Chapter 01 - Nightmare and past

291 79 11
                                    

Chapter 01 - Must have been the wind





Solene





Lakad, takbo at hinga ang ginawa ko makawala lang sa humahabol sa 'kin. Halos mangatog ang tuhod ko ng dahil sa pinag-halong takot at kaba.



"Where are you, sweetheart? Come here, we're not yet done having fun," dinig kong saad ng lalaki.



Nanuot ang takot sa buong katawan ko ng marinig ko ang malalim na boses ng lalaking iyon. Ayoko na. Nakakapangilabot...




Nakarating ako sa isang maliit na eskinita at may nakita akong basurahan na pwede nang pag-taguan, doon ako nag-tago.Hingal na hingal na nag-tago ako sa likod ng basurahan. Naririnig ko pa rin ang boses ng lalaki kaya mas lalong dumoble ang kaba sa dibdib ko. Ayoko na... ayoko na ng gan'to.



Sumilip ako ng kaunti at nakahinga ng maluwag ng makita kong wala na ang lalaki. Dahan dahan akong umalis doon at umuwi na sa bahay nina Auntie. Nadatnan ko ang pinsan at tiyahin ko na prenteng nakaupo sa sala at tila ba inaasahan ang pag-dating ko.



"Bakit ka nandito? Tapos na ba kayo ni Mr. Spears? O baka nga naman tinakbuhan mo na naman ang trabaho mo?!" pagalit na tanong sa 'kin ni Auntie.



Sanay na ako sa trato nila sa 'kin kaya hindi na lang ako kumibo.



"Kakatapos lang po Auntie." Yumuko na lamang ako dahil baka pag-hinalaan ako, mahirap na lalo na't mausisa ang pinsan ko, si Astria.



"Eh bakit ka yumuyuko? May ginawa ka ano?" Mapang asar na tanong niya na gustong-gusto akong makitang nag-hihirap.



Inangat ko ang tingin ko. Nakatingin sila sa 'kin ng masama, tingin na puno ng inis. Halos gusto ko na lang umalis pero alam kong sampal ang aabutin ko kapag ginawa ko iyon.



"Siguraduhin mo lang na hindi ka nag-sisinungaling dahil papalayasin talaga kitang bata ka. Wala kang kwenta katulad ng nanay mo." Natuod na lamang ako sa mga masasakit na salitang ibinabato sa 'kin ni Auntie.



Gaya ng sabi ko, sanay na kasi ako.



"Lumayas ka nga sa harapan ko dahil baka hindi na ako maka pag pigil pa."



Nahuli kong nakangisi si Astria bago ako tumalikod. Halatang gustong-gusto niyang pag-sigawan ako ng nanay niya. Iyan ata ang nag-papasaya sa kanya, ang makita akong nahihirapan. Sinara ko ng maigi ang pinto nahiga sa kama. Oras na para matulog pero makakatulog kaya ako sa nangyari? kung hindi man, pipilitin ko na lang dahil matagal ko na itong ginagawa. hindi pa ba ako nasanay?




Ganito na ang naging buhay ko mag mula noong maulila ako. Ginagamit ako nina Auntie para mag karoon sila ng pera. Ni mag-reklamo ay hindi ko ginawa dahil hanggang kaya pa, kakayanin pa! Hindi ko naman alam kung nasan ang Tatay ko dahil hindi ko siya kilala. Tanging isang litrato niya lamang ang naiwan ni Mama. Binigay niya ito sa 'kin bago siya mamatay.




Sa kalagitnaan ng pagiisip, biglang nangilid ang mga luha ko. Biglang umugong sa tainga ko ang huling sinabi ni Mama bago siya mamatay.



"Anak... lumaban ka. Mahal na mahal kita at ayaw kong makitang nahihirapan ka kaya lumaban ka hanggang kaya mo pa."



Bigla akong nabuhayan ng loob kaya pinahid ko ang mga luha bago pa man ito tumulo.



Must have been the windTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon