Wakas

806 12 7
                                    

A/N: You are at the very last chapter of Heartbeat's Whisper. Maraming salamat po sa matiyagang pagbabasa at sa mga votes! Sobrang naappreciate ko po. :)

Salamat din kina Miss_Terious02 at Dark_Ziem  Solid 'tong dalawang 'to. Haha.

Sana ay samahan niyo po muli ako sa susunod ko pang mga kwento! See you in Series 2? :-D Muli ay marami pong salamat! :)

This is Lassiter's last words.



Wakas

"Bumalik kayo rito! Huwag niyo akong tatakbuhan!"

Hindi namin pinakinggan ang sigaw ni Lolo mula sa likuran at nagpatuloy kami sa pagtakbo sa likod ng bahay dahil alam naming malalagot kami.

"Bakit kasi sinabi mo pa 'yon? He wanted us to be gentlemen!" Natatawang sabi ni Leodine kay Faller habang tumatakbo kami.

"That ugly Shin asked me and I just answered him!"

Ngumiwi ako pero humalakhak sa kalokohan namin, dinamay pa namin si Lolo.

At ito namang si Leodine, isip-bata.

Niyayabangan kasi siya ni Kenshin at nagpadala naman itong si Faller kaya naisigaw niya na kaming apat daw ay nakahalik na ng babae na sa kasamaang palad ay narinig ni Lolo.

"Tama na nga! Pare-pareho na tayong yari!" Sigaw ni Strendal.

I kept quite and ran faster. Inosente ako sa mga kalokohan nila pero hindi ko naman itinatangging meron akong kasalanan.

Kung nagtatanong kayo. Totoo ba ang sinabi ni Faller?

Secret!

Sa isang iglap, napalitan ng takot ang pagtatawanan namin. Napasigaw kami nang marinig ang paglatigo ni Lolo sa kaniyang sinturon sa hangin na kinuha pa niya sa kaniyang pantalon habang hinahabol kami!

"Ayoko po ng sinturon! Kurot nalang po, Lolo!" Mangiyakngiyak na sabi ng guilty na si Faller habang hinihingal na sa pagtakbo.

Bilang sumipa ang kaba sa dibdib ko. Anak ng tokwa. Hindi pa ako nasisinturon ni Lolo pero wala akong balak na magpapalo, ano!

Nilingon ko si Lolo habang natataranta sa pagtakbo pero sabay-sabay kaming napatigil. Nasapo niya ang kaniyang dibdib at huminto na sa paghabol sa amin.

Malakas pa siya pero nagsimula na siyang maghabol ng hininga, senyales na inaatake siya.

"Lolo!" Sigaw namin nang matumba siya.

Habang nasa loob kami ng kwarto niya at nakayuko dahil sa pagiging guilty, may biglang pumasok sa silid na mag-asawa at agad na inalala ang kalagayan ni Lolo na nagpapahinga sa kaniyang kama.

Akala siguro ng mga pinsan ko ay mga doctor 'yon, pero alam ko, hindi sila ang family doctor namin.

Tahimik kaming nakikinig sa pag-uusap nila pero alam kong hindi na iyon patungkol sa kalusugan ni Lolo. Kami lamang apat, si Lolo at ang mag-asawa ang nasa loob.

Heartbeat's Whisper (Montazon Series #1) |COMPLETED|Where stories live. Discover now