10 ~ Torn

267 10 3
                                    

Nakabalik na kayo sa Korea at wala ka nang ibang inisip kundi ang parents ni Jimin. Kahit pa sabihin ni Jimin na magiging okay lang ang lahat, alam mo naman na hindi. Nagulat kayo nang may sumalubong sa inyo sa airport na kotse. Malaki at magara. Paniguradong sa mga magulang nya nga to. Lumabas sa kotse ang isang lalaki na para bang bodyguard. 

"Mr. Park. Naandito kami para sunduin ka. Kakausapin ka raw po ng mga magulang ninyo."

Hinawakan ng kamay ni Jimin sayo pero nagulat ka nang tinulak ka ng bodyguard. 

"Pasensya na po, Mr. Park. Ikaw lang po ang kailangan. Hindi ang girlfriend mo."

"What? Kasama ko sya eh." Nanahimik ka nalang. Takot na takot ka talaga. Pakiramdam mo hihimatayin ka. Sana nga himatayin ka nang matanggal ka na sa sitwasyon na to.

"Park Jimin... Is she really your choice?" Pagturo sayo ng mama ni Jimin. 

"Yes mom." 

"Oh, is that so?" Lumapit sya sayo. Kakaiba ang ngiti nya. Para bang hindi welcoming. Grabe nakakatakot. Akala mo isang galaw mo sampal ka. 

"Y/F/N. Nice to meet you dear." 

"Ah, nice to meet you din po." Nakatungo ka lang kasi natatakot kang tignan sya sa mata. 

"So, what company does your family own?" 

"P-po? Wala po kaming kompanya..."

"Look me in the eyes while talking!" Napatalon ka nang kaunti. Nakakatakot pala ang parents ni Jimin... 

"Mom..." Pag-aawat ni Jimin sa mama nya.

"What? I'm just asking her questions. Masama ba yon?"

"Then what does your parents do then, Y/n?" 

"Ah, yung mama ko po housewife lang at si papa nag-abroad, construction worker po sya."

Sa itsura pa lang ng mama ni Jimin ay halatang di na sya natutuwa. Pero kahit na ganoon ay nakangiti pa rin sya. Napaka peke. You hated it.

"Don't be too harsh on the kid darling, she just doesn't have the standard." 

"Oh, sure thing. I just can't help seeing my son falling for someone like her." 

Pakiramdam mo ngayon ay liit na liit ka na. Parang gusto mo na lang tumakbo palayo at umiyak. Kailangan ba lahat ng tao perpekto? Kailangan ba lahat mayaman? Maganda? Successful? Eh totoong buhay to eh, hindi naman lahat ng tao kaya yon. 

"Mawalang galang na po pero bakit parang tinatapakan nyo na yung pagkatao ko?" 

Nagulat sila nang sabihin mo iyon. Ni maski si Jimin ay sinisiko ka na para bang sinasabi na tumigil na ako. Ayaw nya ba akong ipaglaban?

"We didn't say such a thing!"

"Kahit na! Pinapamukha nyo kasing ganoon eh!" 

"Y/n... Please stop." Mahigpit na ang kapit sa braso sayo ni Jimin. Kita mo sa mata nya ang takot at lungkot. Why?

~

"What the hell Jimin?! Bakit di mo man lang ako pinagtanggol?!"

"What do you mean?!"

"Tinatapakan na nila yung pagkatao ko, Jimin! Wala ka bang pake doon?!"

Naglakad ka pa ng mas mabilis. Ang gusto mo na lang ngayon ay umiwi. Gusto mong magsabi ng problema mo sa mama mo. You missed your peaceful life. 

"Takot lang kasi ako sa kanila!" 

"What the hell did they even do para matakot ka sa kanila ng ganyan?!" 

"You don't understand Y/n. Hindi mo pa naman kasi ako kilala."

"Anong?! Sa tagal nating magkasama? Hindi pa kita kilala sa lagay na yan?!"  Tinulak mo sya. Galit na galit ka. Asar na asar ka. Gusto mo syang sampalin. 

"Alam mo, nevermind. Uuwi na ako."

"Y/n. Pag usapan naman natin to..." Hinawakan nya ang kamay mo. Umiiyak na sya. Oo, aaminin mo, naawa ka.

"Wala na tayong dapat pag-usapan."

 At doon ka na umalis. Iniwan sya mag-isa sa gitna ng daan. 

~

Makalipas ang ilang mga linggo ay hindi mo na pinansin si Jimin. Wala kang pake sa mga tawag, chat, text ang kahit ano pa man. Nasa isang Ministop ka at kumakain ng ramen. Wala ang mama mo dahil binisita nya ang bahay ng lolo at lola nya. So ayun, walang pagkain. 

"Y/n, kamusta na?"

Nagulat ka nang makita mo si Jungkook. Matagal tagal na rin simula nang huli kayong nag-usap. Napangiti ka naman kaagad at inalok syabg umupo sa table mo.

"Eto, medyo ok lang naman..." 

"Parang may problema ka ata?"  Tinitignan ka ng maigi ni Jungkook. Nakatungo ka lang at nananahimik.

"Tungkol nanaman kay Jimin, ano?"

"Bakit ba lagi mo na lang alam kung anong pinoproblema ko?" Napatawa ka ng kaunti. Napabibilib ka lang talaga kay Jungkook dahil kilalang kilala ka na nya. 

"Wala lang, i just know." Ah, ang welcoming ng ngiti nya. Kahit papaano napapagaan ang loob mo. 

"Eh kasi... Si Jimin... Hindi man lang nya ako kayang ipagtanggol sa parents nya..."  Napatungo si Jungkook na para bang alam nya na ang nangyari. Ang tingin mo nga kahit mas matanda ka sa kanya sya pa yung mas matured.

"Alam mo Y/n. Kahit pa sobrang lambot ng puso nyan, matapang na tao yan si Jimin." 

"Ang problema nga lang ay... Hindi sa lahat ng tao."

Ikinuwnto sayo ni Jungkook ang dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi pa sinagot ni Jimin ang mga magulang nya. Minamaltrato pala sya dati pa. Pinagkukumpara sa iba. Pinapahirapan buong pagkabata. Naka schedule na ang buong buhay, walang oras para magpahinga o maglaro.  Ngayon mo na lang na realize kung gaano ka nya ka mahal. Na ginawa nyang magsinungaling at suwayin ang parents nya para makasama ka lang sa Japan. 

"Sorry Jungkook, kailangan ko nang umalis."

Nagmadali kang tumakbo paalis. Gusto mong mag-sorry kay Jimin. Ikaw ang nagkamali. And you should know better. Nagdoorbell ka mula sa gate nila pero walang sumasagot.  May biglang dumating na sasakyan at tumigil sa harapan mo. Bumukas ang pintuan ng kotse at...  What the hell... 

"Hey, Y/n. Missed me?"

Nakasmirk sayo ang pinaka-ayaw mong tao sa buong mundo.  Si Vanessa Cathwright.

Pa-Fall Ka! ~ A Park Jimin FF [Completed]Where stories live. Discover now