12 ~ Jealousy

282 11 1
                                    

Kakagising mo pa lang pero takot ka na. Last 3 years of college ka na. At wala ka nang kawala. Paalam na, school life, malapit na ang mga panahong magtatrabaho ka na. At pramis ayaw mo na kumilos.  At oo nga pala, tinransfer ka ng school. Gusto kasi ng teachers mo. Sabi kasi nila ay malaki ang potential mo. Sa Sonyeontan University ka na, ang isa sa mga pinakasikat na arts school sa Korea.

Ano nga ba ang ginagawa sa trabaho? Fine arts kasi ang kinuha mo. Hindi ba wala kukuhanin ka na lang basta kompanya? Base lang sa kinuha mong course? Tapos ikaw pa ang gagawa ng paraan para sa lahat ng bagay. Ikaw pa ang maghahabol para mapromote ka?

Nagulat ka nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto mo. 

"Bukas yan." Mahinang sagot mo. Alam mo naman na mama mo lang yon, dadalhan ka lang ng pagkain pero... 

Nakita mo si Jimin. Napakalaki ng ngiti nya at di mo na makita ang mga mata nya. Hala ang cuteeee. At nakaporma rin sya ngayon. White t-shirt, black pants, tapos naka denim na jacket. Dinalhan ka nya ng almusal. Ay bwisit nakakahiya. First time ka nyang makitabg sabog. Parang di ata kayo bagay kung ganito itsura mo. Nagtakip ka ng mukha at nag thank you. 

"S-sige, bibilisan ko na lang mag-ayos. Sa sala ka na lang mag-hintay." Bago sya lumabas ng kwarto ay humarap muli sya sayo. 

"Wag ka na mahiya sa akin Y/n. You're beautiful in every way. Kahit pa may panis na laway ka." Lumabas na sya at sinarado ang pinto. Napangiti ka. 

"Bwisit ka Jimin! Pa-fall ka!" 

"I love you too!"

"And yeah, wear something similar to mine! Mag couple outfit tayo!"

~

Nang makarating kayo sa Sonyeontan University, nagulat ka. Ang laki pala nito. At parang lumang luma na. Maraming halaman at paruparo. Sa totoo lang, school ba to o garden? Maraming tao ang nagtitinginan sa inyo dahil siguro sa halos magkapareho ang damit ninyo. Lakas maka-kopol. More like kupal. Magka-holding hands pa, sarap batukan nakakabitter.

"Ah, Y/n. Hindi ko pa ata to nasasabi sayo..." 

"Ano?" 

"Course ko performing arts." Performing... Arts?? Eh Arts & Design ka eh... So hindi kayo magkaklase in any subject. 

"Teka ano oras breaktime mo?"

"10:30 - 11:00. Eh ikaw?" 

"10:40 - 11:10."

"Lunch ko 2:00 - 2:30, ikaw?" Tanong ni Jimin sayo habang parehas nyong tinitignan ang schedules ninyo. 

"1:00 - 1:30."

"Eh uwian nyo, anong oras?"

"3:30."

"Putek na yan, Y/n. Wag na tayong mag-college. Halos di na tayo magkikita eh." 

"Luh, baliw ka ba? Kailangan natin to!" Tumatawa ka pero ninenerbyos ka. Omygod. Di mo sya makakasama. Paano ka na? Walang poprotekta sayo. Sino bibili ng lunch mo? Sino mag-dadala ng bag mo? Masyado ka kasing nasanay na palagi syang kasama eh. Na-spoiled ka na tuloy. 

"Eh paano ka na?" 

"Ayun na nga eh, pano na ako?" Nagkunwari kang malungkot. 

"De charot lang. Oks lang ako Jimin Pandak."

"Hindi ako pandak!" Tumawa ka. Ang sarap nya talagang inisin. Ang cute cute eh.

"Ah edi ok, Y/n taba."

"DI AKO MATABA! .... medyo chubby lang..."

"Oo na, oo na. Cute ka na. Sige na start na ng klase mo. Hatid na kita." Pag-aya nya sayo.

"Aysus, start na rin po ng klase ninyo. Baka malate ka pa." 

