Chapter 61-Escape

254 5 0
                                    

Jane's POV

Naglakad nalang ako ng ilang metro nalang ang layo ko mula sa kanilang base. Dahan-dahan ako sa paglalakad dahil baka may makapansin.

Napapalibutan sila ng malaking pader kaya mahirap tanawin kung ano ang pinagkakaabalahan nila kung sa baba ka dumaan. Dumaan ako sa medyo elevated na lupa. Almost kaheight na nito ang mga pine trees na pumapalibot sa buong base. Kinuha ko ang aking telescope at tinignan ang kabuuan ng base. May isang guard sa guard house, sampung guard ang palakad lakad lang sa buong ground at dalawa naman ang nakabantay sa pinto. May nga dala silang M-16 rifle.

Kailangan ko silang idistract para mas mapapadali ang pagpasok ko sa base na walang mapapatay. Kinuha ko ang dalawang atomic time bomb. Umakyat ako sa pinakatuktok ng pine tree. Ng makarating na ako sa tuktok ay kinuha ko muli ang aking telescope at tinignan kung san banda ang wala masyadong bantay.

Im lucky at the same time malas. Lucky ako kasi malawak ang base nila at mageexert sila ng maraming effort para tumakbo para makarating sa pinakaisolated at walang bantay na parte ng base. Malas dahil, kakailanganin kong magexert ng force para maitapon ng malakas ang dalawang time bomb na hawak ko ngayon.

Ilalagay ko sana ulit sa bag ko ang telescope ng may mahagip ako na naka Y na sanga and thats when a brilliant idea hit me. Dali-dali kong ipinasok ang telescope at sinarado ang bag.

Pumunta ako kung nasaan yung sanga. Pinutol ko ito at ipinalo sa kahoy para malaman kung matibay ba ito.

Good thing at matibay iyon. Kumuha ako ng rubber sa aking bag at gumawa ng pintik (yun yung ginagamit sa angry birds para maitapon sila).

Nang matapos ako at masiguradong matibay nga ito. Ay kinuha ko na ang bomb at ipinwesto doon. Sinight ko ang far right corner ng fence kung saan wala masyadong tao.

I know its impossible na makaabot ito doon but Ive got to trust my energy in this shot. Nakaset na ang bomb in 10 seconds the moment na maglalanding ito ay magstart agad ang countdown.

Pumwesto ako ng maayos at tinantya kung saan ko ito patatamain and when i release it. Di paman ito nakakalanding ay kinuha ko nanaman ang isa pang bomb at inihagis sa far left corner ng fence nila.

Sakto lang ang aking pagtira nun. Bumaba na ako sa tree at tumakbo patungo sa fence nila.

Kinuha ko ang aking cable wire na pwedeng magpenetrate sa cement fence. Priness ko ang button at lumabas doon yung parang anchor ng barko na sobrang tulis at talim. Na penetrate niya na ang cement fence at agad itong naglock. Mahirap na itong bunutin.

Isinuot ko na ang aking mask. Ang mask ng top 1 assassin worldwide. The mask of Bloody Killer.

3 2 1 at may malakas na pagsabog akong narinig medyo yumanig din ang lupa dahil sa lakas ng impact nito. Hudyat na kailangan ko nang kumilos paakyat sa fence. In just 5 seconds ay nakaakyat na ako. Clinick ko ang button para bumalik sa pagkakatupi ang cable wire. Tanaw na tanaw ko na lahat nang guards na nasa grounds ay patungo doon kung saan nangyari ang pagsabog at dahil dalawa yun ay nagsplit sila. Ang tanging guard na nanatili ay yung nasa may guard house at ang dalawang guard na nakatayo parin sa entrance. Kinuha ko ang shuriken at hinagis ito sa guard na nasa may guard house at tila may kinakausap sa radio nito. Tinamaan ko siya sa ulo.

Tumalon ako pababa at hinagis ulit ang dalawang shuriken papunta sa dalawang guard na nakatayo. Tinamaan ko kaagad sila sa ulo kaya naman tumba kaagad sila dahil sa lakas ng paghagis ko ay talagang bumaon ito ng malalim sa ulo nila.

Tinakbo ko ang pinto at pumasok doon.

Napakaingay sa loob dahil may siren. Parang hudyat ito na may intruder na nakapasok.

Finding the mystery girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon