalubong samin ng mga tauhan. Nasagot ang tanong ko nung marinig ko ang sinabi ni Kriza na naka-day off lahat ng tauhan sa resort at tanging kami lang ang nandito.

Gamit ang megaphone, nag-announce si coach Avey na pumunta muna sa kani-kanilang room at magpahinga kung gustong magpahinga. Ang ilan daw na matatanda ay maghahanda ng tanghalian at noche buena mamayang gabi.

Ayoko man pumunta sa magiging room ko ay sumunod ako sa tatlo. Napakalugi ko talaga sa kwartong mapupuntahan ko. Hindi kami nag-iimikang apat hanggang sa makarating kami sa kwarto. Katabi lang namin sila Kriza.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now