CHAPTER 25 - No Regrets At All

6.8K 127 5
                                    

AN: Puro POV po ito ni Khym sa chapter na ito :D

-------------------------------------------------------------------------

Khym's POV

Magkayakap pa rin kami ni Nicole ngayon sa damuhan. I'm cherishing every moment we have right now. Kahit hindi pa kami, alam naming dalawa ang nararamdaman namin sa isa't isa. Katabi na rin niya yung Danbo na ibinigay ko, favorite niya talaga yun. Parang bata lang noh? Ang cute talaga :))

Naka-unan siya sa braso ko habang magkayakap at nag-uusap tungkol sa mga past namin sa isa't isa at sa mga favorites niya ngayon. Di pa rin nagbago talaga yung mga likes niya, nadagdagan ng konti pero okay pa rin naman. Favorite pa rin niya yung purple na color, adobo, number 8 at napakarami pang iba. Naiinis pa nga siya kapag binabalik namin yung nakaraan tungkol sa "chubby" past niya. Mataba kasi siya nun ee tapos tinutukso ng classmates namin pero ako yung savior niya nun na time. Kasi kapag may nakita akong nambubully sa kanya, sinusumbong ko sa principal o sa teacher ko. May picture pa nga ako nun ee, nasa condo ko. Para syang si Ryzza Mae na maypagka BettyLaFea, teenager kasi siya nun.

...

"Kelan mo pa ba ako minahal?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya at nag-isip kung ano ang sasabihin niya, mukhang mahabang storya to ah? :3

"Nung sinagip kita sa dagat--"

"Dun ka na inlove?!" gulat na sigaw ko.

"Ang excited mo noh? Di pa nga ako nakapagtapos eh."  naiinis na sabi niya.

"Sorry na po, sorry na po :3" sabi ko.

"Nung sinagip kita sa dagat, dba nagkafriends tayo? Pero bago ka nalunod, nag-isip ako ng paraan para makilala ka. Gusto ko kasing makipagfriends sa'yo nun. Nasa kubo ka nun, kumakain ng ice cream kasama yung dad mo. Lalapit na sana ako kaso pumunta ka sa dagat at naligo. Naglaro at bumuo nlng ako ng sandcastle para hintayin kita, pero nagulat nlng ako nung bigla kang nawala sa dagat. Lumangoy ako para hanapin ka, kahit saan-saan na ako naghanap sa'yo pero wala ka pa rin nun, nang may narinig akong boses na sumisigaw ng 'Tulong! Nalulunod ako' sa makalayuan. Lumangoy ako ng lumangoy at nakita kita nasa ilalim ng dagat, nalulunod at nawawalan ng hininga. Dali-dali akong lumangoy para masagip ka at buti nakuha kita. Tinawag ko yung mga magulang mo, umiiyak na sumalubong yung mom mo, ang dad mo naman ang gumising sa'yo. Nagising ka ng isang minuto pagkatapos niyakap mo ko." pagkukwento niya. "Naalala mo ba yun?" dagdag niya.

"Oo. Akala ko mawawala na ako sa mundong ito, pero sinagip mo'ko." sabi ko. "Teka.. nasan na yung sagot na hinahanap ko? tanong ko ulit.

"Maghintay ka lang. I'll get there later." sabi niya. Ngumiti nlng ako nagpatuloy siya..

"Bumibisita ako nun sa'yo para makipaglaro ng chinese garter at patintero, kasama yung mga kaibigan ko at si Nico. Ang kulit natin noh? Minsan nga inaaya mo ako ng sleep over sa inyo nun kasi sabi mo ako lang ang matalik na kaibigan mo at ako lang ang ate mo nun kasi wala kang kapatid. Parang gusto mo na nga akong angkinin na kapatid mo talaga ako ee." sabay tawa niya. Ankyot.

"Tapos palagi mo akong niyayakap kapag matutulog na kasi takot ka sa monsters. Ang cute mo talaga nun. Then nung tumuntong na tayo ng highschool, dun na nagsimula ang lahat." dugtong niya.

"Na nag-iba yung nararamdaman mo sa akin?" pagsisigurado ko.

"Oo." sagot niya.

"Continue." sabi ko.

"I don't know what really happened Khym pero nagising nlng ako na minahal na kita. I mean sino ba naman ang hindi maiinlove sa mga ginawa mo nun? Ang clingy mo nga nun eh, para na kitang kapatid. Normal lang sa atin kapag magkahawak ang kamay natin sa hallways pero iba yung nararamdaman ko nun. Para sa'yo normal lang pero para sa akin ibang-iba. Kinikilig ako kapag kasama na kita. Ikaw ang nagiging energy ko para pumasok sa school, kung absent ka aabsent din ako para maalagaan kita. Sad ako kung wala ka sa class kasi may practice ka sa clubs mo, hindi ako gumagala kapag hindi kita kasama. Lahat ng iniisip ko, palagi nlng ikaw Khym. Sinubukan kong tanggalin ka sa isip ko pero ayaw talaga. Gusto ko sanang umiwas sa'yo nun, pero hindi ko magawa. Kasi palagi kang andyan kapag binubully ako ng mga kaklase natin at ayaw ko rin wasakin ang friendship nating dalawa. Hinayaan ko nlng ang sarili ko na mainlove sa'yo kahit ang hirap tiisin. Nag-isip ako ng paraan para isabi sa'yo pero ang hirap, akala ko nun straight ka kasi yung mga crush mo lalake. Aamin sana ako nun pero..." natigilan siya.

Heart Lies (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon