Chapter 19

1.3K 49 1
                                    

Tatlong taon na ang nakalipas. Masaya ako dahil wala na ang mga problemang dumadating sa akin. Simula nang nalaman ko na may binuntis si Skiel ay pinaubaya ko siya kay Skray at ako ang magiging ninang ng anak nila. Alam mo sa pakiramdam na binigyan ko na ng pangalawang pagkakataon si Skiel ngunit nabigo niya pa ako.

Nalaman din nina Leoren ang nangyayari kaya lumayo-layo muna ako sa mundong mapapait. Pumunta ako kung saan ko gusto, sa New Zealand. Kasama ko sina Ate Faith at Antonette. May bahay sila roon. At oo nga pala, malapit na ang kasal nina Kuya Kyroh at Ate Faith kaya kinikilig ako.

Si Antonette naman ay pinasyal niya ako sa New Zealand at doon ko binuhos lahat ng hinanakit ko. Naging kaibigan din nina Leoren si Antonette. Salamat kay Antonette dahil nandiyan sa para sa akin. Napangiti ako nang maalala ko yung tinatarayan niya ako noon.

Deserve ko bang masaktan ng ganito nang dahil lang sa pag-ibig?

At si Skray naman ay naging kaibigan ko rin siya. Yung kinaiinisan ko noon ay may mabuting loob pala silang pinapakita nila. Medyo nahihinayang lang ako sa parte ko dahil hindi patas sa akin 'yon.

Sayang ang pagkakataong ang ibinigay ko kay Skiel ngunit nabigo niya ako.

Pero sa loob ng tatlong taon ay hindi ko pa rin kinalimutan si Gab. Wala na kaming communication. Pero umaasa ako na balikan niya pa ako. Sana. Gusto ko na siyang makita pang muli. Sabik na sabik na ang puso kong makita siya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko dito sa park at aalis na sana pero bigla nalang ako napahinto sa nakita ko.

Iyong kaninang pag-iisip ko tungkol kay Gab ay mukhang nagkakatotoo. Totoo ba ang nakita ko? Parang hindi naman. Siguro namamalik mata lang ako. Aalis na sana ako pero nakita kong napatingin siya sa gawi ko. Nung una ay hindi niya ako pinansin pero nang nilapitan niya ako ay nagulat siya.

"Damn! Is that you,Lhiane?" Tanong ng lalaki sa akin.

Ang laki na ng pinagbago niya. Mas lalo siyang tumangkad at ang boses niya ay sarap pakinggan. Lalo siyang gumawapo. Miss ko na ang lalaking ito.

May luhang namuo sa mga mata ko kaya niyakap ko siya. Ang bango niya. Naramdaman ko nalang na niyakap niya ako pabalik.

"Gab! Damn! Miss na kita. Bakit ngayon kalang dumating? Hinintay kita!" Umiiyak na sabi ko habang yakap ko siya. Narinig ko pa ang mahina niyang tawa.

Kumalas siya sa akin.

"Ikaw? Kamusta na kayo ni Skiel?" interesado niyang tanong kaya nagtataka ako.

"Hindi naman naging kami. Pero tinanggap ko siya ulit sa buhay ko." Mahinang sagot ko at tinignan ang magiging reaksyon niya ngunit nanlamig ako dahil nakangiti lang siya.

"Ah, Why?" tanong niya.

"Ewan ko, Gab. May taong pumilit sa akin na balikan siya"

"That's a good sign, Lhiane." Nagtataka na ako ng tuluyan kung bakit pinipilit na niya ako kay Skiel ngayon.

"Hindi ka ba naseselos?" Mahinang bulong ko na nagpatigil sa kaniya. "Why would I be jealous?" Natigilan man ay naagapan niya pa rin ngumiti ng matamis sa harap ko.

"Gab?'"

"Tara... gumala tayo dahil miss na kita!" Pag-iiba ko ng usapan ngunit nawala ang ngiti sa aking labi nang may tumawag sa kaniyang likuran.

"Gab, let's go?" Naiinis na sabi ng babae at kumapit siya sa braso ni Gab kaya parang may karayom na tumusok sa puso ko.

Totoo ba ang naririnig ko? Bakit bumabalik ang mga alaala ko. Tinignan ko si Gab at hindi siya nakatingin sa akin. Ano 'to, Gab?

Entity Of PromisesWhere stories live. Discover now