Kabanata 27

267 7 0
                                    

Kabanata 27

De jávù

Bumusina ako sa malaking gate ng Mansion. Mabilis iyong binuksan ng guard na dating wala rito simula nang lumipad ang mga Montazon sa ibang bansa.

Nagsimula nang manginig ang kamay ko nang ipinarada ko na ang sasakyan sa parking lot sa likod ng kanilang bahay.

Tumingin ako sa fountain sa may circles sa tapat ng Mansion at nakita na mayroon ng tubig 'yon ngayon. Naramdaman ko bigla ang panlalamig ng kamay ko sa hindi malamang kadahilanan.

I'm scared...

Scared to know the truth, but then there is this hope hiding that maybe... maybe they brought good news.

Sa panahong nawala sila ay baka may magandang nangyari. Na baka nandiyan siya ngayon sa loob.

Lumabas ako ng sasakyan at tumayo muna roon na para bang may mangyayari kung mananatili ako sa posisyon ko. Nakita kong buhay ang lahat ng ilaw sa buong mansion.

Nagbigay lalo sa akin iyon ng pag asa. Na baka mapapalitan ng galak ang kabang nararamdaman ko ngayon.

Kinuyom ko ang kamao ko at huminga nang malalim bago humakbang papasok sa double doors.

Pagkatapos kong umakyat sa maikling hagdan ng double doors ay wala akong nakitang tao sa sala. Kaya naman inilibot ko ang paningin sa kabuuan at napapikit nang may maalala.

This is one of my home. Pero ang bigat ng hangin ng nalalanghap ko rito ngayon. Hindi ako makahinga.

Agad akong nalakad patungo sa garden. At natigilan ako sa sumalubong sa akin.

Katahimikan.

Nanghihina akong kumurap at nanuyo ang labi ko.

Lahat sila ay nakatingin sa akin na para bang kanina pa nila ako hinihintay. Tiningnan ko silang lahat na nakatayo, nandito sila pero kulang.

Lumuwang ang pagkuyom ng aking kamao. Tumingin ako isa-isa sa kanila, ang mag-isa na si Faller, sa mga kapatid ni Last.

Nakita ko na ang malaking pagbabago kay Kier, Blister, Kirsten, at Adelson sa limang taong lumipas.

Hindi ko siya  nakita...

Lumipad ang tingin ko kay Ate Lianna. Tumingin ako sa mga mata niya at umaasang may sasabihin iyon pero segundo lang ang itinagal niya sa aking mata ay agad siyang nag-iwas ng tingin.

Parang may sumuntok sa akin kaya napasinghap ako ng hangin at napunta ang paningin kay Tita Madeline.

I looked like a trashy mess. Na para bang kahit anong gawin ko, hindi ko na mahahanap ang hinahanap ko.

Mahirap hanapin ang wala na.

Hindi ko na alam kung saan ako lulugar ngayon. Kung magtatanong at maghahanap ba? O mananahimik nalang at yakapin ang sagot na ipinaparating ng katahimikang 'to?

Tumulo ang luha ni Tita Madeline at kagat labing ibinahagi ang magkabilang braso upang salubungin ako. Bumagsak ang balikat ko at nanikip ang dibdib.

"Come here, anak..."

Para akong lumulutang habang mabagal na naglalakad palapit sa kaniya. Halos hindi ko maramdaman ang panghihina ng tuhod kaya hindi ko na pinansin ang halos pagkadapa ko.

Bumagsak ako sa bisig niya. At nang maramdaman ko ang init ng yakap niya ay napalitan ng sakit ang kabang naramdaman kanina.

Ang pamamanhid na yumakap sa'kin ay biglang nawala at para akong binuhusan ng malamig na tubig. Napapikit ako at tumulo ang luha.

Heartbeat's Whisper (Montazon Series #1) |COMPLETED|Место, где живут истории. Откройте их для себя