CHAPTER 9 - Past is Past and Past is Present?

9.2K 189 6
                                    

Khym's POV

Umuwi ako, wala ako sa mood para gawin ang plano ko. Uminom muna ako ng alak bago ako matulog. Pero may nakita akong diary sa ilalim ng sofa ko, familiar yung notebook. Teka, diary ko to ah? Nung highschool pa ko, sinusulatan ko to araw araw. Luma na ang cover pero matibay pa rin tignan. Binuksan ko to sa unang pahina at nakita ang mga doodles at mga drawing ko noon, kaso bumigat ang puso ko nung binuksan ko yung pangalawang pahina...

July 7, 2011

 Tinulungan ako ni bessy Nicole para mapalapit kay Janeth, hindi ko akalaing gagawin niya yun. Tapos kami lang dalawa ni Janeth sa classroom. Nakakahiya talagaaa! Nag-usap kami ng kung anu-ano, favorites, hobbies, love life at marami pa. Di ko inexpect na mahilig rin pala sha sa mga girls! May chance ako nito. Waaaaaaah! <3 Papasalamatan ko si Nicole nito mamaya, ahh ang ganda ng buhay! 

July 14, 2011

*picture ni Janeth* Ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko. Hindi ko talaga alam kung bakit mahal na mahal ko tong babae na to. Mabait, napaka understanding, mapagmahal at may bonus pa! Ang ganda ganda niya. Kahit kailan hindi ko talaga siya papakawalan, dahil mahal na mahal ko siya. Kasama ko siya ngayon, kumakain kami ng fishball kasi nagugutom daw sha ee. Ang cute ng mahal ko no? Parang bata <3

August 19, 2011

First kiss. Jeez, I love her.

August 30, 2011

Sleepover sa bahay nila. Siya lang mag isa kaya sinamahan ko. Nanood kami ng The Notebook. Ang awkward nga kasi may mga bedscenes, natatawa lang sha habang ako umuubo. Grabe talaga yun! Pero di ko inexpect na gawin rin namin yun. Ganun ba talaga kasarap yun? GOSH! Natikman ko na sha! Nahihiya tuloy ako sa kanya kapag nagkikita kami sa hallways ng school. Nakita na nya katawan koooo. :3

October 5, 2011

I asked her to be mine. And she wanted me to be hers. Girlfriend ko na sha! Efforts paid! Mahal na mahal na mahal na mahal ko na talaga siya <3

December 24, 2011

First christmas sana namin, pero hindi ko sya masasama bukas. Family time kasi kapag Christmas sa kanila. Pero now I'm celeberating my Christmas Eve with her. I bought her her favorite necklace. Gusto niya kasi ito nung sabay kaming pumunta ng mall. Nagustuhan niya talaga yun. And I received a ring from her, may words engraved pa, saying, "Forever and Infinitiy is equal to you and me." <3

December 29, 2011

Ooops, we did it again. ;)

January 2, 2012

New year to begin, new year to love. I held her hands, kissed her soft lips, and the sun set before us. Ang ganda ng scenery, pero mas maganda pa si Janeth. I love you.

April 4, 2012

Umuwi sya sa kanila :( I can't see her for 2 months :(( I miss her so much. I miss her hugs, her kisses, her lips and everything about her. Di ko sya matawagan kasi walang signal dun sa kanila. Kahit boses nya di ko marinig, kaya si Nicole nlng parati kong kasama. Hayy. I hope she's fine. I miss you so much Janeth! I love you.

June 15, 2012

I don't know what's going on with Janeth, pero I think she's hiding something from me. She's not anymore the Janeth I know na napakakulit. Ang cold na niya :'( Umiiyak ako ngayon, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sinubukan ko syang kausapin, pero 'wala' lang ang lagi nyang sinasabi. Minsan hinahalik ko sya pero di sya gumaganti. May nagawa ba akong mali sa kanya? Nung bumalik sya galing sa kanila, naging ganito na sya. Ang cold, parang di na nya ako girlfriend. Para akong hangin na wala lang sa kanya, invisible ako sa kanyang paningin. Anong nangyari sa atin Janeth? :'(

June 23, 2012

Walang hiya sya! Niloko niya ako! May iba na pala syang mahal! F*** you Janeth! Ginago mo ko! I hate you! I hate you!

