Chapter 12

1.1K 51 0
                                    


Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Napatingin ako at laking gulat ko na 5:13 na pala. Yung flight ni Gab ay 6:30! Nagmamadali akong pumunta sa banyo ko at nagligo na. Pagkatapos nun ay uniporme ang sinuot ko para mamaya diretso nalang ako sa school.

Pagkababa ko ay nagpaalam ako kay Ate Tori na aalis ako. Lumabas na ako at naghihintay nalang ng taxi at sa di kalayuan ay may nakakita na ako. Sumakay ako at umalis na.

Nakaramdam ako ng kaba at lungkot. Kaba dahil sa sinabi kahapon ni Gab at lungkot dahil aalis na siya ngayon.

"Bakit sila nang-iiwan?" Bulong ko sa sarili ko.

Nakarating na ako sa bahay nina Gab at nakahinga ako ng maluwag ng makita ko siyang nakatayo sa gate nila at may hawak na maleta. Kausap niya yung Mommy niya! Agad akong bumaba at tumakbo papunta sa kanya.

"Lhiane! What are you doing here?" tanong niya.

"Gab. Pwede bang dito mo nalang ipagpatuloy ang pag-aaral mo?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at ginulo ang buhok ko.

"Sorry, Lhi. Pero kailangan kong sundin ang utos ng Daddy ko" Sabi ni Gab.

Napayuko nalang ako. Nakaramdam ako ng lungkot. Iniisip ko palang kung sino yung magsusundo sa akin? Sasabay sa amin nina Leoren kakain sa cafeteria? At isa pa, wala nang Gab mamaya. Akala ko ba mahal niya ako? Inamin niya yung nararamdaman niya kagabi sa akin.

"Aalis ka ba talaga?"  Bulong ko.

"Yes, I am. Pero hindi pwede. Maraming tutol sa ating dalawa, Lhiane" Sabi niya na nagpahinto sa akin.

Tutol? Sino sila?

"Don't mind them, Gab. Patuloy mo lang akong mahalin. Sige na" nagmamakaawa ko sa kanya.

Naiiyak na ako. Hindi ko na kaya.

"Malalaman mo rin ang sikreto. Not now, Lhi. Nagmamadali ako" sabi niya at nakita ko ang Mommy niya na sumakay na sa sasakyan.

"Sasama ako" Matapang na sabi ko. Sasamahan ko sila sa airport.

"Huwag na" seryoso niyang sabi.

"Basta huwag mong biguin ang pamilya mo. Sana maging masaya kana kay Skiel. Nandito siya kagabi dahil nakikiusap siya sa akin. Nakikiusap siya sa akin na babantayan ka niya at poprotektahan dahil alam niyang aalis na ako. Kaya pumayag naman ako. Pero pangako mo sa akin kapag sinaktan ka ulit ng gagong yun ay nandito lang ako. Hihintayin kita kahit gaano pa katagal. Mahal kita, Lhiane." Pagkasabi niya nun ay huminga siya ng malalim at dingutugan 'yon. "Pangako, babalik ako at patulot kitang mamahalin..." Umalis na siya tulala lang ako.

Oo,hihintayin kita basta babalik kalang. Huwag mo akong papalitan.Pinahiran ko ang luha ko gamit ang likod ng palad ko. Hindi ko alam na masakit palang iwan ang taong  nakasanayan mo na.

Akala ko iba ang gusto mo kaya nawalan ako ng pag-asa. Akala ko hindi mo ako gusto. Marami palang nagkakamali sa maling akala. Sana pala inamin ko nalang yung nararamdaman ko sa kanya. Duwag ako.

"Lhiane? What are you doing here? Why are you crying?" Napalingon ako at nakit ko si Kuya Kyroh.

Ilang araw ko na siyang hindi nakikita. Saan ba siya pumunta. Umiling lang ako kaya nilapitan niya ako at niyakap. Nagulat ako sa ginawa ni Kuya. Niyakap ko siya pabalik. Matagal ko anng hindi niyakap ang Kuya ko.

"It's alright. Babalik iyon. Babalik siya, Lhi. Tiwala lang" sabi niya.

"Kilala mo siya, Kuya?" tanong ko sa kanya habang niyayakap ko siya.

Entity Of PromisesWhere stories live. Discover now