Chapter 8

1.3K 58 2
                                    


Paano kapag bumalik yung nararamdaman ko kay Skiel? I hope na hindi na pwede. Mali na 'to. For the sake of years ay kinalimutan ko na siya pero ito ako ngayon, iniisip siya. Naalala ko pa rin ang sinabi niya sa akin.

"But you're the best , Lhi"

Sana nagkamali lang ako ng rinig. Bakit niya sinasabi sa akin ang mga salitang iyon? Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit hiniwalayan ako ni Skiel. Pero okay na nga yun eh. At isa pa, ilang taon o buwan na kaya sina Skiel at Skray? I hope their relationship will end up like a bullshit. Nakakainis si Skray. Naalala ko pa kung paano niya ako tarayan at ang una naming pagkikita.

Bumaba na ako sa kotse. Nakarating na ako sa loob ng campus namin. Nakisabay lang ako kina Leoren since maaga pa siya pumasok. And I don't know, literally.

Nagpasalamat ako sa driver niya at nauna akong umalis dahil pupunta pa si Leoren sa Guidance Office.

Habang naglalakad mag-isa sa daan. Kaunti palang ang mga estudyanteng katulad ko. Tuwing dadaan ako ay binabati nila ako. Maraming rumerespeto sa akin maliban nalamang kay Kuya Kyroh.

Kinuha ko yung phone ko. Walang bahid na mensahe ni Gabriel para sa akin. Ano ba ang problema niya. Nakarating na ako sa classroom ko kaya pumasok na ako. Natanaw ko si Angel sa upuan niya na nanonood ng k-drama. Si Ches, Shy at Leoren ay mahilig manood ng k-drama. Me? Minsan lang ako nanonood. I have many problems to solve that's why I have no time to watch k-dramas.

Pinatong ko yung bag ko sa upuan ko at niyaya si Shy na pumunta muna sa canteen. Pumayag naman siya dahil wala siyang kasama sa classroom.

Nagkwentuhan lang kami ni Shy  habang tinahak namin ang daan patungong canteen. Mainit, oo! Bibili kasi ako ng pang-umagahan ko dahil hindi pa ako kumain sa bahay dahil maaga akong umalis. Nagmamadali kasi ako baka sumabay kami ni Kuya. Definitely right now I hate my Kuya Kyroh! Parang hindi na siya ang kuya na nakilala ko noon. Nagbago na siya.

Naka-order na ako ng pagkain at ganon din si Shy. Parehas lang pala kaming dalawa ang hindi kumain. Tahimik lang kami kumakain. Napaisip ako. Kung nandito kaya si Gab? Syempre, ang tahimik kung araw ay gugulo dahil lamang sa kanya.

"Ew! Watch your step"

Napaangat ako ng tingin. Nakita ko sa bandang pintuan si Skray na hawak ang dulo ng uniporme niya. Natapunan siya ng isang malagkit na orange juice. Siguro ay hindi sinadya. Napatingin ako sa katabi niya. Nakatingin ito sa akin kaya mabilis akong umiwas ng tingin. Si Skiel.

Ang arte ni Skray! At isa pa, ang tinis ng boses niya. Nandidiri ako. Para siyang malandi na sumisigaw.

"Alam mo ba, Lhi?" Biglang tanong ni Angel. Nagkunot naman ang noo ko sa tinanong niya sa akin.

"Ano alam ko, Angel?" tanong ko rin pabalik sa kanya.

"Na bukas ay kaarawan na ni Gabriel?"

Napamura nalamang ako sa isip ko. Oo nga pala! Bukas na ang kaarawan ni Gab. Then good. Pero wala pa akong regalo bukas para sa kanya. Siguro bibili nalang ako sa mall mag-isa mamaya. Then fine! Ako nalang ang bibili para pipili ako ng maayos at tahimik.

Tinapos na namin ang kinain namin ni Shy at lumabas na. Pero bago kami lumabas ay tinapunan ako ng masamang tingin ni Skray. Hindi ko nalang siya pinansin at umalis na kami.

Hindi ko alam pero ni minsan ba ay pinag-uusapan ako nina Skiel at Skray? I don't think so. Alam ko na ang ugali ni Skiel.

Habang naglalakad ay pinahiran ko ang butil na pawis sa noo ko gamit ang likod ng palad ko. Natanaw ko sa hindi kalayuan si Gab na nakatayo sa labas ng classroom namin. Napangiti ako at agad akong tumakbo papunta sa kanya. Narinig ko pa nga yung sigaw ni Shy na hihintayin ko siya.

Entity Of PromisesWhere stories live. Discover now