CHAPTER 21 - Expect The Unexpected

6.3K 156 11
                                    

Khym's POV

Pumikit ako para di ko makita yung reaksyon nila, pero nagulat nlng ako ng bigla akong yakapin ni Tito Ramon. Si Tita Kristina naman, gulat na gulat pa rin sa mga narinig niya.

"Matagal ko ng alam yun iha." sabi ni Tito sakin.

"P-po?" pagtataka ko.

"Sinabi saken ni Nicole yun, bago pa siya pumunta sa Maynila. Nung una nagulat rin ako kasi di ko inaasahan na magiging ganun yung anak ko. Pero kailangan kong tanggapin kung ano ang nakakapagsaya ng anak ko." sabi ni Tito habang hinahaplos yung likod ko.

Ang saya-saya ko nung sinabi ni Tito Ramon yun, tanggap niya ako bilang manliligaw sa anak niya. Pero...

"Ano Ramon?!" nagulat ako nung sumigaw si Tita Kristina. "Bakit di yan sinabi ni Nikki sa akin?!"

Tumayo si Tito at pinakalma niya si Tita. Si Mommy naman niyakap ako.

"Pangga, kalma ka la--"

"Paano ako kakalma?! Di ko matatanggap na ganyan si Nikki! Kahit malaki ang nabigay nilang tulong sa atin, di ako papayag!"

Tahimik akong umiiyak ako nung narinig ko yun, di ko maintindihan kung bakit di nya kami tanggap pero tanggap naman ako ni Tito Ramon ah? Tumayo ako para komprontahin si Tita...

"Tita, sorry po pero mahal ko po talaga si Nicole. Gagawin ko po ang lahat para tanggapin niyo po kami."

Lumabas si tita sa kubo, sinubukan syang pigilan ni Tito Ramon pero hindi niya ito nagawang pigilan. Di ko na mapigilan yung pag iyak ko, sinubukan rin akong pakalmahin ni mommy pero ang sakit talaga kapag ni reject ka. Ngayon ko lang naranasan ang sigawan ng matanda pa sa'kin, never ako nasigawan kahit nung bata pa ako. Di nga yun nagawa ng mommy o daddy ko eh.

"Ako na ang bahala kay Kristina, ikaw na dito kay Khym." sabi ni mommy.

Lumabas si mommy at niyakap naman ako ni Tito. "Tahan na iha, tatanggapin ka rin ni Tita Kristina mo." sabi niya.

Ilang minuto pa ang nakalipas, hindi pa rin bumalik sina Tita at mommy. Kaya nagkwentuhan nlng kami ni Tito Ramon.

"P-paano nyo po nalaman?" tanong ko.

Ngumiti muna si Tito Ramon bago siya sumagot, "Alam mo iha, hindi yan nag sesekreto si Nicole sa akin dahil mapagkatiwalaan niya ako. Kaya lahat ng mga sekreto niya, binubulgar niya sa akin. Hindi ko nga sinasabi sa mommy niya, baka kasi atakihin sa puso yun kapag sinabi ko. Ang sinabi niya lang sa akin ay may gusto daw sya sa isang babae, minahal niya yun ng sobrang-sobra. Hindi niya sinabi kung sino kaya nagulat ako kanina na ikaw pala yung tinutukoy niya." kwento nito.

"Hindi po ba kayo magagalit sa akin kapag liligawan ko po si Nicole?" tanong ko.

"Diba sabi ko sa'yo kanina na kung anong nakakapagpasaya sa anak ko, di ko pipigilan. Dahil hindi ko kayang tignan ang anak ko na nalulungkot. At saka ikaw rin Khym, alam kong ito ang ikakasasaya nnyong dalawa." sagot niya.

"T-thank you po Tito!" at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Walang anuman Khym. Wag mong saktan yung baby ko ha?" hiling niya.

"Opo Tito, hindi ko sya lolokohin." sabi ko.

"Buti naman iha at minahal mo rin yung anak ko. Ang tagal na nyang naghintay para mahalin mo rin siya."

"Eh yun na nga po tito eh. Marami akong nagawang kasalanan sa kanya, kaya inuna ko po kayo para maghingi ng permiso na liligawan ko siya at para suklian ko ng saktong-sakto yung pagmamahal niya." sabi ko.

"Naku iha, kahit di mo pa suklian si Nicole, mahal na mahal ka talaga nun."

"Pero tito, gusto ko talagang bumawi sa kanya." sabi ko.

Heart Lies (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon