Chapter 24

2.4K 70 20
                                    

Jennie's POV

Lumalalim na ang gabi ngunit hindi pa rin bumabalik si Lisa, nag aalala na ako sa kanya. Nangako sya na mabilis lang sya roon kay Tzuyu ngunit ilang oras na ang dumaan ay hindi pa ito bumabalik. Napukaw ang aking pag iisip ng biglang tumunog ang doorbell sa labas, nakapagtataka naman bakit kailangan pang magdoorbell ng asawa ko sa pagkakaalam ko may spare key kaming pareho ng bahay. Pinagsawalang bahala ko na lamang ang isipin na yun at agad na nagtungo sa pintuan para sya ay pagbuksan ngunit hindi si Lisa ang bumungad sa akin kundi si Hanbin.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya pagbungad na pagbungad nya pa lang sa pinto.

"Nandito ako para tingnan ang anak ko Jennie" tugon nito sa akin, agad akong napailing.

"Ilang beses ko bang kailangang ulit ulitin sayo na wala kang anak sa akin" may diing wika ko sa kanya.

"Anak ko ang batang iniluwal mo kagabi, gusto kitang puntahan pero hindi ako makakuha ng tyempo para makalapit sayo at sa anak ko. Pakiusap naman Jennie hayaan mong makita ko saglit ang bata gusto ko lamang mayakap at mahalikan ang anak ko" pagmamakaawa nito sa harap ko.

"Wag mo na kaming guluhin pa Hanbin, si Lisa lang ang ipapakilala kong magulang sa bata wala nang iba. Ayaw ko ng magulo ang pamilya ko nakikiusap ako sayo tantanan mo na ako" balik kong pakiusap sa kanya.

"Kung ayaw mong ipakita sa akin ang anak ko tanggapin mo na lang ito, gusto kong masiguro ang kinabukasan ng anak ko Jennie" seryosong wika nito sabay abot ng isang passbook na naka pangalan sa bata, may naka deposit na itong pera. Mabilis kong ibinalik sa kanya ang passbook.

"Hindi ko kailangan ng pera mo Hanbin at ng kahit anong bagay na galing sayo kaya naming palakihin ni Lisa ang bata ng wala ang tulong mo" may diin kong sambit puno ng galit ang tono ng aking boses. Kahit na singkong duling hinding hindi ko tatanggapin kung galing lang din naman sa kanya.

"Kung ganun ay magpapakalayo layo na ako mula sayo at sa anak natin, hindi ko na kayo guguluhin pa kung yan ang nais mo. Pero sana balang araw wag mo nang ipagkait sa akin na masulyapan ang anak ko. Gusto ko din syang makilala kahit hindi bilang ama nya okay lang at sana ipangako mo na papalakihin mo sya ng maayos katulad ng pagpapalaki mo sa mga anak nyo ni Lisa" malungkot na saad nito.

"Ipangako mo din Hanbin na hindi malalaman ni Lisa ang nangyari sa atin ng gabing yun" matabang kong sambit sa harap nya. Gusto ko mang ipakita sa kanya ang bata ay hindi pwede baka madatnan kami ni Lisa tiyak na magtataka yun kung bakit narito si Hanbin.

"Pangako mananatiling lihim ang lahat, maari ba kitang mayakap kahit sandali lang bago ako tuluyang umalis at magpakalayo layo" huling wika nito na agad ko namang tinanguan bilang pagsang-ayon. Wala pang isang segundo ng maramdaman ko ang kanyang mga bisig na mahigpit na nakayakap sa akin.

"Patawarin mo ko Jennie" mahina nitong bulong ngunit bago pa man ako nakasagot ay nahigip ng mga mata ko si Lisa na nakatayo sa likuran ni Hanbin, nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa amin habang nakakuyom ang dalawa nitong kamay.

"Li..Lisa" gulat kong sambit bago bumitaw ng yakap kay Hanbin.

"Tamang tama pala ang dating ko" malamig na sambit ni Lisa bakas sa boses nito ang galit at pagkapoot.

"It's not what you think Love" natatakot ako sa nakikita kong panglilisik ng kanyang mga mata.

"If you think you can fool me again this time think again because it will never happen. Hindi ko hahayaang paikutin nyo kong muli sa mga palad nyo" galit na sigaw nito sa harap namin ni Hanbin.

"Lisa nagpapalam lang ako sa asawa mo.." hindi na natuloy ni Hanbin ang sasabihin nya ng sinugod ito ni Lisa at agad na pinagsusuntok.

"Hayop ka Hanbin tao kitang tinanggap sa kompanya ko isa ka palang ahas" galit na galit na wika ni Lisa habang pinapaulanan ng mga suntok si Hanbin.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now