CHAPTER 56 - Happy Birthday

5.1K 99 23
                                    


Sorry guys for the long wait...

---------------------------------------------------

Nicole's POV

Pagkatapos ng bonding time namin ng totoo kong pamilya. Umuwi ako condo at nagpahinga para sa birthday at surpresa ko bukas. Ang saya ko talaga ngayon!

Nagtext ako kay Khym na nagkaayos na kami ng Dad ko. Masaya naman siya at tanggap na niya rin si Dad.

"Sana nga magbago ang mokong na iyon." yun ang sabi niya. Hahaha!

Sinabihan ko na rin sina tatay at nanay sa balita. Masaya din sila kasi magkaayos na kami ng totoong pamilya ko. Medyo malungkot din kasi hindi ko na sila makaksama kagaya ng dati. Nag thank you ako sa kanila sa pag-aruga at pag alaga sa akin nun. Kung di dahil sa kanila, siguro nasa simbahan na ako ngayon, nagbebenta ng sampaguita. Ang gaan talaga sa pakiramdam. Si Angela nlng ang problema ko ngayon *sigh*

Nagtext ako kay Khym bago ako natulog:

Goodnight Mik, matutulog na ako. I love you! Excited na akong makita ka bukas :)

Khym's POV

12am na at kaarawan na ng girlfriend ko. Pati ako excited na excited sa kaarawan niya. Sana maging masaya siya sa surpresa ko mamaya.

Madaling araw na, bumalik ako sa condo para surpresahin ang mahal ko. Alam kong tulog na siya kasi nag text siya sakin kanina. Balak ko syang dalhin sa isang resort, nandun na rin sina Nico, Tatay, Nanay, Jace, Angela, Jane, Zach, Robert, Janeth, mga kaibigan ko sa Zargon at marami pang iba. Pinaghandaan namin ito ng sobra kasi first time ni Nicole to.

"Tulungan niyo ko Dad and Mom" dasal ko sa langit.

Nang nasa labas na ako ng pinto. Hinay-hinay kong binuksan ang pinto para siguraduhin na natutulog pa siya.

"Hayyy salamat, tulog pa siya." isip ko.

Hinay-hinay kong isinara yung pinto at dahan-dahang humakbang papasok ng kwarto. Tulog na tulog pa rin siya nung humakbang ako palapit sa kanya. Umupo ako sa dulo ng kama at pinagmasdan syang natutulog.

"Nicole?" gising ko sa kanya.

Bumuka ng sandali ang kanyang mga mata pero hindi pa rin siya gising. Niyuyugyug ko ang kanyang mga balikat ng paulit-ulit para gumising na talaga siya.

"Hmm?"

"Happy Birthday!" bati ko sa kanya sabay yakap at kiss sa lips.

"Mmm, thank you Babe. Sweet mo naman, ikaw pa talaga ang unang nag greet."

"Ikaw pa Nic." sabi ko at nagwink pa.

"Ikaw talaga Mik." natatawang sabi niya at nagpinch pa sa ilong ko.

"Bangon na Babe." bulong ko.

"Uhh, nga pala...akala ko nasa Cebu ka pa?" inaantok na tanong niya.

"Basta, bangon ka na dyan kasi may lakad pa tayo." aya ko.

"Hmm teka, idlip muna ako ng sandali."

"Hahaha sleepy head, sige idlip ka muna. Bigyan kita ng ilang mga minuto, okay?"

"Opo, dun ka lang muna sa labas. Magbibihis ako agad after 5 minutes." aniya.

"Sigesige." tupad ko sa utos niya.

Pumunta ako sa entertainment room para maglibang sa pamamagitan ng paglaro ng Xbox. Habang naghihintay na magload yung game, napaisip ako sa mga posibleng mangyayari mamaya sa birthday surprise ko sa kanya. Nagload na yung game ko at nag umpisa na akong maglaro. Ilang rounds ang nakalipas, lumabas na si Nicole sa kwarto. Nagulat ako ng makita syang naka dress. Mukhang alam niya siguro na susurpresahin ko siya mamaya. Nakabraid yung blonde na buhok niya na may yellow clip pa sa bangs niya. Nakasuot siya ng isang purple cocktail dress at suot niya rin yung kwintas na ibinigay ko sa kanya noon. Hindi sanay si Nicole na mag heels pero parang expert na siya sa pagdadala nito habang sinusuot niya yung silver colored na heels ngayon. Napanganga ako sa ayos niya, hiyang-hiya nga ako sa suot ko ngayon.

Heart Lies (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon