"Miss, ano meron?" Tanong ni Drew sa isa sa mga tumatakbo.

"Si Gabriel daw kasi may inayang makipagdinner mamayang gabi." Sagot ng babae at saka ulit tumakbo papalapit doon sa pupuntahan niya.

"Aba, may pinopormahan si Topmodel number 2, ah. BSHRM ba talaga ang type ng mga nagmomodel? Same kayo, pre."

Sinamaan ko ng tingin si Drew. Kalalaking tao, napakaraming sinasabi.

Nagtuloy-tuloy ako sa pagdiretso sa kwarto nila Pei at kung saan naroon din yung gagong Gab na yon. Hindi na ako nagtaka nang makitang si Pei ang inaaya niya at talagang mabilis ang naging pag-oo niya sa lalake.

Masama ang tinging ibinigay ko kay Pei nang magtama ang mga tingin namin.

Subukan mo lang sumama sa kanya at talagang malilintikan ka.

Cassiopeia Mikael's Point of View

Natapos ang klase, dismissal na. Naglinis muna kami nang kaunti sa room bago ko inayos ang mga gamit ko at dali-daling bumaba papunta sa ground floor. May usapan kami ni Gabriel, remember?

Panay ang bulungan ng mga babaeng nadadaanan ko. Maski nga si Desiree ay hindi na natutuwa sa mga usapan nila.

"Ano bang problema ng mga inggeterang 'to? Ako nga na deds na deds kay Gabriel ay hindi nagrereact, eh!" Inis na sabi ni Desiree. "Hindi ba nila alam na need mo ng happiness right now??" Halos umikot na ang eyeball niya kaiirap.

"Hayaan mo na, Bakla. Tataas lang ang altapresyon mo sa mga 'yan."

Habang binabaybay ko ang papunta sa ground floor ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko. At first, akala ko ay si Gab ang nagtext pero nagulat ako nang pangalan ni Christopher ang bumungad.

"O, bakit napahinto ka?" Tanong ni Desiree at tiningnan niya kung ano yung tinitingnan ko sa phone ko. "Hala, naghimala yata ang langit."

Maski siya ay hindi makapaniwala. First time kasi 'to, eh. Pero kahit na ito ang unang beses na nagtext siya ay parang ayokong basahin. Paano kung tungkol 'to doon sa annulment?

Muling nagvibrate yung phone ko. Text ulit galing sa kanya ang natanggap ko.

Babasahin ko ba 'to o hindi?

Nagdadalawang-isip man, sa huli ay binasa ko pa rin ang text galing sa kanya. Kung tungkol man ito doon sa kinatatakutan ko ay wala na akong magagawa.

Tupe Andrada
Come home early. Nandito sila Mommy, they wanna see you.
- Received

Magreply ka nga! Tss.
- Received

Eh, wala pang dalawang minuto no'ng ma-received ko yung unang text niya, bakit naghihintay na siya kaagad ng reply?

Sge.
- Sent

Kaagad na nakareceived ako ng reply.

Tupe Andrada
Anong klaseng reply 'yan?
- Received

Ano bang gusto niyang i-reply ko? Ilang araw na akong hindi nag-aupdate sa kanya thru text kasi alam kong hindi naman siya natutuwa doon. Nakakagulat talaga na tinext pa niya ako para lang sabihin na hinahanap ako nila Mama.

Pinuntahan ko muna si Gabriel na kanina pa naghihintay sa gate ng school.

"Tara na?"

Napakamot ako sa ulo ko. "Gab, mukhang hindi tayo matutuloy ngayon kasi nasa bahay sila Mama e, masyadong biglaan. Re-sched na lang natin tomorrow?" Nahihiyang sabi ko sa kanya.

Marrying Mr. Popular (PUBLISHED under LIFEBOOKS) Where stories live. Discover now