Room 402. Asan na ba yon? Kanina ka pa paikot-ikot wala pa rin. BAKIT KASI ANG LAKI NG SCHOOL NA TO? 

"Uhm, hi Miss. Nawawala ka ba?" Bati sayo ng isang lalaki. Pagkatingin mo dito, hala! Kilala mo pala to! 

"Teka! Kilala kita!" 

"Hala? Oo nga! Parang kilala din kita!" 

"Kim Mingyu?!" 

"Y/F/N?" 

"HALA ANGTANGKAD MO NANG BAKLA KAAA!" Niyakap mo sya at nagtatalon. Si Mingyu ay childhood bestfriend mo. Magkapitbahay kayo dati at palagi ka nyang pinagtatanggol at inaalagaan. Sya rin ang first crush mo. Nagkahiwalay lang kayo dahil sa States sya nag-aral dahil sa family problem. 

"Pano kang nakabalik dito sa Korea?!"

"Bumalik ako para sayo. Ayaw mo ba?" 

"Ayiiiiiieiie, kilig naman akooo." 

"So ano, tayo na?" 

"TANGA KA BA? MAY BOYFRIEND NAKO!" 

"Ah ganoon? Sayang. HAHAHA."

Sobrang saya mo dahil hindi ka pala magiging lonely dito sa bago mong school. Nandito na kasi si Mingyu, ang gwapo at matangkad mong bessy. Di yan bakla pero parang ganoon na nga. Halos lahat ng subjects na papasukan mo ay nandoon sya. Parehas palang Arts & Design ang course. 

"Tara, sabay na tayo kumain." Pag-aya sayo ni Mingyu nang magbreaktime. 

"Ay wag na, kasama ko kasi si Jimin."

"Edi sama na lang ako sa inyo."

"Wala naman sigurong masama doon."

Naglalakad lakad kayo sa foodcourt dahil di nyo makita kita si Jimin. 

"Asan na ba kasi yon?! Di naman sumasagot sa tawag ko." Pag-rereklamo mo habang sinisipsip ang milkshake na nilibre sayo ni Mingyu.

"Hintayin na lang natin, baka ayaw pa silang i-dismiss ng prof nila." 

"Sabagay..."

Sa kabilang banda ng campus, nandoon si Jimin, nasa classroom pa rin. Ang tagal naman nitong klaseng to. Hinihintay na ako ni Y/n! Sabi nya sa isip nya. 

Makalipas ang ilang mga minuto ay sa wakas tapos na ang klase nila. Nagmadaling lumabas si Jimin sa classroom nila at binuksan ang phone nya. 10 missed calls 34 texts. Tsk. Baka galit na yon. Tumakbo sya papuntang foodcourt para maabutan ka. 

Pero may iba kang kasama. Wow, ang saya naman pala. Makatawa wagas. Lalaki ng ngiti. Ano ba yan Y/n. Halos ilang oras lang naipagpalit mo na ako. 

Mabilis mag selos si Jimin sa maliliit na bagay. Kaya naman ayon, walk out uli. Nanlilisik ang mga mata at umuusok ang ilong. Parang pag nadikitan sasabog. 

"Oh hello! My future hubby!"  Biglang may umakbay kay Jimin.  That's right. 

Si Vanessa. 

"Don't call me that."

"Bakit hindi ba totoo? Soon enough magiging mag-asawa na tayo." 

"Yeah, it's disgusting." Napaikot ang mata ni Jimin at itinulak palayo si Vanessa. Nagsimula na uling maglakad si Jimin 

"What, you're just going to let that guy get Y/n?" Napatigil sa paglalakad si Jimin. Paano nya nalaman yon? 

"That's our problem. Wag ka na makigulo." 

"Eh paano kung pagselosin natin si Y/n? Total ayun din naman ang ginagawa nya hindi ba?"

Nakasmirk si Vanessa. At alam nyang mauuto nya si Jimin. Kahit pa kasi sabihin na maangas at nakakatakot si Jimin, malambot ang puso nito at mabilis manipulahin. 

"You know what?"

"Fine."

Hindi naman siguro masamang bumawi.

Hindi ba? 

Pa-Fall Ka! ~ A Park Jimin FF [Completed]Where stories live. Discover now