19 ~ Destined Someday

258 11 0
                                    

Ganito ba talaga pag patay na? Wala kang maramdaman. Naririnig mo pa rin ang mga busina ng sasakyan at malakas na hangin. Madilim ang lahat at parang natigil ka sa pagka-hulog. 

Natatakot man, 

Dumilat ka. 

Nakita mo si Jimin na nakakapit sa braso mo at pinipilit na iakyat ka muli sa building. Tinulungan mo rin ang sarili mo na makasampa muli. Napaupo kayong dalawa at hinabol ang inyong hininga. Nakatingin kayo sa isa't-isa, punong puno ng takot ang mga mata.

"I thought I lost you." Sabi ni Jimin sabay hawak sa ulo mo. At niyakap ka ng sobrang higpit. 

"I thought I lost you too." Niyakap mo sya sabay ng pag-iyak mo. Akala mo talaga tapos na ang lahat ng mismong gabing ito. Pero hindi. Hanggang ngayon, gumagawa ng paraan ang tadhana. Narinig mo ang sirena ng kotse ng pulis. Sa wakas. Tapos na ang lahat. 

Isang buwan na rin ang makalipas matapos ang insidente. Naging normal na muli ang buhay ninyo ni Jimin. Kahit pa sabihin na may kaunti pang mga problema, ngayon naman nareresolba na. Inilapag mo ang mga puting bulaklak sa puntod ni Vanessa. Inaamin mo, hindi ka na galit sa kanya. Matapos mong marinig ang mga sinabi nya sayo noong gabing iyon, napag-isip isip mo, nagmamahal lang din naman si Vanessa. Hindi nya lang alam kung paano ipakita, dahil kahit kailan di sya nabigyan noon. 

Sinasabi ng mga tao na baliw daw si Vanessa dahil sa hindi raw man lang ito marunong ngumiti o umiyak. Kahit kailan sa buhay niya, kay Jimin lang daw sya nagkaroon ng emosyon. Si Jimin daw ang kaisa-isang taong minahal nya. Ang kaisa-isang nagbigay kulay sa buhay nya. 

Si Jimin naman talaga ay nakakapag-pabago ng buhay. Siya yung tao na kapag nalaman mo ang totoong kulay, mas mamahalin mo pa. Siya yung magpapahalaga sayo ng sobra. Yung ibibigay lahat sayo para lang masabi na mahal ka nya. 

"Tara na, malalate pa tayo sa klase natin." Paghagod ni Jimin sa likod mo habang nakatingin lang din sa puntod ni Vanessa.

Nakikita mong may lungkot din sa mga mata ni Jimin. Kahit pa sabihin natin na hindi maganda ang pakikitungo ni Vanessa sa inyo, tao pa rin naman sya. Nagkakamali. Nagkakasala. 

"Tara na..." 

"Okay class! Alam nyo naman na 1 month na lang ang natitira sa last year ninyo dito sa school na ito." 

Nagsimulang i-discuss ng prof. ninyo ang mangyayari sa graduation ninyo at kung paanong kailangan nang ipasa lahat ng requirements ninyo.  Napaisip ka. 

Kung sakali man... Ito na ang huling buwan na makakasama mo si Jimin. Pagkatapos ay wala nang kayo. Na para bang wala lang nangyari. Tuloy pa rin ba ang pasya ng mga magulang ni Jimin? Ngayong wala na si Vanessa? 

Natapos ang klase nyo sa isang iglap. Hindi mo man lang naramdanan dahil binabagabag ka ng mga iniisip mo. 

Nagkakita kayo ni Jimin sa labas ng classroom mo. Nababasa mo sa mukha nya na narinig nya na rin ang balita. 

"Pano na tayo?" Tanong mo kaagad sa kanya. 

"A-ang sabi ni dad diretso kami sa States pagkatapos ko grumaduate. I was pleading for them to leave me here pero ayaw talaga nila. Don't worry, gagawan ko ng paraa--" 

"No, Jimin. It's okay... You don't need to..." 

Naglakad kayo pa-uwi ni Jimin na tahimik lang. Walang kumikibo o nag-sasalita. Alam nyo kasi na ito na ang huli. 

Ang mga huling lakad ninyong magkasama. Ang mga huling pagtinginan ninyo. Huling mga pag-uusap. 

Parang ayaw mo syang pakawalan. Parang away mo na bumitaw. Minahal mo na kasi eh. Yung sobra sobra. Ginawa mong buhay yung tao na dapat ay hindi. 

Nag-sisimula nang dumilim. Nagsimula nang mawala ang ganda ng hapon. Natatapos na rin ang storya ninyo. 

~

Dumating na ang araw na pinaka ayaw mong mangyari. Ni maski pag-suot ng graduation gown hindi mo magawa. Tinignan mo ang sarili mo sa salamin habang inaayusan ka ng buhok ng nanay mo. 

"Ang ganda ganda naman ng anak ko." 

Mahinang sabi nya habang tinitignan ka mula sa salamin. Napatingin ka na lang sa suot mong necklace na ibinigay sayo ni Jimin.

"Nak... Alam kong mahirap pero... Minsan ganoon talaga ang buhay..." 

"Hindi lahat ng gusto natin, nakukuha natin..." 

"Minsan... Kailangan talaga nating bumitaw kahit masakit..." 

Nagsimulang tumulo ang luha mo. Wala na lang ibang nagawa ang nanay mo kundi ang yakapin ka na lang. 

~

Nakita mo si Jimin sa kabilang linya ng mga upuan. Nakatungo lang sya habang ang tropa nya ay masayang nag-aasaran at nagkekwentuhan. Pareho lang kayo ng naiisip. Na pag natapos na ang ceremony ng graduation nyo, tapos na rin lahat ng ito.

Mabilis lang ang mga pangyayari at nagsimulang magsi-liparan ang mga toga ng mga kaklase mo. Hindi ka nakibato. Naisip mo na pag ginawa mo iyon, parang pinakawalan mo na rin si Jimin. Sumulyap ka sa kanya. At ganoon rin sya. Nakatayo at tinitignan ka hawak lang ang kanyang toga. Naglakad kayo palapit sa isa't-isa. 

"Paano na tayo?"  Sabay nyong tanong muli sa isa't-isa. Natahimik uli kayo. Naririnig ninyo ang mga kaklase nyong nagsisigawan at nagtatawanan. Kasi sa wakas, graduates na kayo. 

Oo, pinapangarap mo rin maka graduate, pero para iwan ang tumulong sayong makamit ito? Hindi eh. Parang mas gusto mo pang paulit-ulit ang hirap ng college basta't kasama mo pa rin si Jimin. 

Napatulo muli ang luha mo ng wala sa oras. Pinunasan nya agad yon at nginitian ka.

"Don't worry, Y/n." 

"We might not be destined today..." 

"But maybe someday, we'll meet again." 

"And at that time, we'll finally be together again. And at that time, won't let you go." 

"I love you so much, Y/n. Hindi sapat ang mga salita para masabi ko iyon. Hintayin mo ako ah?" 

"Mahal na mahal din kita Jimin. Hihintayin kita kahit pa gaano ka tagal." 

Niyakap ka niya sa pang-huling beses. At ganoon na rin ang ginawa mo. Binuhos ang lahat ng iyak mo sa kanyang dibdib. Ang hindi mo alam ay umiiyak na rin sya sa balikat mo.

Pa-Fall Ka! ~ A Park Jimin FF [Completed]Where stories live. Discover now