Chapter 45 - Elixir Bar Part 1

268 6 0
                                    

Jane's POV

Pagdating namin sa parking lot nang bar ay agad kong ipinark ang aking ferrari katabi ang isang black kawasaki ninja na motor. Pinatay ko na ang makina at binigay naman ni Bes sa akin ang clutch bag ko. Binuksan ko ang aking clutch bag.

"Bes!!! Nasaan ang phone ko? Ba't wala dito?" Pasigaw kong sabi. Tinitigan lang ako ni Bes nang dalawang segundo at bumalik na siya sa pagaapply nang lipstick. Nang matapos na siya ay bigla siyang nagsalita.

"Ahhhh...Naiwan siguro... Anyway di mo naman yun gagamitin diba. Patas lang tayo naiwan ko din ang phone ko so wala talagang makakadisturb sa atin. Halika na." at nauna na siyang lumabas naiwan nalang ako sa loob na nakaawang ang bibig.

I can't believe this. Nakalimutan kong replyan si Honey. Charrr... Nakikihoney na din ako. hahaha.. Eh bakit ba? Honey ko naman talaga siya mahal niya ako. 'At unti-unti ka na ring nahuhulog sa kanya' sabi nang isip ko. Napailing nalang ako nang ilang beses ano ba tong iniisip ko. Mas mabuti pa pumasok na akosa loob nang Elixir Bar. Sayang lang ang pinaghandaan ko kung hindi ako tutuloy sa loob.

Lumabas na ako at nilock ang sasakyan. Nasa may pinto palang ako nang bar ay rinig na rinig na ang nakakabinging tunog nang musika. Sobrang lakas talaga.

Pinapasok agad ako nung guard. Hinanap ko kaagad si Bes. Nakita ko siya sa isang sulok. Nakaupo magisa sa pang-grupo na upuan. Si Bes talaga. Ba't di nalang siya umupo doon sa Bar counter? Tsk.

Ken's POV

Kanina pa kami shot ng shot dito. May babaeng nakaupo sa aking kandungan. Well she's sexy and beautiful but I don't like sluts at isa pa may babae nang nagmamayari ng puso ko ngayon. I have a high alcohol tolerance kaya di na nakakapagtataka kung hanggang ngayon ay hindi parin ako tinatamaan nang kalasingan.

Lahat kami ay di patinatamaan nang kalasingan.

"Dudes ang boring naman pagshot lang tayo nang shot dito." reklamo ni Kylle. Nakahawak ang isang kamay niya sa shot glass at ang isa ay nakaakbay sa flavor of the night niya.

"Hahaha. Then let's make this interesting. Maglalaro tayo nang truth or dare." suhestyon naman ni Sky.

"Kahit kailan talaga puro laos yang mga suggestions mo." sabi ko sakanya yung tipong nangaasar.

"Bestfriend naman!!" sabi niya habang nakapout at parang kahit ano mang oras ay iiyak na.

"Tigilan mo na nga yan Sky ang laswa tignan. Nakakasuka. Let's have a game instead of truth or dare. Why don't we make it truth and dare para naman may twist. In that way the game will be interesting." sabi ni Shane habang nakasmirk. Kahit kailan mautak talaga ang isang to.

"Game on!!!" sigaw namin lahat ang lakas kasi nang music.

"Let's play truth and dare. Syempre may spin the bottle na magaganap kung kanino tumapat yung bottle may itatanong kami sa kanya at syempre mayroon ding dare. Kapag natapos na siya ay siya nanaman ang magspin ng bottle para sa next na mag truth and dare. Sa bawat truth and dare kailangan mo uminom nang 2 shot glass at kasali na din ang girl. Simple right." nagtinginan kaming lahat at sabay-sabay kaming napangiti. As expected matirang matibay ang game na ito.

Tumingin ako sa babae na kasama ko ngayon at bumulong sa kanya.

"Be ready. This is not an ordinary game" Ngumiti lang siya sa akin na parang kinakabahan.

"Let's start the game" sabi ni Shane.

Nagspin na nang bottle si Shane.

'Dude....pormahan natin yung dalawang babaeng nandoon nakaupo ang ganda nilang dalawa dude idagdag mo pa na ang sexy sexy nila dinaig pa ang isang dyosa. Alam mo dude yung outfit nila. Grabe nakakalula nang mata at yung aura nila grabe parang isinisigaw nila na WERE DANGEROUS' rinig kong usapan nang kabilang table.

'Grabe ka dude. Ako ang natatakot sa iniisip mo' sagot naman nang kasama siguro niya.

Hindi na ako nagpatuloy sa pakikinig dahil eavesdropping is rude. Nagfocus nalang ako sa game pero nacucurious talaga ako kung sino ang pinaguusapan nila. Bahala na nga makikita ko din yan mamaya.

Unti unti nang humihina ang spin nang bottle at unang tumapat ito kay Kylle.

"Here's the question. May nagustuhan ka na ba?" tanong ni Shane since siya ang facilitator nang game himala nga at hindi gumana ang pagiging  KJ.

Ngumiti si Kylle. "Actually...Meron pero malalaman niyo din kung sino siya sa tamang panahon. Hindi pa kasi ako nakakaporma" sabi niya.

Napa-woahh nalang kami. Hindi namin yun iniexpect.

"What's the dare?" tanong ni Kylle napangisi si Shane.

"What's the dare dudes?" balik tanong niya sa amin.

Napangisi nalang kami.

"Wait!!! Ano to??" naguguluhang tanong ni Kylle.

"Ibig sabihin hindi lang isa ang magbibigay nang dare kung di kaming lahat." Sabay sabay kaming ngumiti kay Kylle.

"Uh-oh. This is not good." sabi ni Kylle at unti-unting namuo ang maliliit na butil nang pawis sa kanyang mukha kahit ang lamig-lamig dito dahil nakafully airconditioned.

Finding the mystery girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon