Chapter 36

1.8K 53 3
                                    

Lisa's POV

Tulala akong nakatingin sa kalmadong dagat, pilit pinagtatagpi tagpi ang mga pangyayari na nakita ko magmula pa kahapon ng hapon hanggang sa kagabi. Ang batang kahawig ni Leo nung hapon, ang babae at ang batang kasama nito kinagabihan na kahawig naman nina Jennie at Liam imposible namang sa loob ng halos isang araw lang puro kahawig nilang tatlo ang nakikita at nakakabangga ko. Malalim na buntunghininga ang pinakawalan ko saka ako tumingala sa papalitaw na araw, bigo akong mahabol ang babae at ang batang nakita ko kagabi kaya bumalik na lang ako sa aming kwarto at nahiga pinilit matulog kahit maraming bumabagabag sa aking isipan. Naputol ang pag iisip ko ng may isang tasa ng kape ang lumitaw sa aking harapan.

"Napakalalim naman ng iniisip mo hindi ko masisid" naka ngiting sabi ni Irene habang inaabot sa akin ang isang tasang kape na agad ko namang tinanggap.

"Wala ito, may mga naiwan lang na gawain sa kompanya" pagsisinungaling kong sagot sa kanya.

"Spill it, I know you. Hindi tungkol sa kompanya ang bumabagabag sayo" saad nito saka umupo sa tabi ko habang may hawak din na isang tasang kape.

"Posible bang makakita ka ng mga taong kahawig ng mga taong kilala mo sa loob lamang ng kalahating araw?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa hawak kong kape.

"Siguro posible pero pwede din namang hindi. Bakit mo natanong?" sagot nito sa tanong ko at nagtatakang nagtanong din pabalik sa akin.

"Si Jennie, Leo at Liam may mga kahawig sila rito sa isla. Yung kahawig ni Leo nabangga ko kahapon pagdating natin habang kagabi naman nakita ko yung mga kahawig nina Jennie at Liam dito mismo sa tabi ng dalampasigan. Sinubukan ko silang habulin ngunit bigo ako, natatakot ako" mahina kong sambit habang sa kape pa din nakatuon ang aking paningin.

"Natatakot ka na baka mali ang nakita mo? Umaasa ka na sila yun diba kaya ka natatakot tuklasin ang totoo?" magkakasunod na tanong nito sa akin na agad kong ikina angat ng tingin sa kanya.

"Pero nakita natin ang mga bangkay nila diba para saan pa kung aasa ako na sila yung nakita ko" pangangatwiran ko sa harap nya.

"Fear has two meanings Lis, Forget Everything And Run or Face Everything And Rise. The choice is in your hand. Maliit lang ang islang kinaroroonan natin, may pitong araw sa loob ng isang linggo na pamamalagi natin rito. Wala namang mawawala kung susubukan mong tuklasin ang totoo. Nakasalalay na sayo ang desisyon kung tatalikuran mo ang nakita mo at kakalimutan o haharapin mo ang mga bumabagabag sayo" payo nito sa akin saka uminom ng kape sa tasang hawak nya. Mariin akong napapikit, paano kung sila nga yung nakita ko pero imposible nakita ko ang mga katawan nilang tatlo. Unti-unti na naman akong naguguluhan, hati ang isip at ang puso ko ngayon. Sabagay hindi malinaw sa aming lahat ang pagkamatay nina Jennie at ng dalawang bata, pinilit kong hanapin ang nakabangga sa kanila ngunit ni kahit anong ebidensya ay wala kaming nakita tanging si Nayeon na lamang ang pag-asang meron kami sa mga oras na yun ngunit naglaho ito na parang bola.

"Lisa, Irene" pagtawag ni Kai sa amin, agad akong lumingon sa kanya.

"Malapit na tayong mag umpisa" muling saad nito, tumango ako bilang tugon sa kanya. Nilagok ko muna ang kapeng nasa tasa, lumamig na pala ito ng hindi ko namamalayan. Nang naubos ko ang kape ay tumayo ako at inilahad kay Irene ang isa kong kamay para hilahin ito patayo. Nang makatayo na kami parehas ay tahimik kaming naglakad pabalik sa bahay na aming tinutuluyan para mag ayos sa unang araw ng medical mission na isasagawa namin sa islang ito.

~

Tirik na ang araw ng maayos namin ang lahat ng kailangan mula sa mahabang lamesa hanggang sa mga gamot at tulong medikal para sa mga taga isla ay naisaayos na namin dito sa loob ng kubo ni Mayor. Malaki ang kubong ito at maaliwalas, sa tansya ko ay kasya ang bente hanggang trentang katao dito sa loob ng kubo. Napagpasyahan na bigyan na lamang ng mga numero ang lahat ng taga isla para hindi  magkagulo gulo at maisaayos namin ang unang araw. Naka upo sa mahabag mesa ang mga doctor at nurse habang kami namang magbabarkada ay naka upo sa gilid ng kada isa sa kanila para mag assist at mag abot ng mga kakailanganin nilang mga gamit samantalang si Jisoo naman ang taga tawag sa numero ng mga taga isla. Marami ang nagpatingin sa araw na ito, bata man o matanda, mapa dalaga man, binata o may asawa ay naririto upang komonsulta sa mga doctor at nurse.

"Number 27 po" tawag ni Jisoo sa isang numero, naka bakante kami ng kasama kong doctor kaya sigurado akong sa amin dadalhin ni Jisoo ang pasenyenteng may hawak ng numero bente siete. Tumayo mula sa pagkaka upo ang isang matandang lalaki at saka inakay nito ang isang batang lalaki, hindi ko maaninaw ang mukha ng bata sapagkat naka suot ito ng sombrero habang ang matandang lalaki naman ay nakilala ko na si Ka Berting ang matandang lalaki na tinawag ni Mayor kahapon pagdating namin dito sa isla. Umupo ang mga ito sa upuan na nasa harap namin.

"Ano pong problema natin Lolo?" tanong agad ng doctor kay Ka Berting.

"Papabakunahan ko lamang po ang aking apo" sagot naman ni Ka Berting sa doctor.

"Ganun po ba ano pong pangalan ng bata?" tanong muli ng doctor.

"Mateo Reyes po Doc" sagot ni Ka Berting at saka tinanggal ang sombrerong suot ng bata. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang mukha ng bata, sya ang batang kamukha ni Liam. Ang batang kasama ng babae na pilit kong hinahabol kagabi.

"Li..Liam" gulat na sambit ko habang nakatitig sa bata. Nakatitig din ito sa akin na parang sinasaulo ang buo kong pagkatao at kinikilala kung sino ako. Tila kumirot ang puso ko ng pagmasdan ko ang kanyang kabuuan, luma ang damit na suot nito at may malaki itong peklat sa kanyang gilid ng noo.

"Pasensya na po mam hindi po Liam ang pangalan ko. Ako po si Mateo" naka ngiti nitong sambit matapos akong titigan. Nilahad nito ang kanyang maliit na kamay, nanginginig na tinanggap ko iyon at sa paglalapat ng aming mga palad ay labis labis  ang pagkabog ng aking dibdib.

"Li.." bahagya akong lumunok bago muling nagsalita.

"Ako si Lisa" pagpapakilala ko sa kanya, ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng aking mga mata ng agad itong ngumiti ulit sa akin. Kahawig na kahawig nito ang anak kong si Liam. Nagtaka ako ng biglang tumayo si Mang Berting at agad na kinarga si Mateo.

"Mawalang galang na po ngunit aalis na po kami, naalala ko may gagawin pa nga pala akong importante" paalam nito sa amin at dali daling umalis ng kubong iyon. Bakas sa mukha nito ang pagkabahala. Agad akong nagpaalam sa kasama kong doctor at patagong sinundan sina Ka Berting at Mateo. Tama si Irene, wala namang mawawala kung susubukan kong alamin ang totoo. Walang kahit na ano mang ingay na sumunod ako sa kanila mula sa likuran, minabuti ko na malayo ang distansya sa pagitan namin ni Ka Berting.

Sa pagsunod sunod ko sa kanila ay nakarating kami sa isang kubo na nakatayo sa liblib na lugar, natatakpan ito ng mga puno kaya mahirap makita kung hindi ka taga rito sa isla. Agad ang mga itong pumasok roon samantalang ako ay nagtago sa likod ng isang puno habang nakamasid sa kanila. Isang babae ang sumalubong sa kanilang dalawa at agad nitong kinarga si Mateo.

"Naynay" rinig kong sigaw ng bata habang malakas na tumatawa.

Pinilit kong aninawin ang mukha ng babae, labis ang pagkagulat ko ng mapagtanto ko kung sino ito. Si Nayeon ang babaeng iyon. Paanong naririto din sya sa islang ito? Anong ugnayan nya kay Ka Berting? Totoo nga kayang sina Jennie, Leo at Liam ang nakita ko? Si Mateo at si Liam, iisa lamang kaya ang mga ito? Maraming katanungan ang naglalaro sa aking isipan, gusto kong puntahan si Nayeon at komprontahin ngunit malaki ang utang na loob ko sa kanya sa pagkakaligtas nito kina Laureent at Jazz.

"Anong ginagawa mo rito taong taga labas?" ani ng isang tinig sa likod ko. Agad akong naistatwa sa boses na aking narinig, namiss ko ang boses na yun. Isa isang kumawala  ang aking mga luha ng pinilit kong humarap sa taong nagmamay ari ng tinig.

"Jen... Jennie"

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat