Chapter 55

2.7K 69 3
                                    

Lisa's POV

Lakad dito, lakad doon yan lang ang aking ginagawa sa mga oras na ito. Medyo naiinip na din ako sa kakahintay sa kanila lalo na sa kanya, pinasundo ko kssi si Jennie kina Jeongyeon at Kai. Nandito ako nakatayo sa tabi ng puno ng niyog sa dulong bahagi ng isla, walang tao rito at napaka tahimik. Dito ko piniling i-date si Jennie dahil huling gabi na namin ito sa isla, pumayag na kasi syang sumama at umuwi sa syudad at bukas na ng hapon ang alis namin.

Napatingala ako sa malawak na kalangitan, napakatahimik ng gabi at tanging mahihinang pag hampas ng alon sa dalampasigan ang maririnig. Napangiti ako sa ganda ng ayos ng kalangitan, napakaraming nagkalat na maniningning na mga bituin na ani mo'y sinadyang isabog doon at ikalat katabi ng mga ulap napakapayapang pagmasdan. Hindi din naman nagpatinag ang buwan napakaliwanag din nito sa kadiliman ng gabi.

"Hmmmmmm" agad akong napalingon sa likuran ko, nanlaki ang aking mga mata ng bumungad sa akin ang naka ngising sina Jeongyeon at Kai habang hawak ng mga ito si Jennie sa magkabila nitong braso. Nakatali ang mga kamay nito sa likuran at may busal ang kanyang bibig, nakapiring din ang kanyang mga mata.

"Pag ako nakawala rito malilintikan talaga kayo sa akin, isusumbong ko kayo kay Lisa" malakas na sigaw nito habang nanggagalaiti sa galit matapos alisin ni Kai ang nakasalpak sa kanyang bibig.

"Wala ka pa rin talagang pinagbago Miss Kim napaka ingay mo pa rin" natatawang saad nito, napa ngiti na naman ako ng maalala ko na ganitong ganito rin ang ginawa ni Jeongyeon nung ipinasundo ko sa kanya si Jennie nung nagbakasyon kami sa Davao ilang taon na ang nakakaraan ang kaibahan lang ngayon ay kasali na si Kai sa senaryo. Lumapit sa akin si Jeongyeon saka ako tinapik ng mahina sa balikat at mahinang bumulong.

"Paano Dude aalis na kami tapos na namin ang trabaho namin" naka ngiti nitong turan.

"Salamat dude" pasasalamat ko sa kanya bago sila tuluyang umalis ni Kai.

"Hoy mga gago wag nyo kong iwan rito" sigaw na naman ni Jennie, dali-dali kong tinawid ang espasyo sa pagitan naming dalawa at mahigpit itong niyakap.

"Li... Lisa?" mahinang tanong nito matapos nitong kumalma.

"Ako nga" pabulong kong sagot, kumawala ito sa mga yakap ko.

"Anong pakulo to?" tanong na naman nitong muli.

"Gusto kong sulitin natin ang huling gabi natin dito sa isla, gusto kong makasama ka at masolo ngayong gabi"

"Paano natin gagawin yun kung nakatali ang mga kamay ko at nakapiring ang aking mga mata? Sweet na sana eh kaso sumablay ka ng konte" natatawang pahayag nito, napakamot ako ng batok nakalimutan ko syang kalagan.

"Hay sa wakas" turan nito pagkakalag ko sa kanya.

"Nasaktan ka ba?" nag-aalalang tanong ko sabay abot sa magkabila nitong kamay at pinakatitigan ang kanyang magkabilang pulso.

"Mahigpit ba ang pagkakatali nila sayo? Sabi ko naman kasi sunduin ka lang at ihatid dito, makakatikim tala.." hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla nya kong kabigin papalapit sa kanya at mabilis na pinaglapat ang aming mga labi. Sa sobrang bilis ay hindi na ako nakagalaw pa.

"Ang ingay mo kasi pinatahimik lang kita, puro ka sermon" naka ngising saad nito matapos nya kong pakawalan.

"Araw-araw ginugulat mo ako Love, halika ka nga dito gaganti ako sayo" dahan-dahan itong naglakad patalikod habang nakaharang ang kanyang dalawang kamay sa kanyang harapan na tila sumusuko.

"Halika dito Jennie Kim gaganti ako" naka ngisi kong saad sabay tawa ng malakas habang unti-unting humahakbang papalapit sa kanya.

"Nooo, dyan ka lang" pagpapatigil nito sa akin.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon