Chapter 42

2K 64 8
                                    

Isay/Jennie's POV

"Tingnan mo ang taong to ang lakas ng loob manligaw pamilyado pa lang tao, may asawa naman pala" himutok kong saad sa harap ni Sana, isa mga kaibigan ko rito sa isla. Nakatanaw kami kay Lisa hindi kalayuan sa kinatatayuan namin. Kasalukuyan itong nasa tabi ng dagat habang sinasalubong ang isang grupo na kababa pa lamang sa bangka.

"Daaaaaddddaaaa" salubong na sigaw ng isang batang babae kay Lisa pagkababang pagkababa pa lamang nito sa bangka. Sinalubong naman ito ni Lisa at pinulog ng mga halik ang buong mukha nito. Medyo malayo kami sa kanila kaya hindi ko maaninaw ng maayos ang mukha ng bata. Naningkit ang mga mata ko ng naka ngiting sinalubong ni Lisa ang isang babae na may kargang bata, babae din ang batang yun at sa tansya ko'y nasa dalawang taong gulang. Hinalikan nya muna ang babae sa pisngi at saka kinuha ang bata mula rito. Pinaghahalikan nya din ang batang iyon na tila sabik na sabik syang makita ang mga ito.

"Isay tapatin mo nga ako nahuhulog ka na ba sa dayuhan na iyan?" maya maya'y tanong ni Sana. Napahinga ako ng malalim, nahuhulog na nga ba ako sa taong ito?

"Hindi Sana at hinding hindi mangyayari ang sinasabi mo" pagtutol kong sagot sa kanya.

"Kung ganun ay bakit tila napakahigpit ng pagkakahawak mo sa aking kamay na para bang gusto mong pumatay sa sobrang gigil" natatawang saad nito, agad kong binitawan ang kanyang kamay at humingi ng tawad.

"Para kang puputok na bulkan habang nakatitig sa kanila, nagseselos ka ba Isay sa nakikita mo?" mapanudyong tanong nito sa akin. Tila may kumirot sa dibdib ko ng matanaw ko kung paano yakapin ni Lisa ang babaeng may karga sa bata kanina, nagseselos nga ba ako? Pero bakit naman ako magseselos? Agad kong pinilig ang ulo ko upang iwaksi ang tanong na iyon saka humarap kay Sana.

"Bakit naman ako magseselos?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Bakit nga ba? Ikaw lang ang makakasagot sa katanungang yan hindi ako" naka ngisi nitong tugon.

"Wala namang dahilan para magselos ako Sana" ganting tugon ko sa kanya.

"Maraming dahilan Isay, napapansin ko na hindi mo masyadong ipinagtatabuyan ang dayuhan na yan sa tuwing kukulitin ka nya. Hindi ka gaanong nagsusungit kapag nasa tabi mo sya. May nararamdaman ka na para sa kanya Isay wag mo nang ikaila" seryosong wika nito na ikinailing ko. Hinding hindi ako magkakagusto sa dayuhan na yun, alam kong aalis din ito at hindi magtatagal sa isla namin kaya para saan pa kung magkakagusto ako sa kanya. Muli akong napalingon sa kanila at nakita ko na nakatingin rin sa akin si Lisa habang may kargang bata. Itinaas nya ang kanyang kamay at tinapat iyon sa kanyang labi, nagpakawala ito ng isang flying kiss papunta sa akin saka ngumiti.

Mas lalo pang lumawak ang kanyang pagkaka ngiti ng sinalo ko ang pinakawalan nyang halik ngunit agad din iyong nabura ng ibato ko ang halik na iyon sa buhangin at tapak tapakan. Nakataas ang kilay na humarap akong muli sa gawi nya at saka sya inirapan. Ang lakas ng loob nyang maglumandi sa harap pa talaga ng asawa nya. Agad kong inaya si Sana papaalis, mas mabuting iwasan ko si Lisa ayaw kong makasira ng pamilya.

~

Lisa's POV

"Si Jennie ba yun?" hindi makapaniwalang tanong ni Chaeng sa akin pagkakuha ko kay Jazz mula sa kanya. Napalingon ako sa tinuro nya at nakita si Jennie/ Isay na nakatayo mula sa malayo kasama ang isang babae. Binigyan ko ito ng flying kiss, napangiti ako ng malawak ng saluhin nya ang halik ko ngunit agad din iyong nabura ng kunwaring tapak tapakan nya iyon sa buhangin. Mataray itong tumingin sa akin saka sila umalis ng kasama nyang babae. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Jisoo bumaling ako sa kanya at binigyan sya ng isang matalim na tingin.

"Ahh oo si Jennie nga yun pero Isay yung pangalan nya rito sa isla. Diba sinabi ko na sa inyo hindi nya tayo maalala" ganting tugon ko sa kanya.

"Dada is Mommy alive? Is it true?" tanong naman sa akin ni Laureent, tiningnan ko muna sina Jisoo at Chaeng tumango naman ang mga ito. Kaagad na bumaling ako kay Laureent.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now