Chapter 29

2.2K 57 12
                                    

Matapos ang usapan nina Lisa at Irene ay agad na ang mga itong nagpaalam sa isa't isa saka lumulan sa kanya kanya nilang sasakyan. Habang nasa daan ay pinag iisipang mabuti ni Lisa ang mga salitang binitawan ni Irene. Tunog na nagmumula sa kanyang cellphone ang kumuha ng kanyang atensyon. Agad nitong tinigil ang sasakyan sa gilid at saka sinagot ang tawag.

Lisa's POV

"Hello" bungad ko sa taong tumatawag, hindi na ko nag abala pang tingnan kung sino ito alam ko na sina Tita Suzy ang pwedeng mang abala sa akin sa ganitong oras.

"Hello Lisa" tugon ni Tita, automatikong napa ikot ang aking mga mata. Ano na naman kaya ang pakay nito sa akin?

"Tita, magandang gabi din po. On the way na po ako" wala sa sarili kong tugon sa kanya. Hindi ko na ito hinayaang magsalita alam ko namang kaya ito napatawag ay dahil hinahanap ako ni Tzuyu, pinutol ko na ang tawag saka pinaandar muli ang sasakyan patungo sa direksyon ng hospital kung saan naroroon si Tzuyu. Nang marating ko ang hospital ay pinarada ko ang sasakyan at bumaba. Nakapag desisyon na ako puputulin ko na ang ugnayan ko kay Tzuyu gaya ng balak kong gawin bago pa man magulo ang lahat.

"Lis" bungad ni Tzuyu pagkapasok ko pa lang ng pintuan, nilinga ko muna ang buong kwarto at napagtantong wala itong kasama.

"Nasaan sina Tita?" takang tanong ko sa kanya.

"Umalis sina Mama may aasikasuhin daw sila. Okay ka lang ba?" tanong din nito pabalik, napatitig ako sa kanya ngayon ko lang napansin maganda pala ito siguro ay masyado akong naging focus kay Jennie kaya hindi ko napapansin ang gandang taglay ni Tzuyu.

"Lis?" agaw pansin nya sa atensyon ko, marahan kong naipilig ang aking ulo para iwaksi ang aking iniisip.

"Hmmm?" maikli kong sagot, pinipilit kong bumuo ng mga pangungusap na patungkol sa pakay ko sa kanya ngunit tila na blangko ang utak ko kahit anong pilit ko ay walang pumapasok sa isip ko.

"Will you give her another chance?" tanong nito na sya kong ikinatigil.

"Yes?" patanong kong sagot, half of me want to disagree and the other half want to agree.

"Lis sinaktan ka na nya, hindi malabong saktan ka nya ulit if you'll give her another chance" turan nito sa akin.

"She's my wife Tzuyu and she deserve the second chance. I know nagsisisi na sya, ramdam ko" mahinahong sagot ko saka yumuko, hindi ko kinakaya ang mga titig na pinupukol sa nya sa akin.

"Lis once a cheater always be a cheater, what if saktan ka nya ulit gaya ng ginagawa nya ngayon? Will you still endure the pain? Hahayaan mo bang saktan nyang muli ang puso mo? Wake up Lis kung mahal ka talaga nya hindi ka nya lolokohin at gagaguhin. Make up your mind, hahayaan mong utuin ka nya ulit at paukutin ng paulit ulit?" may diing wika nito, napa angat ako ng tingin sa kanya bakas sa mukha nito ang galit. Those words hit me, sino ba ang dapat kong paniwalaan? I don't know myself anymore, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Lis please for your own sake wag kang magpakatanga sa isang taong hindi ka pinahalagahan at iningatan" dugtong nya pa at saka marahang hinaplos ang aking pisngi.

Unti-unti na naman akong naguguluhan, tila nagtatalo na naman ang utak at puso ko. Tama si Tzuyu Jennie broke me, she broke all of me. Sa kabila ng pagmamahal at pag aaruga na ipinaramdam ko sa kanya nakuha nya pa akong ipagpalit sa lalaki. Nakaramdam ako ng kirot na nagmumula sa aking dibdib, parang pinipiga ang puso ko sa isiping baka hindi talaga ako naging sapat kahit ibinigay ko na ang lahat lahat. Isa isa na namang nag unahan sa paglandas ang mga luha sa aking pisngi. Did really Jennie deserve the second chance? What if saktan nya ulit ako? Kakayanin ko pa ba ang sakit sa pangalawang pagkakataon? Ramdam ko ang marahang pagpahid ni Tzuyu sa aking mga luha.

The Manoban's Household Book 2 (COMPLETED)Where stories live. Discover now