CHAPTER 48 - Challenge me, if you dare.

4.4K 126 29
                                    

Sorry po sa talaga sa matagal na update, medyo naging busy na kasi palapit na yung finals namin. Iba kasi academic calendar namin sa other schools kaya medyo late kami. Thank you po sa mga naghintay ng update na 'to, alam kong excited at nath-thrill na kayo sa susunod na mangyayari sa storyang ito. Thank you po sa walang sawang pagsupporta ng Heartlies kahit medyo mabagal na yung pag u-update ng kyut ninyong author. HIHI jkjk. Wag na natin patagalin paaa, here's chapter 48. Enjoy! :)

Nicole’s POV

“May balita ka na ba kay Khym?” tanong ko kay Jane.

“Sabi ni Angela na nasa office lang daw, nagtatrabaho.” sagot niya.

Ilang buwan na ang nakalipas at di pa rin kami nagpapansinan ni Khym. Aaminin ko na kasalanan ko ang lahat, mas pinauna ko pa kasi yung galit ko kesa pakinggan yung paliwanag niya, tapos nakipaghalikan pa ako sa bestfriend niya.

Tanggap ko naman na tawagin nyo akong bobo.

Oo, I deserved to be called an idiot for what I did to her.

“Si Angela ba galit pa rin sa akin?” tanong ko ulit sa kanya.

“Hmm siguro, pero wag mo munang intindihin si Angela, ako na ang bahala sa kanya.” sagot nito.

*sigh* Pati si Angela di na rin ako pinapansin. :(

“Anong plano mo?” tanong ni Jane.

“Hmmm…”

Khym’s POV

Months have passed, nahihirapan pa rin akong magmove-on sa kanya. Minsan nakikita ko siya sa hallways pero di ko pinapansin. Oo gusto ko syang yakapin ulit pero may humahadlang sa kalooban ko na gawin yun kasi masakit pa rin talaga ang lahat na nangyari sa aming dalawa. Sa tuwing nakikita ko siya, I put a blank expression on my face and ignore her. Minsan tinatawag niya ako pero I pretend na I didn’t hear her. Sinabihan ko nga yung secretary ko na wag siya papasukin sa office ko eh, I really can’t face her pa, I need time.

Mahal ko pa rin si Nicole…

At yun ang totoo…

Gusto kong bumalik sa pagiging bad girl type ko, pero di ko kayang gawin ulit yun. I don’t want myself to be miserable again, kaya I shifted my focus on my work. Trabaho, uwi, trabaho, uwi… yan nlng ang lagi kong ginagawa araw-araw. Minsan hindi na ako kumakain kasi ang daming dapat asikasuhin, now that my company is getting richer and richer dahil sa hardwork ko at pati na rin sa mga workers ko. Naglilibang rin naman ako, lalo na pag kasama ko si Jace, siya nlng kasi ang nag-iisa kong kaibigan ngayon. Meron di naman si Angela pero busy siya sa trabaho at pati na rin sa girlfriend niya. Buti pa siya may lovelife pa, ako nganga na.

“Ang lalim ng iniisip mo dude.” rinig kong sabi ni Jace.

“Ah-wala. May sinasabi ka?” wika ko.

“Oo, kanina pa kita tinatawag pero di mo ko sinasagot. Buti at narinig mo na ako, akala ko kasi bingi ka na eh—Araaay!” kinurot ko agad yung braso niya.

“Anong bingi ka dyan?! Che!”

“Joke lang yun.” sabay haplos niya sa braso niya. “Ahh nga pala, sabi ni Janeth uuwi daw muna siya dito.” dagdag niya.

“Si Janeth?! Uuwi?!” gulat na sabi ko.

“Ay hindi, babalik sha dun. Hayynaku…” pilosopong sabi niya.

Heart Lies (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon