Kabanata 5

417 22 0
                                    

Kabanata 5

Girlfriend

Sobrang sama ng loob kong lumabas sa kwartong 'yon. Sa inis ko ay halos ilang beses sa iba't-ibang paraan ko pinapatay sa aking isipan si Last.

How dare him!

Napatingin ako sa dibdib ko. Bakit hindi ako nagising nang dumapo man lang ang kamay niya rito!?

Ngunit lalo lamang sumama at bumigat ang loob ko nang maalalang hindi nga ako nagising sa pagyakap niya sa'kin mula sa likuran ko at nang ibaon niya ang kaniyang mukha sa leeg ko. Komportable pa ako!

Kung hindi pa yata ako ginising ni Hazel ay baka sobra na ang ginawa ni Last!

Oh my God, I will never let him sleep again beside me! Abusadong tunay!

Halos hindi na maipinta ang mukha kong naglakad sa pasilyo ng mansion patungo sa hagdan. He took beyond the limitations! He took advantage of me!

Nang daanan ko ang direksyon kung nasaan ang kwarto ni Last ay halos maputol ang hininga ko sa gulat nang may lumabas doon at agad na nagtama ang paningin namin.

She smiled at me.

Nanlaki ang mga mata ko habang nasapo ko ang aking bibig.

"Ate Lianna?"

"Good morning, Hannel." Bati nito at lumapit sa'kin pagkatapos isara ang pinto ng kwarto. 

"How was your sleep?"

"Ate!" Agad ko siyang niyakap.

She chuckled.

Minsan lamang umuwi rito si Ate Lianna at sa hindi ko malamang dahilan ay bigla rin itong umaalis at inaabot ng taon bago makauwi.

She's a doctor and I heard she's busy about the voluntary mission in every part of the country to help.

Humiwalay ako. "How are you, Ate? It's been... what? One or two years?" I asked.

Umiling siya at kinurot ang pisngi ko. "Almost 3 years, Hannel."

Nanlaki ang mga mata ko. Ganoon talaga katagal?

"Woah,"

Wala paring pinagbago ang mukha niya. Ang mukha niya'y may malaking pagkakahawig kay Donya Estelle. Maputi at makinis ang kutis. Bilugan ang mga mata na mula pa lamang sa malayo ay buhay na buhay ang kulay.

Ang kaniyang ilong ay nadepina dahil bakas ang tangos noon. Thin pinkish lips. Her chin and jawline were emphasized everytime she smile

"How was your sleep?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Napakurap ako ngunit nang maalala ang nangyari kanina ay bigla akong napairap sa ere.

"Oh well... it's fine." Matabang kong sabi.

"So how was it?"

Bumalik ako tingin ko kay Ate Lianna at nalaglag ang panga nang makitang nakangisi siya ng malaki.

"W-what?"

Heartbeat's Whisper (Montazon Series #1) |COMPLETED|Where stories live. Discover now