Chapter 11 - Start of new journey

837 13 0
                                    

"Deal? What deal?" Napakunot ang aking noo.

"Before the Deal. I'll introduce myself first. I'm Adrianna Shaleize Marietta  Lee. I'm 18 years of age. The former mysterious dancer. I'm in college right now. I'm taking up a fashion designer course. Don't worry only the two of us know about the mysterious performer thingy. The other mysterious performer before won't  know who is that performer only me and you. Minamatyagan na kita since the school year started. I know you have the potential and it can be improve as time goes by. Your an attention catcher. i know you want to keep a low profile....." hindi ko na siya pinatapos. Agad na akong nagsalita hindi pwedeng malaman niya na isa akong assassin. Walang sino man ang dapat makaalam. Ang makakaalam nun ay kailangan patayin.

"Low profile?" tanong ko habang nakakunot ang noo. Nagkunwari akong walang alam sa mga pinagsasabi niya. Unti-unti akong kinakabahan sa tinatakbo ng aming usapan.

"Yeah...Low profile. Because I think you don't want to draw that much attention. You're beautiful and yet you are hiding it. Gusto ko lang ilabas mo yung talent mo. That's all." paliwanag niya na parang nangungumbinsi sa akin.

"Besides you have so many benefits like having an allowance of P10,000, you can also have a free shopping all items in Mall of Era which is owned by our very own school director. Of course our school director won't be able to know anything and of course I will guide you so you don't have to worry anymore." sabi niya. Kung ganito lang din naman ang ugali niya mas mabuti pang Business  Ad. nalang ang kinuha niyang course ang galing niya kasing magsales talk eh. Pero sabagay ang ganda naman nung mga benefits. Pagnagkataon marami akong maililikom na pera. Sige na nga di naman siguro masyadong kahirapan ang gagawin nun. Mapagaaralan naman siguro yun.

"Sige...Deal."

"Yehey!!!!! Thank you naman at hindi mo na ako pinahirapan sa pangungumbinsi. Ang saya ko talaga. Di talaga ako nagkamali sa pagpili sayo. Ang bait mo. So.... Sisimulan na natin ngayon ang iyong new journey But first here keep this mp3 with you. All of the music that you will perform in the future is in there already.Familiarize all the music and feel it with all your heart and soul. 1st step is  Learn how to smile. Bumalik ka nalang dito tomorrow  lunch break for the next step we have to hurry kasi malapit na ang foundations and that will be your first performance. Siya  bumalik ka na dun sa klase mo. Bye..." matapos kong tanggapin ang mp3 w/ earphones and charger ay naglakad na palayo si ate ianna. Hay...babalik na ako sa school namin. For sure pagagalitan naman ako nito.

Naglakad-lakad ako nang makarating ako sa tapat nang aming classroom ay tiningnan ko muna kung anong oras na.

Nagulat nalang ako sa oras. It's already 3:00 in the afternoon. Which means absent na ako sa aking first three subjects in the afternoon. Kainis naman Math, Araling Panlipunan, at Physics panaman iyon. Nagkabadshot na agad ako sa aking mga guro. Nakinig lang ako sa labas kung ano ang ginagawa nang mga kaklase ko sa loob. Nang magpaalam na ang aking mga kaklase ay dali-dali akong nagtago doon sa may pillar sa harap nang aming classroom. Sinusulyapan ko ang aming guro kung nakalayo na ba ito nang tuluyan. Hayyyyy......Ano ba naman ito dapat ay nakaupo lang ako sa loob at nakikinig ba't nangyayari ito? Ganun na ba kadami ang aking mga kasalanan para pahirapan ako nang ganito. Umalis na ako sa pillar at pumasok na  sa loob nang aming classroom. Pumunta na ako sa inupuan ko kanina. I put my earphones and choose a music that I will familiarize. Umub-ob ako sa desk ko. Makalipas ang ilang minuto ay laking gulat ko nalang nang para akong binalibag at kasama yung desk ko. Bago paman ako makaiwas ay natumba na ako sa sahig at ayun sapul yung maganda kong mukha kahalikan ko na ang sahig na yun. Hindi ko parin tinanggal yung earphones ko. pero ramdam na ramdam ko ang malakas na tawanan sa buong paligid. Biglang naginit ang aking dugo and before I knew it nasuntok ko nang pagkalakas  sa panga yung lalaki dahilan para mahimatay siya. Ooops.! Naku naman hindi ko na naman nakontrol yung temper ko.

Finding the mystery girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon