Chapter 44

2.1K 65 10
                                    

Isay/Jennie's POV

Mabilis akong napabangon pagkamulat ko ng aking mga mata, napatingin ako sa bintana at naalarma ng makita kong umaga na pala. Nagmadali akong umahon sa papag na hinihigaan ko pero agad ding napatigil ng maalala kong sabado nga pala ngayon walang pasok sa munisipyo. Napahinga ako ng malalim saka mahinang tinampal ang aking noo.

Papalabas ako ng kwartong inaakupa namin dito sa bahay ni Mayor, pansamantala dito muna kami ng isang linggo maninirahan. Isang linggong wala si Tatay Berting at si Nayeon nagpunta ang mga ito sa syudad, may pinapaasikaso si Mayor kaya wala kaming kasama sa bahay.

"Magandang umaga Isay" naka ngiting bati ni Nanay Carmen habang naghahain ito ng almusal, sya ang asawa ni Mayor. Nasa edad singkwenta na ito samantalang si Mayor naman ay ganun din. Napakabait ng mga ito sa aming mag- iina kaya magaan ang loob ko sa kanilang mag asawa.

"Magandang umaga din ho" naka ngiti ko ding bati sa kanya saka kinuha ang dala nitong pinggan na may lamang kanin.

"Nasaan nga pala ho ang mga bata?" takang tanong ko kay Nanay Carmen habang nag aayos ng mga kubyertos sa mesa.

"Nandoon sila sa balon nag iigib ng tubig" sagot nya na ikina alarma ko.

"Sa balon ho? Bakit hindi nila ako ginising para ako na lang ang nag igib" nagsisimula na akong magpanik baka kung mapaano ang mga anak ko.

"Wag kang mag alala may kasama ang mga anak mo mag igib" sagot nito sa akin.

"Sino ho?" naguguluhan kong tanong, sino naman kaya ang kasama ng dalawang yun para mag igib?

"Oh ayan na pala sila" natatawang saad ni Nanay Carmen, nakarinig ako ng halakhakan sa labas kaya agad akong dumungaw sa bintana.

Nabungaran ko si Lisa na may dalang dalawang galon ng tubig, nakataas hanggang sa mga tuhod ang pantalon nito habang nakayapak. Naka sunod sa kanya ang isang maskuladong lalaki na may dala ding isang galon ng tubig, napakalaki ng katawan pero hirap na hirap magbuhat. Bahagya akong natawa sa suot nitong damit, naka suot ito ng maikling short na kulay pink at tenernuhan ng isang white na crop top. Bakla yata ang lalaking ito.

"Kai bilisan mo dyan" rinig kong sigaw ni Lisa, kasabay nyang maglakad sina Matthew at Mateo nakahalukipkip ang mga ito at tila mga gwardya na binabantayan sina Lisa.

"Sandali lang bakit ba kasi ako kasama rito eh ikaw lang naman yung nanliligaw" himutok nung Kai, gusto kong matawa ng muntikan na itong madapa dala ang galon.

"Sino ba naman kasi ang nagsabing magsuot ka ng heels alam mong mag iigib tayo, 3 inch pa talaga yang sinuot mo" reklamo sa kanya ni Lisa.

"Kanina pa sya dito Isay, aakyat daw ng ligaw" naiiling na wika ni Nanay Carmen sa gilid ko. Napangiti ako sa aking narinig ngunit agad din yung nabura ng maalala ko ang senaryo na nakita ko nung isang araw, sa tabi ng dalampasigan habang masaya syang yakap ang isang babae na may kargang bata. Napapikit ako ng mariin at naikuyom ang aking kamao sa sobrang inis, hindi nya ko maaaring ligawan pamilyado itong tao. Isang kahangalan kung papayag akong magpaligaw sa kanya, ano na lang ang sasabihin ng mga kasama nya na malalandi kaming mga taga isla.

"Hindi nya ko pwedeng ligawan Nay may asawa na yang dayuhan na yan, nababaliw na ba yan gagawin pa kong kabit" tiim bagang na saad ko.

"Sandali at makakatikim ang taong yan sa akin" blangko kong saad. Agad akong nagpaalam kay Nanay Carmen at dali daling bumaba sa kinaroroonan nila.

"Magandang umaga Isay" naka ngiting bungad ni Lisa pagkakita nya sa akin.

"Anong ginagawa mo rito?" naka taas ang kilay na tanong ko sa kanya.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon