Tumingin ako kay Dite. Nagulat ako na nakakatakot ang itsura ni Dite. Ang sama ng tingin nya sa lalaki. Ramdam mo ang itim na aura sa kanya.

"Ga-gago ka! demonyo ka!" sigaw ng lalaki. May lakas pa syang sumagot.

"Mas demonyo ka!" sigaw ni Dite na ikinagulat namin lahat. "Papatayin kita!" mas nagulat kami sa sinabi nyang 'yon. Mabilis syang sinampal ni Ate Alexa. Ang lakas ng sampal ni Ate Alexa.

"Ano? natauhan ka na ba?!" sigaw ni Ate Alexa. Hindi sumagot si Dite pero alam namin na natauhan na sya.

Nakakatakot si Dite kanina. Alam mong makakapatay talaga sya sa itsura nya. Siguro ganon na lang ang takot namin na baka makapatay talaga si Dite.

"Taylor Elanor." nagtaka kami sa pangalan na sinabi ni Dite. "Seventeen years old. February 14. Saturday. Eight o' clock. Magnum Hotel. Room 401. Ni-rape ng demonyong yan." sabi ni Dite na ikinagulat namin.

"Sinungaling!" sigaw ng lalaki. "Bakit ko naman ra-rape-in si Taylor eh girlfriend ko 'yon!" naguguluhan na kami kung sino ang Taylor na tinutukoy nila. "Palibhasa hindi ka nya pinili!"

Napatingin kaming lahat kay Dite. Yung Taylor na tinutukoy nila ay gusto ni Dite? Napaatras ako nung tumawa si Dite. Hindi nakakatuwa ang tawa nya. Bigla syang tumigil sa pagtawa at tinignan ng masama ang lalaki. Napaatras yung lalaki, kahit ako. Hindi ko maintindihan si Dite ngayon. Sobrang ibang iba nya ngayon. Nakakatakot sya.

"Isang tao lang ang mahal ko at hindi si Taylor 'yon." humakbang si Dite pero dahil hawak sya ng dalawang magulang nya, napigilan syang lumapit sa lalaki. "Titania Marquez. Nineteen years old. October 25. Wednesday. Seven o'clock. Dyaan lang sa gilid. Muntik mo na ma-rape kung hindi ako dumating." sabi ni Dite na ikinagulat namin. Napatingin ako kay Titania na umiiyak pa rin. "Muntik mo na din mapatay." Hindi ko alam kung saan ako magugulat sa sinabi ni Dite. Detalyado ang lahat ng sinabi nya.

Walang imik ang lalaki dahil alam nyang wala na syang takas pa. Si Titania ang muntik nyang magalaw.

"Napakademonyo mong lalaki ka!" sigaw ni Ate Zoe. Gusto nyang sugurin ang lalaki pero pinigilan sya ni Ninang Astra.

"Mas demonyo ang anak nyo! muntik na akong mapatay!" sigaw ng lalaki. Aba, lumalaban talaga 'tong lalaking 'to. Kasalanan nya kung bakit ganon na lang si Dite sa kanya. 

"Dapat lang sayo─" hindi natuloy ang sasabihin ni Sylvia ang sasabihin nya nung inawat sya ni Tita Silva.

"Ikaw ang gumawa nito sakin. Nakalimutan mo na ba?" napatingin kami kay Dite.

"Dite." nag-aalalang sabi ni Ate Alexa.

"Hindi lang si Taylor at Titania, pati na rin ako." nanlalaki ang mga mata ko sa gulat.

"Hayop ka!" nagulat ako nung sinugod ni Ate Zoe ang lalaki. Nagawa nya itong suntukin pero agad syang inawat nila Ninang Astra at inilayo. "Hayop kang lalaki ka! pati ang anak ko!" galit na galit sigaw ni Ate Zoe.

"Anong ginawa nya sayo, anak?" malamig na tanong ni Ate Alexa.

"Muntik lang 'yon, Mommy." sabi ni Dite. Matamaan pa rin itong nakatingin sa lalaki. "Dahil sa kademonyohan mo, nilabas mo ang demonyo sa katawan ko, Renz. Naalala mo pa? muntik na kitang mapatay." napaawang ang bibig ko. Kaya talagang pumatay ni Dite! "Kung hindi lang ako pinigilan ngayon, napatay na kita."

"Dite! tigilan mo nga yan!" sigaw ni Ate Alexa. "Hindi ka mamamatay tao!"

"Mommy, lahat ng tao kayang pumatay para lang maprotektahan ang sarili. Kaya ko rin pumatay kapag isa sa mahahalaga sa buhay ko ay ginalaw." sabi ni Dite.

"Dite!" muling sigaw ni Ate Alexa.

"Tama na, Alexa. Hindi sa sinasabi kong tama si Dite pero may mga bagay na hindi natin kontrolado lalo na ang emotion natin. Gusto lang natin protektahan ang sarili o ang mahal natin sa buhay kaya natin nagagawa 'yon pero Dite, hindi tama na sadyain mo syang papatayin." sabi ni Tita Kill. "Hayaan mo na ang batas ang magparusa sa kanya."

Melting Ice Princess 3Where stories live. Discover now