CHAPTER 13 - Confession

10K 179 4
                                    

Nakarating na kami sa Batangas, 4 hours kasi ang byahe papunta dito. Hindi pa nga kami nakapasok, gusto ng magselfie si Nicole. Talagang babaeng to oh?

Pumasok na kami sa isang hotel, nagtanong ako kung anung room ang pina reserve ko, dalawang rooms. Isa sa amin Nicole at ang isa naman ay kay Angela at Jane (gf niya). Then nagpasya na kami sa room namin. Excited na excited talaga si Nicole, nagmamadali syang lumakad sa elevator at wagas maka pindot ang babaeng ito, parang masisira na ang button eh XD Nung nag *ting* na yung elevator, hinawakan niya kamay ko at hinila papunta sa room namin. Naiwan tuloy yung dalawa, kaya tinawag ko,

"Angela! Una nlng kami. Mukhang excited kasi tong bestie mo. Room 508 kayo, 507 naman kami. C-cge kitakits!" sigaw ko. Grabe kasi makahila tong kasama ko eh.

Pero dun ko lang napansin na magkahawak pala yung kamay namin. Parang kumuryente ang buong katawan ko. Ewan pero ang sarap sa pakiramdam.

Nakarating na kami sa room namin. Ang saya-saya niya, excited talaga syang makita yung room namin kasi pinagmamadali niya akong buksan yung pinto. At ayun, pagbukas ko, nagkakarandapang pumasok at hinila na naman ako. 

Gulat na gulat sha nung una at may bumuong ngiti sa kanyang mga labi. 

"Wow ang gandaaa!" sabi niya with amazement.

Pinili ko to kasi ito yung best room sa hotel nila. Kahit ang mahal, gumastos pa rin ako para kay Nicole. Tuwang-tuwa naman ako habang tinitignan sya, kasi gusto niya yung room. May dalawang california king beds, may sliding door na may view ng beach, fully airconditioned yung room, may kitchen pa, complete set of tools, may entertainment room, jacuzzi at malaking bathroom na daig pa nito ang 7ele*en. 

Bigla akong napatingin sa kanya. I can see her eyes sparkle, nagagandahan talaga siya sa room namin, buti naman at gusto niya. Ramdam ko pa rin ang warmth ng kamay niya, hanggang ngayon hindi pa rin siya bumitaw, hindi ko rin nga gustong bumitaw ee, sana ganito nlng kami. Pero napansin niya yun at bumitaw,

"S-sorry." sabi niya habang yumuko. Namumula ba sha?

"O-okay lang yun. Cge, umuna ka nang magbihis. Sunod nlng ako."

Pumunta ako sa may veranda para tanawin ang scenery. Maganda naman talaga ang place eh, pero mas maganda pa rin si Nicole. HAHAHA landi.

"Umm, Nics? Punta muna ako sa room nila Angela ha?" 

"Ah-oo cge. Susunod nlng ako." sabi ni Nicole.

Kailangan ko kasi ang tulong nila para maging successful yung date namin mamaya ni Nicole. Hopefully :(

tok

tok

tok

"Umm Angela?" tanong ko sabay katok pa rin ng pinto.

Ang tagal nilang buksan yung pinto, mukhang may ginagawa na >:3

At tama talaga yung hinala ko! HAHAHAHAHAHAHAHA ang aga2 naman ng mga babaeng ito, kakarating lang namin tapos may kababalaghan na silang ginagawa. Naka bathrobe lang si Angela at ang gulo ng buhok niya. At si Jane naman tumakbo papuntang CR na nakatapis lang ng kumot.

"Ah--eh boss! S-sorry kung natagalan kami ng--" natatarantang sabi ni Angela.

Hindi ko mapigilan yung pagtawa ko, naguguluhan siya pero sumabay nlng sa pagtawa.

"Okay lang, normal lang naman talaga yan sa magkasintahan eh." sabi ko.

Namula si Angela, parang nahiya sa sinabi ko, ngumiti naman siya nun. Mukhang masaya siya kahit nakakahiyang malaman yun.

Heart Lies (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon