Chapter 18

1.9K 58 3
                                    

Jennie's POV

Pagkasara ko ng pintuan ng kwarto namin ni Lisa ay isa isang naglandasan ang mga luha sa aking mga mata. Bakit ganun? Bakit parang si Tzuyu ang may karapatan kay Lisa? Mabilis akong nagpunta sa kama at nahiga patagilid paharap sa pader at nakatalikod sa gawi ng pintuan. Mahigpit kong niyakap ang unan ni Lisa at doon iniyak ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Hindi ko din namalayan kung ilang minuto akong nakasubsob sa unan at umiiyak, napatigil ako sa pag hikbi ng may maramdaman akong mainit na bisig na yumayakap sa akin mula sa likuran ko.

"Tahan na nandito na ko" mahinang bulong ni Lisa sa aking tenga. Agad akong nag-angat ng tingin at nilingon sya sa gilid ko. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto ko na si Lisa nga ang nasa tabi ko, naka higa na ito at naka ngiti sa akin.

"Bakit ka nandito? Diba kailangan ka ni Tzuyu?" magkakasunod kong tanong sa kanya.

"Yes Tzuyu need me but I know you need me more than she do" malambing nitong sambit saka ginagap ang magkabila kong pisngi at pinunasan ang mga luha.

"I'm sorry Love, lagi na lang kitang pinapaiyak. Nangako ako sa Papa mo na hinding hindi kita papaiyakin pero anong ginagawa ko, patawarin mo ko Jennie" mahina nitong sabi habang nakatitig sa aking mga mata. Ramdam ko ang labis na senseridad sa bawat salitang binibigkas ng kanyang bibig.

"Pero paano si Tzuyu, hinihintay ka nya diba?" tanong kong muli sa kanya.

"Hindi ako tumuloy ikaw ang pinili ko Jennie, siguro naman maiintindihan nya na kailangan mo ko. Kailangan nyo ko ng mga bata at kailangan ko din kayo. Ikaw at ang mga anak natin ang mundo ko Jennie at hindi ko hahayaang masira ang mundong pinaghirapan kong mabuo ng dahil lang sa ganitong bagay"malambing nitong sabi, bakas sa kanyang mga mata ang saya habang sinasabi nya at sinasambit sa harap ko na ako at ang mga bata ang mundo nya. Unti-unti na naman akong kinakain ng konsensya paano ko ba sasabihin na ako ang wawasak ng mundong matagal nyang binuo.

"I may never find words beautiful enough to describe all that you mean to me, but I will spend the rest of my life searching for them. And when I say I love you more, I don't just mean I love you more than you love me Miss Kim. I mean I love you more than the bad days ahead of us. I love you more than any fight we will ever have. I love you more than the distance between us. I love you more than any obstacle that could ever try and come between us. I love you the most" nakangiting wika nito habang inaakap ako ng mahigpit, bawat matatamis na salita na nagmumula sa kanya ay parang mga patalim na isa isang tumatarak sa aking dibdib.

Gusto kong tanungin ang nasa taas kung bakit nya hinayaang umabot sa ganito ang lahat pero sino ba ang niloko ko eh alam ko naman sa sarili ko na ako ang may kasalanan kung bakit naging ganito ang lahat. Kung sana umuwi na lang ako ng araw na yun at hindi nagpadala sa emosyon ko hindi sana ganito, wala sana akong mabigat na dalahin sa aking dibdib at araw araw kong pinagsisisihan. Pero huli na ang lahat ng pagsisisi sana lang matanggap ni Lisa ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko.

"Sorry Love" mahina kong sabi habang nakasubsob sa kanyang leeg at unti-unting humikbi, sobrang bigat na ng nararamdaman ko sa aking dibdib. Habang minamahal nya ko at pinapahalagahan wala akong maiigaganti kundi sakit, alam ko na any moment malalaman nya ang totoo.

"Para saan?" takang tanong nya agad akong umiling, hindi ko pa kaya wala akong lakas ng loob sabihin.

"Lisa why did you choose to marry someone like me?" nag aalangan kong tanong sa kanya, hindi ko alam kung bigla na lang pumasok sa utak ko ang katanungan na yun. Marahan nyang inangat ang aking mukha bakas sa kanyang mga mata ang labis na pagtataka.

"Jennie ang tagal na nating mag-asawa bakit ganyan yung mga tanong mo?" natatawang tanong nya din sa akin. Napasimangot ako sa kanya tila ayaw nyang sagutin ang tanong ko, napakamot sya ng kilay.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon