Chapter 28

2.2K 70 8
                                    

Mahihinang tapik sa mukha ni Lisa ang naging dahilan para imulat nya ang kanyang mga mata. Agad na kumirot ang kanyang ulo pagtama ng sinag ng araw sa kanyang paningin.

"Oh great Dada your already awake" naka ngising bungad sa kanya ni Liam, naka upo ito sa kanyang dibdib suot pa rin nito ang kanyang damit pantulog.

"Good morning to you Mr. John Liam Manoban" puno ng pag uuyam na sagot nito sa kanyang anak habang kinukusot kusot ang kanyang mga mata. Ang agang mambulabog ng bata, mabigat ang ulo ni Lisa dala siguro ng hang over.

"Good morning Miss Lisa, you should better get off from your bed because Jazzy girl and I are hungry" nakahalukipkip na saad ni Liam.

"Where is your mom?" tanong nya sa bata saka nilinga ang buong kwarto walang ano mang bakas ni Jennie.

"She already left" maikling sagot nito, nanlaki ang ang mga mata ni Lisa sa pagkagulat habang pumapasok sa kanyang isipan ang mga salitang binitawan nya kagabi. Tuluyan na kaya syang iniwan ni Jennie?, isang katanungan na naglalaro sa kanyang isip. Kumabog ng mabilis ang dibdib ni Lisa sa sobrang kaba, agad itong bumangon at nagpunta sa kanyang opisina sa loob ng kanilang bahay habang naka sunod sa kanya si Liam.

"Dada what are you searching for?" takang tanong ng bata habang iniisa isa ni Lisang buksan ang mga drawer ng lamesa.

"Dada is looking for something" maikli nitong sagot at tuloy pa rin sa pagkakalkal. Nanginginig nyang kinuha ang envelope at dahang dahang inilabas ang laman nito. Naka hinga ito ng maluwag ng makita na hindi pa pinipirmahan ni Jennie ang annulment paper.

"Dada, Mommy left early this morning she will drive kuya Leo to school with Laureent" wika ni Liam, napabuntunghininga ito sa kanyang narinig ihahatid lang pala si Leo kaya umalis buong akala nya ay tuluyan na silang iniwan nito. Naguguluhan na si Lisa sa kanyang sarili kapag andyan si Jennie ay kusang kumukulo ang dugo nya sa galit pero kapag wala naman ito ay hinahanap hanap nya ang presensya ng asawa. Ibinalik nyang muli ang envelope sa drawer saka lumuhod sa harap ni Liam.

"Baby Dada need a hug, can you give me that?" tanong nito sa bata saka ibinuka ang kanyang mga braso na agad naman nitong tinugon ng isang mahigpit na yakap.

"Eww Dada you smell disgusting, take some shower sometimes" reklamo nito saka agad na lumayo kay Lisa habang nakatakip ang kanyang maliit na kamay sa kanyang ilong.

"John Liam kahit hindi ako maligo ng isang linggo mas mabango pa ko sayo" naka ngising sambit ni Lisa habang unti-unting lumalapit sa kay Liam.

"Don't you dare come near me Dada. Try to smell yourself so you know what am I talking about" ani nito habang humahakbang ng paatras mula sa kanyang Dada. Natatawang inamoy ni Lisa ang kanyang sarili, napapikit ito sa kanyang naamoy tama naman ang bata ang baho nya nga. Naghahalo ang amoy ng alak at sigarilyo sa buo nitong katawan.

"Liam come near me, give me one hug and I will buy your favorite toys" pangguguyo nya sa anak.

"No thanks Dada, I will not hug you with that kind of smell I can live without those toys" huling sabi nito saka tumakbo papalabas ng opisina nya. Nakangiti naman itong sinundan ni Lisa patungo sa kwarto nilang magkakapatid. Dumiretso sya sa kinalalagyan ni Jazz, mahimbing itong natutulog.

"Liam maliligo lang ako sandali pakitingnan si Jazz" bilin nya kay Liam.

"Aye aye captain" tugon naman nito habang sumasaludo na ani mo'y isang sundalo. Naiiling na tinalikuran ni Lisa si Liam napakakulit na bata bulong nito saka nagtungo sa kwarto at mabilis na nag shower.

Jennie's POV

Isa isa kong tiningan sina Jisoo, Chaeng at Kai na naka upo sa harap ko blangko ang ekspresyon ng mga ito, kasalukuyan kaming naka upo sa bilog na mesa sa restaurant nina Jisoo. Sinara nila ang restaurant at kami lang ang taong nandito. Pagkahatid ko kay Leo ay agad akong nagtungo rito kasama si Laureent.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now