CHAPTER 7 - Hard To Get, Easy To Read

11.7K 194 3
                                    

Nicole's POV

*sigh* Trabaho na naman. 5:38AM na pala. Dalawang oras lang ang tulog ko, nakakapuyat pa rin kahit araw-araw ko to ginagawa. Pero buti nlng tumulong si Khym sa pagsign ng mga papers kaninang madaling araw.

Nakatulog ba si Khym? Tignan ko nga.

Pumasok ako sa room niya, kaso wala na siya dun. Hmm, baka naliligo?

Pagbukas ko sa CR, wala din siya dun. Saan kaya yun? Baka nasa labas o pumasok na. 

Grabe himala naman. Kasi ako ang nauunang gumising at ako pa ang gumigising sa kanya. San na kaya yun?

Lumabas ako sa room at nagpasya na pumunta sa kitchen para magluto ng pagkain, pero hindi ko inakalang...

"Hi love, good morning! Mabuti at gising ka na. Hali ka, eat na tayo. Nagluto ako ng pancakes at saka I prepared your coffee." sabi ni Khym.

Nakita ko si Khym na nakasuot ng black na long sleeves at apron. Wala syang pambaba, di tuloy ako makatingin sa kanya ng drecho kasi nga wala syang pants, underwear nya lang >///< Tapos kagagaling nya lang maligo, basa pa yung buhok niya.

And she prepared breakfast, grabe. Ganyan ba talaga siya ka seryoso sa feelings nya para sa akin? Haba ng hair! Pero di pa ito enough para sagutin ko siya, I need more!

Umupo na ako at kinuha yung fork at spoon. Hindi ko alam na magaling pala sya sa pagdedesinyo at sa pagluluto. Ang ganda tignan ng pancake, hindi ko tuloy ma kain, baka masira ang kagandahan eh. Hehe :3 Pero kailangan ko ng kumain, baka ma late pa kami.

Sumubo na ako. Grabeeeeee! Ang sarap! <3

"Masarap ba?" tanong ni Khym sabay inom ng kape niya.

"Oo, masarap." tipid kong sagot.

"Mabuti naman. Buti nagustuhan mo, di talaga ako marunong magluto eh, first time ko pa."

First Time?! Tapos ang sarap?! Grabe na talaga. Sobrang turn-on ako sa babaeng ito! <3

"Gusto mo pa ba?" tanong ulit niya.

"Wag na, busog na ako." sagot ko. Pero sa totoo lang, gusto ko pa T.T

"Eh parang gusto mo pa eh?"

"Ayoko na nga." sabi ko.

"Eh ba't nakatitig ka pa rin sa pancakes ko." sabay belat niya.

Gutom pa ako T.T

"Maligo na nga ako. Tss." sabay tayo ko, pero hinila niya ulit ako sa kinauupuan ko.

"Uy wag, eto share tayo oh. Sa'yo itong malaki at sa akin naman itong maliit." Hinati niya ang pancake, at inilagay sa akin ang malaki na piraso ng pancake.

"Oh ayan ah? Eat na. Pabusog ka, may work pa tayo." dagdag ngiti pa niya.

Yumuko ako para di niya makita na namumula o kinikilig ako. Ano ba tong nararamdaman ko? Hindi naman ako ganito noon ah, palagi kaming magkasama ni Khym pero iba ang nararamdaman ko sa kanya ngayon. Masaya ako noon na palagi ko ng makasama siya pero mas masaya pa ang nararamdaman ko ngayon. Parang may mga paru-paro na lumilipas sa tyan ko, hindi ko naiinindihan kung bakit ganito. Mahal ko ba talaga si Khym?

"Uy Nicole, kainin mo na yan, baka maubos ko pa yan." sabi niya na tumatawa.

"Hmph."

At kinain ko na yung pancake na ibinigay nya sa akin.

*************************

Pagkatapos kong magbihis, kinuha ko yung mga papeles at lumabas ng condo. Nagmamadali ako baka ma late pa ako. Umuna kasi si Khym, buti siya may sasakyan, kaso ako wala. Mabilis akong naglakad nang may nabunggo akong isang babae.

Heart Lies (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon