Chapter 20 - Files Stealer

412 9 0
                                    

Ken's POV

Nang sumapit ang gabi ay napagkasunduan naming ELDERS na kunin ang lahat nang files nang mga students sa school First year up to Fourth year. Dahil nasa computer age tayo ngayon kaya ang lahat ng files nang mga students ay nakasave sa computer all I have to do  is copy it all and Check it in the house later.

Nandito na kami sa loob nang Registrar's office at kasalukuyang kinopy ang lahat nang files 80% pa ang progress. Kasama ko ngayon si Sky ang aking bestfriend/ buddy look out namin sa labas nang door si Kylle at Jailer. Nasa car naman si Shane nagpaiwan kasi siya doon.

"Dude matagal pa ba yan??? Mukhang may guard na nagiinspect kung may tao pa ba." kinakabahang sabi ni Jailer.

"Hintay lang malapit na to matapos." iritableng sabi ni Sky.

92% pa ang progress.

"Dude... Magtatago na ako palapit na ang guard 5 meters away nalang may flashlight ang movement ay left to right per second. Kayo nang bahala. Hintayin nalang namin kayo sa car. CIAO"  nagmamadaling sabi ni Kylle.

May naaninag na akong ilaw nang flashlight. Unti-unting umusbong ang kaba sa aking dib-dib palakas nang palakas. May naririnig na akong tick tock nang sapatos.

"Ayan 100% na...sa wakas completed na." mahinang sabi ni Sky.

Agad kong kinuha ang flashdrive without ejecting it at dumapa kami.

"Teka, Ba't di to nakalock? " kausap ni Guard sa sarili.

Nagkatinginan kami ni Sky. Patay di ko na off ang monitor kaya. Agad kong pinindot ang power off sa CPU nang computer.

Narinig namin ang pagbukas nang door. At ang mga yabag na papasok sa office.

Nagkatinginan kami ni Sky at sabay kaming gumapang papunta sa kabila. Nasa right side  si Guard kami naman ay maingat na gumapang sa left side papuntang door.

Konti nalang 1 meter nalang at door na.

"Sino yan? May tao ba dito?" sabi ni Guard in a loud voice.

Di namin pinansin si Guard. Dahil malamang ang nasa dulo pa ito. Dun sa may computer na kinopyhan namin. Nang makalabas kami nang door ay umupo kami at huminga nang malalim.

Nagkatinginan ulit kami at napagkasunduang bumalik na sa car.

Pagdating namin sa Car ay  agad na nagmaneho si Shane. Hinatid niya kami sa aming bahay.

"Bye Dudes... Thanks for helping me."

"No Prob." They said in unison.

Pagpasok ko sa bahay ay bumungad agad sa akin ang mapanuring mata nang aking nakababatang kapatid at nakangiti kong ina.

"San ka galing Kuya?" nakataas ang kilay nang aking kapatid.

"San pa ba... Eh di sa girlfriend nang kuya mo. Alam mo kasi Herietta nagaway kasi sila nang kuya mo kaya sinusuyo niya ito. Ang sweet hindi ba?" nakangiting sabi ni Mommy.

"Hmmp.! Hoy Kuya!!Sino ang nagsabing pwede kang maggirlfriend?" hahay. Eto nanaman ang kapatid ko na over sa pagiging strikto dinaig pa ang kaistriktuhan ni Daddy.

Lumuhod ako para maging kapantay ko ang aking 8 years old na kapatid. Pinat ko ang kanyang ulo.

"Huwag kang magalala.. Kaflings ko lang sila at kung may magiging girlfriend man ako sasabihin ko agad sa iyo. Ipakikilala ko agad sa iyo. Sige na. Go back to your room and Sleep now. Masyado nang malalim ang gabi." Tumango-tango ang aking kapatid. Without saying a word ay umakyat ito sa kanyang room.

"Goodnight Mom." umakyat na din ako sa hagdan papunta sa aking kwarto. Syempre hindi pa ako matutulog.

"Goodnight Baby!!" sigaw ni Mommy mula sa baba.

Pagkapasok ko sa room ay agad kong binuksan ang aking laptop. Ininsert ko yung flashdrive sa laptop at inopen yung nacopy nafiles.

"UGH!!!Ang dami palang students.San ako magsisimula?" Napahiga nalang ako sa aking kama.

Kahit pala successful ako sa pagkuha nang files. Hindi din naman pala agad-agad kong makikita ang babaeng matagal kong hinahanap. Pero di bale nalang atleast ngayon may source na ako.

Then an idea pop into my awesome mind. Magsisimula ako sa aking mga kaklase.

Finding the mystery girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon