"Batas? walang kwenta ang batas natin. Maraming inosente ang namamatay habang ang mga demonyong katulad nya ay nabubuhay." sabi ni Dite na walang nakaimik sa paligid. May tama sya sa sinabi nyang yon.

"Tama na. Dadalhin na namin ito at ang mga kasama nya sa presinto. Sisiguraduhin kong hindi sya makakawala sa kulungan." sabi ni Kuya Aiden.

"Yes, please, anak?" sabi ni Tita Kill. Ngumiti si Kuya Aiden at pinuntahan ang tatlong nakahilata pa rin. "Okay, bumalik na tayo sa loob." sabi ni Tita Kill sa mga kasamahan namin.

Ang iba ay nagsibalikan na. Tumingin ako sa mag-ina. Hindi pa rin nagbabago ang itsura ni Dite. Ang sama pa rin ng tingin nya kahit wala na yung lalaki.

"Dite. Tumingin ka sakin." sabi ni Ate Alexa at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Dite tsaka ito hinarap sa kanya. "Kumalma ka." huminga ng malalim si Dite. Niyakap ni Dite si Ate Alexa.

"Mommy." mukhang kalmado na si Dite. Niyakap sya ng dalawa nyang magulang.

"Bakit hindi mo sinasabi samin 'to?" tanong ni Ate Zoe.

"Ayokong mag-alala kayo." sagot ni Dite. "Hindi nya naman ako nagalaw. Wala syang nahawakan sa maselan kong mga parte."

"Kahit na. Dapat sinabi mo pa rin samin. Kailan ito nangyari?" tanong ni Ate Zoe.

"Last year." napakunot ang noo ko.

"Hindi ba last year, hindi mo kami hinayaan na makausap ka? dahil ba don?" tanong ko.

"Nakita ninyo ang itsura ko kanina. Alam kong magtataka kayo dahil sa inasta ko." sabi ni Dite. Sumilip sya sakin mula sa pagkasubsob nya sa dibdib ni Ate Alexa. "Hindi ako katulad ng dati. Nagbago ako dahil don. Ang isang anghel ay napalitan ng isang demonyo."

"Wag mong sabihin yan, anak." sabi ni Ate Alexa at hinawakan ang mukha ni Dite. "Hindi ka demonyo."

"Hindi literal pero yun ang tingin ko sa sarili ko, Mommy. Hindi na ako katulad ng dati. Kaya kong manakit ng tao para lang protektahan ang mahal ko sa buhay." sabi ni Dite.

"Kaya naman pala may mga muscles ka." sabi ko. Tumingin sakin si Ate Zoe na nakakunot ang noo. Nakitbitbalikat ako. Gusto ko lang mawala ang tensyon samin.

"Sort of." napakunot ang noo ko. "Soccer player ako. Malamang sa malamang." sabi nya na ikinatawa ko. Pambihira talaga itong si Dite. Nasabayan nya ang gusto kong mangyari. Ayaw nya talagang mag-alala sa kanya ang mga magulang nya.

"Mag-uusap tayo. Sa bahay ka muna uuwi." sabi ni Ate Zoe. "Kailangan mong ikwento ang nangyari sayo sa camp ninyo."

"Yun lang ang nangyari, Ma." sabi ni Dite.

"Magkwe-kwento ka pa rin." pagpupumilit ni Ate Zoe. "Lumalaki ka lang, naglilihim ka na samin." oops. Hindi na ako sumabat dahil baka may masabi ako na hindi dapat sabihin. Alam kong hindi sasabihin ni Dite 'yon kahit na pilitin syang sabihin ang mga sekreto ni Dite.

"Nagugutom na ako." sabi ni Dite. Napailing na lang ako.

"Tara na sa loob." pag-aaya ni Ate Alexa. Habang naglalakad kami papasok sa loob. Naalala ko yung tatlong lalaki na nakahilata.

"Dite, ikaw ba may gawa sa tatlong lalaking nakahilata?" tanong ko. Nakapasok na kaming apat sa loob at nakatingin samin ang lahat. Tahimik ang lahat kaya narinig nila ang tanong ko. Pambihira talaga.

"Oo." sabi ni Dite at lumapit sa gawi nila Asta. Lahat sila ay nakatingin kay Dite.

"Sa mga nagbabalak galawin ang mga bestfriend ni Dite. Wag nyo ng subukan kung ayaw nyong masaktan ni Dite!" sabi ni Marceline. Ang lakas talaga ng loob.

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now