(3rd person: Inilipat ni Khym sa sunod na pahina nang may nahulog na letter. Pinulot niya itong at sinimulang basahin)

Mik, alam kong nasasaktan ka sa mga nangyayari pero sana maintindihan mo ko. May dahilan kung bakit ito nangyari, sa akin, sa ating dalawa. Mahal na mahal kita Khym, alam kong hindi pa to sapat para mapaniwala kita pero ito ang totoo kong damdamin. Nung bago kita nakilala, kakabreak lang namin ni Jason. Mahal ko pa siya nun nung naging tayo. Akala ko mawawala na siya sa buhay ko nung dumating ka, pero hindi pala. Nung bumalik ako sa Tagaytay, nakita ko si Jason, inamin nya sa akin na nagkamali sya at mahal pa rin daw niya ako. Bumalik ang damdamin ko sa kanya, minahal ko siya ulit at bumalik ang dating kami. Ginawa ko to para sa iyo Mik, ayokong masaktan ka na. Kaya pinakawalan na kita, di ko na kayang magtago sa'yo. Sorry kung ginawa kitang panakip butas, sorry kung ginago kita, sorry kung hindi ko kayang sukli-an ang pagmamahal mo, sorry kung hindi ko matutupad ang promises natin. Thank you for all your love Mik, mahal na mahal kita. Pero di ko kayang mahalin ang tulad mo dahil malaki ang pagkukulang ko sa'yo. Bye. Hinding hindi kita malilimutan.

....

Nicole's POV


[Nakita mo ba siya Angie?] 

[Wala siya dito sa office nya ee. Baka umuwi?]

[Cge2 thank you. Text nlng kita ha?]

[Cge, sana makita mo na sha]

--end--

Nawawala si Khym, di ko sha mahanap. Nag walk out kasi sya kanina, galit na galit. Nagseselos ba siya? O may ibang dahilan kung bakit ganun sha. Tsk, kasalanan ko to lahat.

Nakarating na ako sa condo niya. Kinakatok ko yung pinto pero walang sumasagot. Kinuha ko yung susi ko at binuksan ang pinto. Nagulat ako ng makita ang mga basag na pinggan, vase at mga mamahaling gamit nya na kumakalat sa sahig. Pumasok ako sa kwarto nya at nakita ko syang umiiyak sa sulok at ang daming bote ng alak na nasa sahig.

"K-khym? A-anong problema?" tanong ko sa kanya.

Hindi siya umiimik, tuloy pa rin ang pag iyak niya. Kinuha ko yung panyo na nasa bag ko at ginamit sa pagpunas ng mga luha niya. Binuhat ko siya at pinahiga sa kama. Hindi pa rin tumitigil ang pag agos ng luha sa mata niya. Kaya pinabayaan ko muna at nagpasya na linisin ang kalat. Pinulot ko ang mga bote at itinapon. Pinulot ko rin yung notebook na nasa ilalim ng desk.

'Familiar ang notebook na to ah?' sabi ko sa utak ko.

Binuksan ko yun at nakita ang picture ni Janeth.

Wait... Janeth? Kaya ba siya nagkaganito dahil kay Janeth? 
Inilipat ko sa pangalawang pahina kaso puro sunog na ang loob nito.

Naguguluhan na talaga ako kung anong nangyari. Naiiyak rin ako kapag nakikita kong umiiyak si Khym. Gusto ko syang yakapin at sabihin sa kanya na andito lang ako at di ko sya pababayaan. Maghintay ka lang Khym, mamahalin kita at sasagutin na kita.

Heart Lies (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon