Kabanata 14

276 12 9
                                    

Kabanata 14

Process


Sumakit ang ulo bigla ni Last dahil siguro sa hang over. Kaya sabay na kaming kumain at ipinainom ko siya ng hot chocolate dahil gusto niya rin daw 'yon.

Mabilis kaming nag ayos ng mga damit na dadalhin dahil magsisimula na naming libutin ang Acuruza.

Sumakay kami sa sasakyan ni Strendal dahil hindi kami kasyang anim sa Audi ni Last. Nagjack en poy pa ang apat kung sino ang magd-drive at walang gustong magpatalo. Ngunit sa huli ay natalo pa rin si Strendal.

Napailing nalang ako sa kabaliwan ng mag p-pinsan samantalang tahimik lang si Altheria sa tabi ko. Kung nasaan si Clyde ay hindi ko alam kay Faller.

Naging mabilis lang ang byahe namin patungo sa Duchess Royale kung saan may magandang talon, hot spring at wave pool. Lahat na.

Maraming ibat-ibang talon ang meron ang Acuruza. Iyon ang anyong tubig na sagana rito dahil nasa isang lugar lamang ang mayroong dagat dito na makikita sa Sitio Thomas.

Bumaba na kami nang makarating na kami sa loob ng Duchess Royale. Binitbit ng mga lalake ang mga gamit at baon namin at inilagay iyon sa kubong nirentahan ni Leodine (siya raw kasi ang may trabaho na rito) at kami ni Altheria ang nag ayos ng mga 'yon.

Nagpahinga sandali ang mga lalake at naghubad ng damit si Faller dahil ligong-ligo na raw siya.

"Maghahanap ka lang ng t-targetin, e!" Natatawang ani Last.

Faller made a face. "Shut up, walang dilig."

Napamura si Last at binato ang bagong hubad na combat shoes si Faller. Nagsimula na naman silang mag ingay dahil doon nang sumunod na naghubad si Leodine ng pang itaas na damit dahilan kaya naghiyawan ang mga lalake.

Minura ni Last si Leodine habang natatawa ang dalawang natira. Nakita kong namula ang mukha ni Altheria at bumagsak ang tingin sa inaayos na pagkain namin sa lamesa.

"Another flawless seduction by Montazon # 3!" Sigaw ni Strendal na para bang nasa basketball.

Binato ni Leodine si Stren ng kaniyang hinubad na damit at ngumisi. Nakita ko ang sandaling pagsulyap ni Leo kay Altheria na hiyang-hiya sa nangyari at tumalikod na para maligo na rito kasabay si Faller.

Napailing ako at ngumisi. Leo, I'm sorry I didn't know. Mahilig ka pala sa manika!

Sumunod na umalis si Strendal at nagbuhad naman ng shirt si Last at humarap sa'kin. Ngumisi siya kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.

His face fell at ngumiwi. "Nevermind. Sunod nalang kayo pagkatapos..."

Mabilis siyang umalis kaya natawa ako. Tinulungan ko na si Altheria nang magsalita siya.

"Mukhang sanay kang makakita ng ganoon..."

Ngumisi ako. "You mean, Leodine?"

Kumalat bigla ang pula sa mukha niya at marahas na umiling. "H-hindi! Ang ibig kong sabihin, you were not that affected seeing someone half naked."

Natawa ako. "I was just used to it. Bakit? Hindi ka pa ba makakakita ng ganoon?" I curiously asked.

Nanlaki ang mata niya. "A-anong ganoon?"

Heartbeat's Whisper (Montazon Series #1) |COMPLETED|Where stories live. Discover now