Special Chapter 1

Bắt đầu từ đầu
                                    

"Cheesy, tara na't mag-aral na tayo sa pre cal" Anunsyo niya at tumayo. Tumayo na rin ako at hinawakan ang kaniyang kamay. Ngumiting hinila niya ako kaya natawa ako sa kaniya.

THAT'S OUR SWEET AND MEMORABLE MEMORIES. Mas lalong nadurog ang puso ko at hinahanap ulit ng mga mata ko si Lhiane. I just want to say sorry for everything.

Kung ganito lang pala ang ginawa ko ay sana hindi ko nalang siya nakilala. I'm being too much. Nahagip ng mga mata ko si Skray na nakangiti habang kinukuhanan siya ng larawan ng aking pamilya. That should be Lhiane not Skray.

"Naniniwala ka ba sa mga pangako, Skiel?" After answering her pre cal, tumingin ako sa kaniya. Kunot noo akong napailing sa kaniya kaya naman napanguso siya sa akin at nanlumong umiwas ng tingin. She's cute while acting like a childish. "Hindi ako naniniwala sa pangako ngunit nang makilala kita ay siguro unti-unti na akong naniniwala sa salitang pangako"

"Talaga?" Hindi makapaniwalang tugon niya at tumango ako. Tinabi ko ang kulay lila niyang notebook pati na rin 'yong ballpen.

"Promise me that we will be together until the end." I said. Tumango siya. "At pangako mo sa'kin na ako pa rin ang mamahalin mo, Skiel..." Little tears formed at her left eye.

"Gagawin ko 'yon, Lhiane" I kissed her forehead.

THAT'S OUR EXHANGED PROMISES but sadly to say that I'm the one who broke our promises. Hindi ko na nakayanan pa at napaupo ako sa bench at pinigilang lumuha. Hinahanap ulit ng mga mata ko si Lhiane at doon ako napatayo bigla nang makita ko siyang diretsong nakatingin sa akin.

I think there's a little thunder inside of my chest that always hurting me. Dahan dahan akong lumapit sa kaniya. Inaya ko siya kung saan kami magpunta. Pumayag siya. Wala pa rin nagbago sa kaniya.

"Umupo na siguro tayo?" I asked her kaya tumango siya. Umupo na rin kaming dalawa at tinignan ang mga taong dumadaan sa aming harap. Nakakabingi ang ingay na ito kaya ako na mismo ang sumira.

"Nasasaktan ka pa rin ba?" Binalingan niya ako ng tingin.

"Skiel?"

"Lhiane, I just want to say sorry for everything that what I did. Little do you know that I still love you" Emosyonal na komento ko at nagulat siya. Pero mas ako iyong nagulat dahil bigla nalang pumatak ang mga luha niya at tumingala. "Masakit pa rin hanggang ngayon, Skiel. Buong akala ko ay tayo pa rin kahit anong mangyari. Bakit parang nagbago ang lahat?"

"Hindi ko nagawa ang pangako natin," Biglang saad ko. Malakas siyang napabuntong hininga at mas nangingibabaw ang paghikbi niya.

"Kahit isa sa mga pangako natin ay hindi mo nagawa. Hindi mo na nga natupad, hindi mo pa nagawa" Sa isipan ko ay sinusumbat niya lahat ang sakit na nararamdaman niya.

"I'm so sorry. I'm so sorry for entering your life,"

"No, you don't have to be sorry dahil masaya talaga ako nang makilala kita." She said while looking at me.

"Bakit malaya tayong gumagawa ng pangako kung may limitasyon pala ang mga 'yon?" Mapait netong tanong sa akin. Hindi ako nakasagot.

"Siguro hindi lahat ng pangako ay totoo. Minsan nga ay binalewala nalang ang mga 'yon. Minsan nga kinakalimutan ang mga 'yon," Pinunasan niya ang kaniyang mga luha at sumandal sa upuan. Sa tuwing binibitawan niya ang mga salitang 'yon ay parang ako ang nasasaktan. Bakit ang hirap tanggapin ang katotohangn hindi kami itinadha? "Pero alam mo? Marami akong natutunan sa'yo. Hindi porket nangako ang isang tao ay kaya na 'yon patuparin. Mas lalo akong naging panatag sa sarili ko."

Nakikinig lang ako sa mga sinabi niya at may luhang namuo sa aking mga mata. Nakayuko ako habang pinakikinggan ang kaniyang sinasabi. Nasasaktan siya.

"Sometimes, I don't believe that promises are meant to be broken because I do believe in promises are meant to be broken if the person really don't have intension to love you,"

"But I love you, Lhiane."

"Tama ka, mahal mo nga ako pero hindi mo ako minahal hanggang sa dulo dahil sumuko ka agad." Mapait itong ngumiti.

Tumayo siya bigla dahil biglang may tumawag sa kaniya. Naanig ko sa hindi kalayuan si Leoren habang bitbit niya ang kaniyang aso at tinatawag na si Lhiane.

"I think I need to go?" Doon siya tumigil sa pagpunas ng kaniyang luha.

"Mag-ingat ka,"

"Oo naman, ako pa ba?" Mahina siyang tumawa at tumango ako.

"We will see each other again, right?" Nag-aalangang tanong ko at tumango naman siya. "Sa tuwing sasapit ang pasko dahil ako 'yong ninang nang iyong anak." Tumango ako.

Kasabay nang pagtalikod niya ay doon bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Tinignan ko siya habang papalapit kay Leoren.

Kitang kita ko sa mga mata ko kung paano gumalaw ang dalawa niyang balikat simbolo na umiiyak din siya katulad ko.

Entity Of PromisesNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