Chapter 16

1.9K 62 7
                                    

Jennie's POV

Agad akong nagtungo sa loob ng opisina ni Jisoo at pabalang na naupo sa sofa. Inis na inis ako kay Lisa simpleng bagay na nga lang yung hinihiling ng anak nya sa kanya hindi nya pa magawa. Presensya nya lang ang kailangan ni Leo hindi nya pa kayang pagbigyan, ikamamatay ba ng Tzuyu na yun kung kalahating araw nyang hindi makita ang asawa ko. Pakiramdam ko isa akong kabit na humihingi at nagmamakaawa sa kanya para bigyan nya ng oras ang anak namin. Sa sobrang inis ko gusto ko silang pagbuhulin ng babaeng hitad na yun, wag lang akong subukan ng Tzuyu na yun kahit may sakit sya hindi ko sya sasantuhin.

Napalingon ako ng unti unting bumukas ang pintuan at niluwa nito ang taong kinaiinisan ko sa mga oras na to. Tumingin ito sa gawi ko, blanko ang ekpresyon na nababakas sa kanyang mukha syempre bilang ako si Jennie Kim inirapan ko sya bilang tugon at itinuon muli sa mga bata ang aking paningin.

"Dada" bakas sa mukha ni Leo ang saya ng makita nya si Lisa, naka ngiti nitong nilapitan ang bata.

"Hi baby, how's your day?" tanong nito habang karga si Leo saka hinalikan ito sa pisngi.

"It's fine Dada I won in the contest but a little bit sad because your not there" mahinang sagot ni Leo sa kanya.

"Can you forgive Dada baby? I'm sorry if I can't come I have some important errands to do baby pero babawi si Dada sayo. Okay lang ba?" mahinahong paliwanag nito sa bata, napairap ako sa tinuran nya kung alam mo lang Leo kung ano ang mahalagang bagay na tinutukoy ng Dada mo.

"Okay Dada apology accepted" naka ngiting tugon ni Leo, pasalamat ka Lisa nakuha mo sa ganyan ang anak mo.

"Thank you baby, I love you so much and I'm so proud of you" malambing na saad ni Lisa habang pinapaulanan ng halik ang buong mukha ni Leo.

"Pwede bang sa labas muna kayo maglaro ni Claire? May mahalaga lang kaming pag uusapan ng Mommy mo" pakiusap ni Lisa sa dalawang bata, agad naman ang mga itong kumaripas ng takbo palabas at mabilis na sinara ni Lisa ang pinto. Humarap sya sa akin at gaya kanina blanko na naman ang kanyang ekspresyon.

"Ano bang problema mo Jennie?" may diin nitong tanong sa akin, napataas ako ng kilay sa tinuran nya.

"Really Lisa hindi mo alam ang problema ko? Hindi mo alam ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito?" matabang kong tanong sa kanya.

"My god Jennie magtatanong pa ba ako kung alam ko" singhal nitong sabi sa akin.

"Ikaw ang problema ko Lisa" sigaw kong sagot habang dinuduro duro sya.

"Sinabi ko naman sayo diba kailangan ako ni Tzuyu hindi ko sya pwedeng iwan ng basta basta kanina" sigaw nya ding sagot.

"Bakit? Ikamamatay nya ba kung hindi ka nya makita ng kalahating araw? Hawak mo ba ang gamot nya kaya hindi ka pwedeng umalis sa tabi nya kahit saglit lang?" sunod sunod kong tanong sa kanya, any moment pakiramdam ko sasabog na ko sa sobrang inis at galit.

"Sorry ah hindi kasi ako na-inform na ikaw na pala ang doctor nya ngayon, walang nakapagsabi sa akin" sarcastic kong dugtong sa sinabi ko kanina.

"Akala ko ba naiintindihan mo ang sitwasyon nya?" galit na tanong nya sa akin.

"Akala ko din Lisa kaya kong umintindi ng paulit ulit. Pinaasa mo ang anak mo Lisa, pinaasa mo si Leo nag promise ka diba pero ano? Anong ginawa mo you broke it" tiimbagang kong sagot sa kanya.

"Wala akong choice Jennie" maikli nitong tugon, agad akong umiling.

"May choice ka Lisa, lagi kang may choices and you choose to break Leo's hope. Sa pangalawang pagkakataon hindi mo nagawang suportahan ang anak mo. He always do his best sa lahat ng first nya, first dance at first contest na sinalihan nya, I know kasi nakita ko Lisa, nakita ko ang paghihirap ng anak natin at mind telling you I'm so proud na nawitness ko ang lahat ng yun" mapakla kong saad sa kanya, gustong gusto ko ng umiyak sa mga oras na to tila sasabog na ang puso ko sa sobrang bigat.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now