Kabanata 7

385 17 0
                                    

Kabanata 7

Law

"Ayoko pang umuwi."

Hindi niya ako inimikan. Nanatili ang paningin ko sa dashboard, doon ko itinuon ang pansin ko na para bang may kamangha-mangha roon kahit na wala naman.

"Where do you want to go?" Pagbabasag niya sa katahimikan.

Huminga ako nang malalim at lalo hinigpitan ang pagkakabalot ng towel sa aking katawan. Nagsisimula ng matuyo ang buhok ko ganoon din ang aking basang katawan.

"Hindi ba sabi mo, ilalayo mo ako? Saan mo ba ako gustong dalhin?"

Napalingon ako sa kaniya nang hindi siya nakasagot. Nadatnan ko siyang nakatingin na sa'kin habang mariin niyang itinikom ang kaniya labi. Tila ba may gustong sabihin ngunit pinigilan. Masama siyang nakatingin sa'kin.

Nag iwas ako ng tingin.

"Kahit saan, basta ayoko munang umuwi..."

Saglit siyang sumilip sa akin at bumuntong hininga. "Alright, then..."

Katahimikan muli ang namayani sa amin. Wala akong ibang maramdaman kung hindi pagod. Pagod magsalita, magpaliwanag, pati mag isip at makaramdam ay pagod ako.

Hindi rin naman niya ako sinubukan pang kausapin pa mula nang umiyak ako kanina. Mukhang alam niyang ayoko pa munang pag usapan ang nangyari kanina.

Hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin. Wala akong ideya kung bakit at ano ang nangyari kanina. Napakabilis at parang kurap lang ay ganito na. Nagmumukha akong tanga sa sarili kong kalagayan.

I am so naive. So fool.

Ipinikit ko ang mga mata ko at ipinahinga ang ulo sa headrest. Narinig kong bigla siyang nagsalita ngunit hindi ako ang kausap. Mukhang may kausap siya sa kaniyang earpiece na nakakonekta sa kaniyang telepono.

"Yes po... Sure. Hindi ko alam kung kailan kami makakauwi, Tita..." Bigla ay napatikhim siya. "Sige po... Bye."

Muli siyang natahimik ngunit hindi rin nagtagal ay ako na ang kinausap.

"I called your Mom. And I was right, they were starting to freak out because you still weren't home."

Napamulat ako. Bigla ay nakaramdam ako ng konsensya. Dapat ako mismo ang nagpaalam na kasama ko si Last ngayon, dapat ay nagpaalam ako ng maayos para hindi na sila nag alala pa.

"But don't worry," aniya. Tila ba nabasa ang nasa isip ko. "I told them I'll take you to my place like what they've asked me to."

Tumango ako at hindi na nagsalita pa. Naging matagal ang byahe namin at hindi ko na alam kung nasaang lugar na kami. Labas na ito ng Zenithal. Wala akong ideya kung nasaan kami ngunit hindi na ako nagtanong pa.

Napadilat akong muli sa matagal na oras nang maramdaman kong tumigil ang sasakyan niya. Nakita ko mula sa labas ng bintana ang isang malaking bahay, ngunit hindi tulad nang mansion nila ay sakto lamang ang laki nito.

Hanggang dalawang palapag ang taas nito at kulay puti ang kulay ng bahay. A white house with a small window at the triangle as the small tower of house. The place is surrounded different kind of plants and flowers.

Heartbeat's Whisper (Montazon Series #1) |COMPLETED|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon