PROLOGUE
Mas binilisan ko pa ang aking takbo dahil sa late na ako sa aking trabaho. Bakit kasi ngayon pa ako inabutan ng traffic? Paniguradong patay na naman ako nito sa boss ko!
Aligagang pumasok ako sa elevator at hindi mapakaling napangatngat nalang sa aking kuko dahil sa sobrang kaba. Pagkatunog palang ng elevator ay mabilis na akong kumaripas ng takbo papunta sa office ni boss.
"You're late, again." Kaagad naman akong napalunok ng sumalubong 'agad sa akin ang nagbabagang tingin ng aking boss, isama pa natin ang isang maliit na bata na tila gusto na akong sakmalin sa sobrang sama ng tingin.
"S-Sorry boss, traffic po kasi mukhang may aksidente." Sagot ko sabay yuko.
Bakit kasi ngayon pa ako na-late!
"You didn't even make me a meal last night before you left, hmp!" himutok ng tyanak este anak ng aking boss.
"And you didn't even clean the house."
Ano ba talaga ako secretary o all around maid?!
YOU ARE READING
The Billionaire's Secretary (COMPLETED)
RomanceAstrid Ramirez, a girl who works as a secretary for a man who has no sense of humour. Being a secretary is okay, but is being a babysitter of its child also okay? "Secretary na nga, babysitter pa!" WARNING: This story is still not edited. You may s...