Kabanata 6

368 31 3
                                    

Kabanata 6

Let me

I didn't ask him again after what happened to us in his grandparents' place.

Bukod sa natatakot na akong makita pang muli ang kaniyang reaksyon ay sinusunod niya agad ang mga gusto ko. Maybe to please me after what he did.

Ilang araw niya rin akong sinuyo. At anong ginawa ko? E 'di sige.

I should use that as a cue to asked him again but I didn't try.

Gusto kong siya mismo ang magsabi sa'kin. I want him to spill everything between us when he's ready. Sa ganoong sitwasyon ay siguro mas magiging maayos, dahil kapag dumating ang oras na 'yon, ang tugon ko nalang ang kailangan, papayag ako.

But until now, we're still like the same. I should just enjoy this kind of situation. Siguro...

"Are you done?" Ngisi kong tanong sa kaniya nang lingunin ko siya sa driver seat.

Nag palit siya ng damit na kanina ay ang uniporme ngunit ngayon ay isang blue shirt na hapit na hapit sa kaniyang katawan.

Ang kisig naman.

"Done!"

Lumapit siya sa akin habang nakangiti. Nanliliit ang mga mata ko dahil sa malakas na sikat ng araw.

Kasalukuyan kaming nasa ilalim ng matandang puno ng Acacia, malapit lamang sa school. Nasa likuran ako nakaupo sa pick up ni Blair habang nakatanaw sa lalawigan ng Zenithal.

Umupo siya sa tabi ko at napatingin ako sa aking kandungan nang biglang niyang inihiga ang kaniyang ulo roon.

Hindi nagkasya ang katawan niya sa espasyo ng likod ng pick up kaya naman umusog ako sa dulo.

Nakatupi ang kaniyang tuhod para pagkasiyahin ang kaniyang sarili.

I caressed his hair while staring at his face. Nakapikit na ang kaniyang mata, dinarama ang ginagawa ko sa kaniyang buhok.

"Subuan mo ako ng chip, Hannel."

Tumaas ang kilay ko. "Feeling baby?"

Bigla siyang ngumisi at dumilat. Nahihinita ko ang maloko niyang tingin.

"Bakit? Anong gusto mo? Baby agad?"

Natigilan ako't nahampas ang dibdib niya kaya naman umarko ang likod niya sa pagdaing. Umalog ang balikat niya at natatawa sa akin.

"Pervert! Wala akong sinasabi!" Singhal ko. "Men and their minds. Mahaharot."

Lalo lamang lumakas ang halakhak niya at halos mapasipa na siya sa ere kakatawa.

"H'wag muna, Hannel. Ako muna ang gawin mong baby ngayon." Aniya pagkatapos tumawa.

Inirapan ko lamang siya at hinila ang bag na nasa likuran ko at kumuha ng chip at juice na binili namin kanina bago pumunta at tumambay dito.

He instantly open his mouth when my hands offered him the piece of chip.

"Hmm... Thank you!"

Heartbeat's Whisper (Montazon Series #1) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon