*Bang!*

Napamulat ako ng aking mata at dahil sa kalabog ng pinto na akong narinig. Nakita ko si boss na nakatayo sa aking harapan habang sinusuot ang kaniyang coat.

"Ms. Ramirez, please stand up; you'll accompany me," utos na naman nito.

Takha ko siyang tinignan.

"Where po boss?" I asked.

Ang alam ko kasi ay wala itong schedule na meeting ngayong araw. At minsan lang ako isama nito sa mga lakad niya para ngang hindi ako secretary dahil lagi lang akong nandito sa company.

"To my house," simpleng sagot nitl.

Mabilis akong napatakip sa aking katawan dahil sa sagot nito. Tinignan ko ito na may nagmamakaawang mukha, ayaw ko!

"Boss! Bata pa po ako!" kinakabahan at parang tanga kong sambit. Pumikit pa ako at lumayo rito.

"Tss, idiot," walang emosyong saad nito kaya napa-ngiwi ako, "Grabe ka naman Boss Sungit, hindi po ako idiot!"

"What did you call me?" Hala! Kaagad akong napalunok at mabilis na tumahimik, hindi ako makaisip ng ipapalusot ko.

"A-ah eh wala po boss, sabi ko po BOSS POGI hehehe." Kakamot-kamot sa ulong paliwanag ko. Sana lang ay maniwala ito dahil kung hindi paktay na!

"Tsk," hindi na ako pinansin nito at bigla nalang dumiretso papunta sa elevator kaya naman mabilis akong napatakbo pasunod sa kan'ya.

"G-grabe ka naman b-boss ang bilis mo m-mag-lakad para ka naman pong may h-hinahabol," habol hiningang sambit ko sabay hawak sa aking dibdib.

Inismiran lang naman ako nito kaya napasimangot ako.

Ang sungit talaga nito kahit na kailan. Nakita kong pinindot nito ang ground floor papunta sa parking lot kaya naman hindi na ako nagsalita pa.

Pagkaratung namin sa parking area ay panay lang ang sunod ko sa kan'ya. Ano pa ang gagawin ko? Malamang susunod lang s'ya ang boss at secretary lang ako!

Pagkasakay namin sa magarang kotse ay mabilis na niya itong pinaandar, pareho kaming tahimik sa loob ng sasakyan. Ang kapal naman ng mukha ko kung mag-feeling close ako 'di ba?

Hindi ko alam kung anong daan ang dinadaanan namin ngayon kaya kung papatayin n'ya ako, wala na akong magagawa.

Halos 25 minutes ang itinagal ng byahe bago kami tukuyang tumigil sa isang malaking bahay. Para akong taga-bundok dito na ngayon lang nakakita ng bahay.

Modern style ang bahay na ito at masyadong malaki para kay boss. Siguro ay nandito rin ang pamilya n'ya.

"Lets go," saad nito at nauna ng maglakad. Wala na akong nagawa kundi ang sumunod nalang ULIT sa kaniya.

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makapasok kami at makarating sa tila living room ng bahay na 'to.

"DADDY!!"

Muntikan na akong atakihin sa puso dahil sa isang matinis na sigaw na nagmula sa aking likuran, lilingun na sana ako ng biglang may sumuot na kung ano sa pagitan ng mga hita ko at 'agad na tumakbo papunta sa aking boss

Isang CHANAK!

Chanak! Sobrang liit nito at ang tinis pa ng boses. Pero kung titignan ang gwapo naman nito para maging chanak.

"Daddy bakit ngayon ka lang po?" tanong ng chanak na kay Boss Sungit.

Teka, ano raw?

L O A D I N G 10%

L O A D I N G 25%

L O A D I N G 47%

L O A D I N G 82%

L O A D I N G 99%

FAILED!

Ano nga ulit 'yun? P'wedeng pakiulit? Tinawag ng chanak na 'to si Boss Sungit na 'daddy'

OMG!

May anak na ang boss ko! At ang kapal ng mukha ko para magka-crush sa lalaking may pamilya na. T_T

Lord, sorry po! Patawarin n'yo po ako!

"I'm sorry baby, katatapos lang kasi ng trabaho ko ngayon."

OMG ulit, bakit ang sweet ng boses ni Boss Sungit?! May himala!

"What are staring at?" Mabilis akong napaiwas ng tingin ng bigla nalang akong tignan ng anak ni Boss Sungit.

What are you staring at daw? Nako! Manang-mana sa tatay parehong masungit, hmp!

"W-wala po boss," sagot ko nalang. Nakahihiya, pareho kasi silang nakatingin sa akin.

"Dad, I don't want her here, she's a witch," biglang nagpantig ang tainga ko sa sinabi ng chanak na buhay ngayon ni Boss Sungit. Aba, ako? Witch? Sa ganda kong ito?

"ABA'T---

"Ms. Ramirez just cook for us," putol ni boss sa sasabihin ko. Pero teka, ano raw? Cook? Bakit mukha ba akong chef? Hello, secretary po ako hindi chef.

"P-pero b-boss," pagtutol ko.

"Why? Do you have any problem?" Taas kilay nitong tanong. "W-wala po boss, sabi ko nga po gusto kong magluto para sa inyo," ngiwi ko nalang na sagot dahil wala na naman akong magagawa pa.

"By the way, this is Prince, my son." Pakilala ni boss sa anak niya na prince ang name, ang cute naman ng prince na 'to!

"Hello pri---

"Don't talk to me."

Halos mapanganga nalang ako sa aking narinig. Ang maldito naman ng chanak na 'to! Halatang spoiled brat, makuha ba namang putulin ang sasabihin ko?

Prince pero parang demonyo ang ugali, manang-mana sa ama nitong demonyo rin.

Inismiran ko nalang sila ng makaalis na ang dalawa at pumunta ng kusina para magluto.

***
FOLLOW AND VOTE!

The Billionaire's Secretary (COMPLETED)Where stories live. Discover now