16 ~ Misunderstood

238 13 2
                                    

"Bakit ngayon mo lang yan sinasabi sa akin?" 

Naglalakad kayo ngayon pauwi ni Jimin mula sa restaurant. Imbis na ang dala-dala nyo ay mga ngiti, sama ng loob ang namumuo sa puso mo.

"Ang gusto ko lang naman kasi, wag ka na mag-alala."

"Wag mag-alala?! Relasyon natin tong pinag-uusapan, Jimin. Sana, kung sinabi mo kaagad edi naayos na natin ng mas maaga!" 

"But that's what I'm trying to do!"

"Really? It doesn't seems like it."

Nagsimulang tumulo ang mga luha mula sa magkabila mong mata. Niyakap ka ni Jimin. Pumiglas ka pero di ka pa rin nya binibitawan. Wala ka nang nagawa kundi ang umiyak na lang sa dibdib nya.

"B-bakit kasi ganoon?" 

"A-ayaw ba sa atin ng mundo?" 

"Lahat na lang, araw-araw na lang? Palagi na lang may problema?" 

Hinawakan ka sa ulo ni Jimin at hinalikan ang noo mo.

"Y/n... Well find a way... Don't cry..." 

Kumatok si Jimin sa pintuan ng office ng tatay nya. Gusto nya sana uli tong pakiusapan sa hindi na mabilang na beses muli.

"Ano nanamang kailangan mo?" Kitang kita sa mata ng tatay ni Jimin kung gaano nya kinamumuhian ang kanyang anak. 

"Dad..." 

"Can't I just do anything on my own?" 

"I have my own life too, at gusto kong ma-enjoy yon." 

Napatigil sa paninigarilyo ang tatay ni Jimin at tinitigan ang binata sa mga mata. 

"Kung tungkol nanaman to sa Y/n na yan, ayoko na. That's enough. I gave you the time to be with her. Be grateful." 

"Pero Dad, I want to be with her forever. She's the love of my life."

Napatayo na mula sa upuan ang tatay ni Jimin at para bang gusto na itong saktan. 

"Hindi ka ba marunong makinig? No means no." 

"You see, Vanessa is a daughter of one of the biggest company in South Korea. Once we get her, we'll have all the money we needed."

"Pero hindi naman pera ang gusto ko dad, si Y/n!" Pangangatwiran ni Jimin. Nanlisik ang mata ng tatay ni Jimin at lumapit sa kanya.

"Kung ayan ang gusto mo, wala na akong ibang magagawa kundi sirain ang pamilya ng babaeng yan." 

"I have all the sources, all the people, para lang mawala na yang babaeng yan. And you have no rights to change my mind."

"Dad, please... I'm begging you." Lumuhod na sa paanan ng tatay nya si Jimin. Hindi nya na alam ang gagawin ngayon. Lahat na ata ng pagmamakaawa hindi pa rin gumana. 

"The Park family doesn't accept forgiveness, even if it's from a family member."

Sinipa si Jimin ng kanyang tatay. Gulat na gulat naman ito nang itayo pa sya muli gamit ang kwelyo ng damit nya.

"If you can't follow my rules, then just die!" Sabi nito sabay suntok sa kaliwang pisngi ni Jimin. Mula sa bibig ni Jimin ay lumabas ang dugo. Sa gulat at takot ay umalis na si Jimin, punong puno ng sakit ang mga mata. 

"Jimin... Tigilan na kaya natin to?" Tanong mo kay Jimin habang nakahiga kayo sa damuhan sa bakanteng lote at tinitignan ang mga bituin.

"Ang alin?" Tinignan ka nya sa mga mata mo.

"Eto... Itong relasyon natin..."  Tinignan mo ang pasa sa kanyang mukha. Maiyak-iyak ka tuwing nakikita mo syang nagkakaganito. Nasasaktan ng dahil sayo. 

"H-huh? Bakit naman?" Napaupo sya at ganoon ka na rin. Nagsimulang tumulo ang luha sa iyong mga mata.

"E-eh kasi naman, simula noong maging tayo ganito na lang palagi. Patagal nang patagal palala nang palala. Walang nang bago sa atin." 

"Tsaka hindi ba after graduating magkakahiwalay din tayo? Bakit hindi pa natin agahan? Para di na rin tayo masaktan?"

"Kasi kahit ano pa mang gawin natin, ganoon pa rin naman diba? Mas mananalo ang gusto nila, hindi ang gusto natin..."

Napahagulgol ka na. Napakatagal mo nang kinikimkim lahat ng sama ng loob mo pero ngayon bumubuhos na lahat ng iyon. 

Walang alinlangan at niyakap ka ni Jimin ng napakahigpit. Naramdaman mo na pumapatak na rin ang luha nya sa balikat mo. Nanginginig sya at hinahawakan ang ulo mo. 

"Y/n... Wag ka namang magsalita ng ganyan." 

"Ikaw na lang ang dahilan kung bakit ko pa rin pinipilit ko pa ring magpatuloy, aalis ka pa?" 

"Hindi ba parang ang unfair non? Kasi mahal na mahal kita eh, tapos ganito lang?" Rinig mo sa boses nya ang panghihina at lungkot. Yumakap ka na rin sa kanya sabay ng mas malakas mong pag-iyak. 

"Y/n..." 

"Tignan mo ang mga bituin." Umiiyak man, tinignan mo pa rin ang mga bituin.

"Hindi mo ba napapansin? Lahat sila ay nasa dilim. Pero maliwanag, hindi ba?" 

"Kasi magkakasama sila."

"Parang tayo lang sila." 

"Sabihin man nating napakaraming problema ang binabato sa atin, hindi ba sa dulo ng araw magkasama pa rin tayo?"

"Kaya Y/n, wag mo akong iiwan ah?" 

"Hindi ko kayang paliwanagin ang bawat gabi nang wala ka."

Nakaupo si Vanessa sa kwarto nya at tila ba inis na inis. May kausap ito sa telepono at hindi nya mapigilan ang sarili nya na maibato ang mga gamit na makita nya. 

["Ah eh, Vanessa, wag kang mag-alala. Medyo naguguluhan lang si Jimin ngayon, pero papayag syang mag pakasal sayo."]

Ang tatay ni Jimin ang nasa kabilang linya. 

"Well it better be that way. Ayoko na ng puro pangako ah? Hanggang ngayon hindi nya pa rin ako tinuturing na prinsesa nya."

["Kahit kasi anong pilit ko kay Jimin ay ayaw nya talaga, that's why made a deal to him. Na hanggang sa makagraduate lang sila magkakasama ni Y/n.] 

Biglang napangisi si Vanessa. 

"Si Y/n ba ang problema? Sinasabi ko na nga ba eh." 

At doon nya na pinutol ang tawag. Napatingin sya sa baril na nakasilip sa ilalim ng kama nya. 

"Then maybe, I just need to end her now."

Pa-Fall Ka! ~ A Park Jimin FF [Completed]Where stories live. Discover now