Chapter 46 - Elixir Bar Part 2

243 8 0
                                    

Kylle's POV

Andito ako ngayon nakaupo sa couch at kasalukuyang nasa hot seat. Nakakakaba talaga dahil ibang klase magbigay nang dare ang barkadang to at kasali na ako doon.

"For the first dare...Pumunta ka sa ladies comfort room..." panimula ni Sky at dahil sa pambibitin niya mas lalo tuloy akong kinabahan.

Napalunok ako nang isang beses.

"at gamitin ang makeup kit nang unang babaeng makita mo at iapply mo ito sa iyong mukha tapos ipapakita mo ito sa amin." sabi ni Sky.

"At pag di ko ito nagawa?"

"Simple lang uubusin mo ang isang bottle ng Martini straight."paghahamon niya sa akin. Paniguradong dehado talaga ako pag di ko ito ginawa.

"Game on"

Jane's POV

Kanina pa ako nagmamasid kung ano ang nangyayari sa bar. Napako ang aking tingin sa isang grupo sa may di kalayuan. Pamilyar kasi ang kanilang pigura marami sila, may mga babae at lalaki. Parang sila Ken ang grupong iyan pero impossible naman yun dahil sobrang busy ng council ngayon at mukhang wala na silang oras sa mga bagay na kagaya nito. Mukhang tinatamaan na ako nang alak at kung ano ano nalang ang aking nakikita.

Bigla akong siniko ni Bes. Napataas ang isa kong kilay nang mapatingin ako sa kanya bigla siyang ngumuso kaya humarap ako sa likod ko at nakita ang dalawang lalaki sa kabilang table na mukhang kami talaga ang main subject nila kasi nakatingin din sila sa aming gawi. Sanay na kami sa ganyang eksena kasi bar ito at lalo nang hindi maiiwasan ang gulo. Mukhang masama ito dahil pagnabastos si Bes paniguradong di na sila sisikatan nang araw bukas.

"Ahhh...Bes...CR... Muna ako." pasigaw kong sabi habang nakatapat ang bibig ko sa kanyang tenga. Dahil sa lakas nang music at hiyawan ng mga tao na nagsasayaw malabong marinig niya ang sasabihin ko kung ibubulong ko ito.

Tinanguhan niya lang ako. Kaya nagpunta na ako sa C.R bitbit ang aking pouch. Nang nasa may entrance na ako may nakasalubong akong dalawang babaeng nagtatawanan. Mukhang malakas na ang tama nung mga yon mukha na kasing baliw kung kumilos, tawa ng tawa wala namang nakakatawa.

Di ko nalang pinansin ang dalawang yon. Bahala nga sila di ko naman sila problema.

Pumasok ako sa comfort room. Pero napatigil din nang makita kung sino ang nasa harap nang salamin.

Tumikhim ako para mapansin.

"ahem."

Lumingon sa akin ang lalaking nasa harap nang salamin na busy sa pagmakeup. Ano nanaman kaya ang pumasok sa kokote nang isang ito.

"Long time no see"  sabi ko at pumunta sa harap nang salamin para magretouch.

Biglang naging estatwa si Kyle. Kaya lumingon ako sa kanya at ngumiti. Ngiting parang may pinaplano. He blink twice at umiling at napangiti din.

"Yeah... Ang tagal nga nating si nagkita. hahaha... tsaka ang sexy mo pala pag ganyan ang suot mo." sabi niya at nagwink sa akin.

"Tsk... umayos ka Kyle kung di mawawalan ka talaga nang kayamanan."

"Amazona ka talaga kahit kailan." natatawang sabi niya.

"Siyanga pala...Sinong kasama mo? Tsaka ba't nagmemakeup ka dito? Di mo ba alam kung saan ang Men's CR?" mas mabuti na yung nagtatanong kaysa manghusga. Di pa naman natin alam ang totoo.

"Ahahaha...Hindi kasama ko yung barkada tsaka may dare kasi kami. Magmakeup daw ako sa ladies comfort room tapos ipapakita ko ito sa kanila." Tama ba ang narinig ko? Kasama niya ang buong barkada? Kung ganon nandito si Ken? At hindi man lang nagsabi sa akin sabagay GIRLFRIEND lang pala ako. Hindi naman ako ang tinitibok nang kanyang puso. Wala namang kakayang magmahal ang mga Cassanova.

"Ahhh..Talaga?"

"Oo naman!! Tara samahan na kita sa table namin." pagaalok ni Kyle.

"Ahhh ... Huwag na Kyle may kasama kasi ako. Sige mauna ka na lang."

"Sure ka hah??" paninigurado niya. Puno parin nang makeup ang kanyang mukha kaya medyo natatawa talaga akong tignan siya.

"Oo naman." and with that ay umalos na siya. Sinundan ko siya nang tingin kung saan ang kanilang table. Nang makarating siya sa kanilang table parang pinana ang puso ko. Nandun ang buong barkada at lahat sila ay may katabing babae at nagtatawanan.

Bumalik na ako sa loob ng c.r at tinitigan ang sariling repleksyon sa salamin.

Everything about us is a game. Tsk. Ang tanga-tanga ko naman. Kailan pa ako nagtiwala sa isang tao. Mukhang nakakalimutan ko na ang principle ni Bloody Killer "Don't trust anyone." How can I give my trust just like that?

Everything is just a game. How can I forget that life is just a game. Mukhang dehado na ako sa labang ito. If they are the game maker then I'll be the Game Master.

Finding the mystery girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon