Chapter 6 (MISSING?)

2.9K 71 6
                                    

Lisa's POV

"Love nasaan na kayo ng mga bata?" pagtatanong ko kay Jennie over the phone, kasalukuyan akong patungo ng conference room para sa last meeting ko ngayong araw.

"Papasok na kami ng eroplano Love" sagot ni Jennie, patungo sila ng mga bata sa Davao. Yung beach resort na pinuntahan namin last time ng barkada na pagmamay-ari ng kaibigan ni Lolo nabili na namin ni Jennie.

"Okay Love promise pagnatapos ko ang meeting ko ngayon susunod ako kaagad sa inyo" tugon ko sa asawa ko.

"Okay Love, I love you so much Lisa. Hihintayin ka namin ng mga bata sa Davao" turan ni Jennie na nagpangiti sa akin.

"I love you too Love, sige na ibaba ko na to. Mag iingat kayo ng mga bata" huling wika ko bago ko ibaba ang tawag at pumasok na sa conference room.

Agad akong umupo sa mahabang lamesa at nag umpisa na. Pinagmamasdan ko lang sila habang inilalahad nila sa harap ko ang lahat ng plano nila para sa kompanya.

"Wait" pagpapatigil ko sa nagprepresent, lahat sila bumaling sa akin ng tingin.

"Yes Miss CEO?" nagtatakang tanong nito sa akin.

"Did I hear it right? Gusto nyong mag tanggal ng iba nating tauhan?" nakataas kong kilay na tanong sa kanila.

"Yes Miss CEO, naisip po namin na mas maganda kong papalitan na po natin yung ibang workers lalo na yung matatagal na" matapang nitong paliwanag sa akin na ikinainit ng ulo ko.

"At sino ang ipapalit nyo?" kalmado kong tanong kahit sa loob loob ko gusto ko ng sumabog.

"Miss CEO marami na po ngayon ang mga fresh graduate, mas may alam at mas advance mag isip" pagsabat ng isa, isa isa ko silang pinasadahan ng tingin mga disente naman silang tingnan pero bakit ang bobobo nila mag-isip.

"Are you out of your mind, hindi nyo ba naisip ang mga pamilya ng mga workers na gusto nyong tanggalin na sa kanila umaaasa? What do you think of this ganun ganun na lang tayo magtatanggal ng mga tauhan. Simula pa lang na maitayo ang kompanya na to andyan na sila lahat, dahil sa sipag at tyaga nila umangat ang kompanya na kinalalagyan nyo ngayon" may diin kong sabi sa harap nila habang nakahalukipkip. Ni isa sa kanila walang sumagot.

"This meeting is a bullshit, ito lang ba ang dahilan kung bakit gusto nyo makipag meeting sa akin. Kung alam ko lang na walang kwenta ang sasabihin nyo hindi na sana ako sumipot. Sana nasa eroplano ako ngayon kasama ng pamilya ko" sigaw na sabi ko dahilan para magulat silang lahat.

"All of you leave now" blangko kong sabi, dali dali silang nagsibatan papalabas ng conference room. Kumukulo ang dugo ko, wala sa sariling namasahe ko ang sentido ko. Hindi nagtagal ay pumasok si Jeongyeon, bakas sa mukha nito ang labis na takot.

"Dude, narinig mo na yung news?" tarantang tanong nito sa akin.

"Hindi, tungkol ba saan Dude?" takang tanong ko sa kanya. Hindi ito sumagot bagkos ay binuksan nito ang t.v dito sa conference room.

"Breaking News: Isang eroplano patungong Davao City ang nagplaine crash pasado alas tres ngayong hapon. Ayon sa mga nakasaksi mabilis na bumulusok pababa ang eroplano dahilan para bumagsak ito sa dagat. Sa ngayon ay pilit nirerescue ang mga sakay ng eroplano, ipinagbibigay alam sa lahat na kung may kamag-anak po kayo na pasahero ng Flight Number na 5J 961 Manila to Davao mangyari lamang po na makipag ugnayan sa aming tanggapan"

Tila tumigil ang takbo ng oras ng marinig ko ang balita sa t.v, yung flight number eksakto sa flight number nina Jennie.

"Dude ang mag-iina ko, kailangan nila ako. Puntahan natin sila, pakiusap dalhin mo ko sa kanila" pakiusap ko kay Jeongyeon, walang tumatakbo ngayon sa utak ko tila hindi ito gumagana ng maayos. Isa isa nang pumatak ang mga butil ng luha sa aking mga mata, tila sasabog ang puso ko sa sobrang kaba.

"Magpapabook tayo ng flight papuntang Davao" pag-aalo sa akin ni Jeongyeon habang hinahagod ang likod ko. Maya maya pa ay bumukas ang pinto ng conference room at niluwa nito sina Kai at Jisoo na humahangos.

"Lisa, Jeongyeon tara na may ticket na kami papuntang Davao" unang bungad sa amin ni Jisoo, hindi na kami nagsayang pa ng oras at nagbyahe kaagad papuntang airport.

Sa ilang oras na paglalakbay namin nina Jeongyeon, Jisoo at Kai papuntang Davao, tuliro lang ako at hindi makausap ng maayos. Hindi ko mapigilang hindi sisihin ang sarili ko, kung sana hindi ko na sinipot ang walang kwentang meeting na yun sana nasamahan at naprotektahan ko ang asawa at mga anak ko. Kung sakaling may mangyari sa kanila na masama hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Nakarating kami sa pinagbagsakan ng eroplano, napakaraming tao. May mga rescuer, yung mga taong nakaligtas at yung mga bangkay na nakalatag sa buhanginan. Nilibot ko ang paningin ko para isa isang tingnan ang mga nakaligtas sa pag-asang makikita ko ang pamilya ko pero kahit anong ikot ng mga mata ko ni isa sa kanila wala rito. Labag man sa loob ko inisa isa ko din ang mga bangkay ngunit tulad kanina wala din sila rito.

"Wala sila rito" mahina kong sambit sa kanilang tatlo.

"Lisa kung wala sila dito ibig sabihin buhay sila" tugon ni Jisoo.

"Girl don't lose hope, fighter ang asawa mo mas matapang pa nga yun sa akin eh. Wag kang mag-alala baka bukas o sa makalawa mahahanap na natin ang mag-iina mo" pagpapalakas ni Kai sa loob ko, ni wala sa kanila ang pinakinggan ko. Sarado ang utak at tenga ko sa lahat ng sinasabi nila. May dumaang rescuer sa harap namin na agad kong hinarang.

"Sir excuse po" magalang kong sabi sa kanya, tumingin ito sa akin.

"Yes po Ma'am?"tanong nito sa akin, wala ng pagtutumpik tumpik na ipinakita ko sa kanya ang picture ng mag-iina ko.

"Nakita nyo na po ba sila?" tanong ko sa kanya sa pag-asang narescue na nila ang mag-anak ko. Sandali nyang tiningnan maigi ang larawan bago humarap sa akin at umiling.

"Pasensya na Ma'am hindi pa po namin sila nakikita" sambit nito.

"Sige na Sir tingnan mo ng maigi ang larawan, sila ang asawa at mga anak ko baka nakita mo na sila kanina. Pakatitigan mong maigi" may diin kong sambit sa kanya habang madiin na nakahawak sa larawan.

"Tama na Lisa, huminahon ka" pagpigil sa akin ng tatlo. Umiiyak akong humarap sa kanila.

"Huminahon? Paano ako hihinahon kung yung asawa at mga anak ko hindi ko makita ngayon? Pamilya ko ang pinag-uusapan natin dito, pamilya ko ang nawawala" humihikbi kong saad sa kanila, wala silang naisagot sa akin. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko, parang sasabog ang puso ko sa sobrang kirot at kaba habang pumapasok sa utak ko ang isipin na baka hindi ko na makita ang pamilya ko.

"Buntis yung asawa ko, yung mga anak ko ilang taon pa lang sila. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanilang masama" may diin kong sambit sa kanila. Hindi ko na hinintay ang sagot nila mabilis akong naglakad papunta sa tabi ng dagat. Wala na akong pakialam kong mabasa yung suot kong pantalon at sapatos, sumigaw ako sa gitna ng dagat  habang umiiyak. Sumigaw ako ng sumigaw sa pag-asang maririnig nila ang tinig ko. Wala na din akong pakialam kong pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid ko.

"Jennie, Leo, Liam, Laureent please bumalik na kayo sa akin. Hindi ko kaya kapag nawala kayo sa buhay ko, mahal na mahal ko kayo" puno ng paghihinagpis na sigaw ko sa dagat, nanghihinang napa upo ako hindi ko na ininda kung sa tubig ako babagsak.

Habang yakap yakap ang larawan ng pamilya ko hinayaan kong pumatak ang mga luha sa dagat at ang pagtangay nito roon. Napatitig ako sa papalubog na araw kasabay ang isang panalangin na sana makita at mahawakan ko ang pamilya ko sa pagsapit ng bukang liwayway.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now