Kabanata 26

269 8 0
                                    

A/N: 5 chapters to go before the Wakas!

Thank you so much po! And enjoy reading! :-)

Kabanata 26

Changes

"Nasaan ka na? Baka hindi ka pumunta!"

Napangisi nalang ako dahil sa boses na pagdududa ni Camille.

"Bakit hindi ako pupunta? Natatandaan ko pa ang pinky swear nating tatlo noon na pupunta tayo sa kasal ng isa't isa. Pupunta ako..."

I heard her sigh. "Sabi mo 'yan, ah! Hihintayin kita!"

"Ang aga pa, Camille. Calm your nerves, kakagising ko lang."

"Hehe, sinadya ko 'yon. Mamaya magmukmok ka na naman, e. Nasaan ka ba?"

Napapikit ako habang nakahiga pa. "Nasa Acuruza..."

"Oh..." She reacted. "Wala ka pala sa Zenithal? Naku, huwag kang mal-late, sinasabi ko sa'yo! Susugurin ka riyan ni Diana!"

Natawa ako dahil sa sinabi niyang 'yon. "Babangon na nga. Pupunta ako..."

"Sige, mag iingat ka. I love you, Caeli..."

"I love you too, Cams. Bye..."

Agad kong pinatay ang telepono at nilagay 'yon sa side table. I positioned myself in fetus imbes na bumangon.

Tumitig ako sa malaking portrait ni Last sa pader ng kwarto namin sa tapat mismo ng kama.

Pinasadya ko pa ang ilaw sa paligid ng frame noon para kahit sa dilim ng kwarto ay makikita at matititigan ko siya.

Hindi pa sumisikat ang araw pero haharapin ko na naman ang araw-araw na labang 'to.

Ang hirap dumilat na ang sasalubong sa'yo ay ang blangkong espasyo ng kama sa tabi mo.

Ang hirap bumangon nang walang sasalubong na yakap sa paggising mo.

Ang hirap gumising na araw-araw kang maghahanap ng rason para bumangon.

Ang hirap makulong sa lugar na ikaw lang ang gumagalaw.

Ang maghanda ng pagkain, ngumuya, at lunukin 'yon, parang palagi nalang may harang sa lalamunan ko dahil blangko ang upuan sa harapan ko.

Minsan ayoko nang umuwi galing sa trabaho dahil gabi-gabi nalang akong umaaasa na may sasalubong sa pag-uwi ko.

We used to have the moments in every corner of this house, but now?

I am all alone, embracing the silence that used to have the laughters, staring at the every corner we used to have the moments.

Ang lumibot sa buong bahay na maraming espasyong naiwan ngunit puro bakas niya ay nakakabaliw.

Ang hirap maiwan. Pero mas mahirap palang magsimula ulit kung ang kapalit noon ay ang iwanan ang lahat ng meron ako sa nakaraan.

Ang hirap-hirap magpalit ng mga gawaing nakasanayan mo... na may kasama. Kasi kahit anong gawin ko, pilitin kong sanayin, nadudurog lamang ako. Because I still prefer to do those things with him.

Heartbeat's Whisper (Montazon Series #1) |COMPLETED|Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang