Kabanata 15

274 11 4
                                    

Kabanata 15

Control

Inubos ko ang oras na pagtingin ng pagkislap ng tubig dahil sa pagtama ng sikat ng araw hanggang unti-unting kinain ng dilim ang kalangitan.

Nag aya nang umuwi si Altheria sa paraang para akong mababasag na paso kapag hindi siya nag ingat sa sasabihin.

Nginitian ko siya nang hindi maalis sa mga mata niya ang pagtataka at pag aalala. Hindi ko alam pero natuwa ako nang maintindihan niya sa mga mata ko na ayaw kong malaman pa ng iba ang tungkol sa mensaheng inipit ng lalake kanina.

This is a puzzle I need to arrange. This is my own game. I should be the one who solve this.

Pumasok ako sa sasakyan ni Strendal nang tahimik. Nanlamig ang sikmura ko. Wala akong ibang maramdaman kung hindi iyon lamang.

Naging mas mabilis ang byahe 'di tulad kanina, dahil naging tahimik ang mga tao na nasa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung dahil ba sa akin o dahil may kani-kaniya rin silang iniisip tulad ko.

Ngumiti ako ng hilaw nang alukin ako ni Faller, na nasa aking tabi, ng junk food at umiling. He looked into my eyes. I was caught off guard. Those deep and hawk-like eyes were become intimidating as he stared.

Nag iwas ako ng tingin at mas pinansin ang mga nadadaanang puno at mga kabahayan. Narinig ko ang buntong hininga niya at nagkibit balikat na kumain ng junk food.

Pumikit ako at huminga nang malalim. Alam kong gusto nilang magtanong ngunit siguro ay naramdaman nila ang pader na bigla kung itinayo pagkatapos ng nangyari.

I suddenly felt like I was hidden in the dark all my life. Na ngayong may nakikita akong kakaibang liwanag, parang bigla kong naramdaman ang akala kong liwanag na ipinapakita nila ay siya palang dilim.

Nakarating kami sa bahay ni Last at nagpaiwan lamang ako sa loob ng sasakyan. Hinayaan kong nakabukas ang bintana para makalanghap ng sariwang hangin mula sa mga sumasayaw na puno.

Nakabukas ang dilaw na ilaw sa loob ng sasakyan kaya naman hindi madilim.

Gumaan ng bahagya ang pakiramdam ko nang maramdaman ang malamyos na paghampas ng hangin at ang tunog ng pagpagaspas ng mga dahon at sanga.

Ngunit halos mapatalon ako sa gulat nang bumukas ang pinto sa kabilang bahagi ng sasakyan at nakita ko ang nag aalala ngunit galit na mukha ni Last.

Agad siyang pumasok at sinunggaban agad ako ng yakap. Bumulong siya ng mura sa aking uluhan habang hinahaplos 'yon. Humiwalay siya at tiningnan ang mga mata ko.

Nanatili pa rin ang isang kamay sa likod ng aking ulo habang ang isa naman ay hinahaplos ang aking pisngi.

"What did they do to you? Tell me..."

Biglang kurot ang naramdaman ko sa aking dibdib na kumalat sa aking sikmura. Bigla ay parang ang hirap lumunok.

Why do home feel so great that I suddenly want to cry?

"I'm fine..." I whispered.

His eyes went darker. Nagtiim bagang siya. Tila ba hindi nagustuhan ang sinagot ko. Truth is... I was really fine though, physically.

Heartbeat's Whisper (Montazon Series #1) |COMPLETED|Onde histórias criam vida. Descubra agora