Kabanata 18

263 10 7
                                    

WARNING: SKIP.

;)

Kabanata 18

Akala

Nagkaroon ng maliit na salo-salo sa bahay. Sa malawak na espasyo ng bahay sa harapan ginanap ang kainan. Naglatag lamang ng mga lamesa at upuan.

Naaapakan na ang ginagalang kong bermuda grass.

Imbitado rin ang iilang kapit bahay at nakita kong muli si Clyde at binati ako. Unlike to our past meeting, she congratulated me with all smile. Nag uusap sila ngayon ni Blair at nagkamustahan.

Nagpasalamat ako sa mga bumati. Halos wala kaming kamag-anak na naimbitahan bukod sa mag pipinsan at kay Diana. Kami-kami lang.

Biglaan naman kasi talaga.

Inabala ko ang sarili sa pakikipag usap sa mga kapitbahay na minsan ko na ring nakausap noon.

"Congrats, Ate!"

"Salamat."

Bumalik ako sa lamesa namin at hinanap si Last nang hindi ko siya naabutan doon.

Inilibot ko ang paningin ko at nakitang nasa malayo siyang parte kausap na si Blair.

Naupo ako at sandali silang tiningnan. Seryoso ang mukha ni Last habang nangingisi naman si Blair. Ngunit biglang inambahan ni Last ng suntok si Blair sa pabirong paraan at sabay silang natawa.

Ngunit sa isang iglap ay nagkatitigan sila at seryoso nang muli.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at tumitig sa baso ng alak. I must admit, I missed Blair. But not in the way how I used to be back then.

It's just that... I still had an issue with him. I... I just want to clarify some things that are still connected right at this moment.

This is already a different story and chapter but then, why some strings are still following me?

I'm already married but I still have an issue with the past. Gusto kong linawin at ayusin.

"Your ex?"

Nagulat ako nang tumabi sa akin si Altheria. Ngumisi siya nang makita ang gulat ko.

"Umiinom ka?" Tanong ko nang makitang may hawak siyang baso.

Ngumiwi siya bigla at nagkibit balikat. "Tikim lang..."

Kumunot ang noo ko habang natatawa. "Hindi ba't uminom ka rin noon sa bar?"

Kinagat niya ang ibabang labi at matalim akong tiningnan. "Winawala mo ang usapan, e..."

Tumawa ako at napatingin sandali sa direksyon nila. "Nope... He was never been my boyfriend."

Tumango siya. "But had the past?"

Bigla akong napangisi at tumango. "Yeah, without label. Mahirap ang mainvolve sa mutual understanding. Malabo ang lahat..." Saad ko.

"I see..."

"Do you usually drink?" I can't help but asked.

Heartbeat's Whisper (Montazon Series #1) |COMPLETED|Where stories live. Discover now